• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-ai Delas Alas says her 'magic panties' are her movies' lucky charm

Ai-ai Delas Alas says her 'magic panties' are her movies' lucky charm

Ai-ai Delas Alas explains why Direk Wenn Deramas has worked in 'panty scenes' in all of her box-office films.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

11/11/2009 8:37 AM
Ai-ai Delas Alas says her 'magic panties' are her movies' lucky charm


Kwelang-kwela sa trailer ang tandem ng Comedy Queen na si Ai-ai delas Alas at ang bagong artistang at Pacmom na si Dionisia Pacquiao sa latest movie ng Star Cinema na Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round sa direksyon ni Wenn Deramas. “Funny  talaga si Aling Dionisia. Pati mga kilos niya nakakatawa,” bungad ni Ai-ai. Baguhan nga daw sa mundo ng showbiz si Mommy Dionisia kaya’t kelangan ng konting pasensya sa ilang mga eksena. “Tinutulungan ko siya. Gina-guide ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘Mommy D, ganito ang gawin mo.’ Oo, tinuturuan ko siya sa set.  At ginagawa naman niya.”

Bukod kay Mommy D, first time rin nakasama ni Ai-ai sa pelikula ang legendary action king at dating Pangulo na si Joseph ‘Erap’ Estrada. “Nu’ng nagda-dubbing pa lang ako nu’ng movie namin, every time lalabas si Erap sa screen nakikita ko talaga na iba ang dating. Kaya kung Erap lang, solve na ang audience, e. Novelty talaga na mapanood ulit siya sa screen. Kaya happy talaga ako sa movie namin. Hindi ko lang siya nakatrabaho may kissing scene pa kami. ‘Yung kissing scene namin ni Papa Erap sa wedding scene. Pero very, very light lang.” May bed scene din daw sila ni Papa Erap niya. “Bed scene as in meron kaming usapang-kama. Pero marami ako’ng bold scenes, ha, dalawang matindi. ‘Yung una sa opening  pa lang at sa gitna ‘yung isa.  Ibang-iba ‘yun sa mga ginawa ko sa past movies namin ni Direk Wenn,” pagmamalaki ni Ai-ai.

Pero iba raw ang itinuturing na lucky charm nila ni Direk Wenn tuwing gagawa ng pelikula.            “Every movie ko, gustong-gusto ni Direk Wenn may ‘panty scene’ sa akin. Sa walong movies namin ni Direk Wenn, walong beses na rin niya ako’ng kinunan ng naka-panty.” Isang panty lang ba ito na parang ‘yung magic kamison ni Mother Lily Monteverde na for all the movies na sinasalin-salin lang ang panloob na damit every time may ila-launch na bagong sexy star noon ang kanyang film outfit na Regal Films? “Ay, hindi. Iba-iba siya. Basta panty na parang tanga.  Basta litaw ang legs ko. Kaya kung may magic kamison si Mother Lily, kami ni Direk Wenn may magic panty,” sabay tawa ni Ai-ai.

After ng showing ng  movie ni Ai-ai sa mismong birthday niya on Novmeber 11, maghahanda naman siya sa kanyang nalalapit na show sa Zirkoh Tomas Morato titled “Ai-conic” on November 20, Friday, 10 pm with Rockcoustic Heartthrob Sam Milby at ang bago pero talented artists called Young Sessionistas.  “Special guest ko si Sam Milby. Syempre alam mo na, sosorpresahin ko siya,”  makahulugang pahayag ni Ai-ai.