Bea Alonzo refuses to take Sam Milby's special gift

Bea Alonzo explains why she said no to the Blackberry phone Sam Milby was giving her.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/12/2009 12:02 PM
Bea Alonzo refuses to take Sam Milby's special gift


Nakabalik na sa bansa ang aktres na si Bea Alonzo mula sa kanilang Heartthrobs concert tour sa Europe. At sa naging mainit na pagsalubong sa kanya ng SNN, malugod na ikinuwento ni Bea ang aniya’y napakasayang experience niya sa naturang lugar. Pagdaragdag pa nga niya kaugnay nito, kung mabibigyan daw siya ng pagkakatao’y nais niyang bumalik doon para makapag-travel sa iba pang bahagi nito.

Bagong dating man, hindi naman nakatakas ang aktres sa napakaraming intrigang nag-aantay sa kanya dito sa Pilipinas, partikular na ang sinasabing espesyal at mamahaling regalong ibinigay sa kanya ng co-star at kaibigang si Sam Milby. Isang brand new Blackberry cellphone di umano ang ibinibigay ni Sam kay Bea; at ayon na nga rin sa bali-balita, mariin itong tinanggihan ng dalaga. Sa naturang panayam, agad na ipinaliwanag naman ni Bea ang dahilan sa likod ng hindi niya pagtanggap sa naturang regalo. “Hindi ko naman kasi kailangan. Feeling ko kasi kung tatangapin ko sayang din, so feeling ko dapat sa tamang tao na lang niya (Sam) ibigay” paglilinaw ng aktres.

On the other hand, kinumpirma na rin naman ni Bea ang muling pagbabalik-tambalan nila sa pelikula ng dati niyang ka-love team na si John Lloyd Cruz. Sa katunayan, sisimulan na raw nila ito. Kaugnay ng nararamdamang excitement, inamin din naman ni Bea na bahagya siyang kinakabahan dahil ibang-iba daw talaga ito sa mga pelikulang nagawa na nila ng aktor.