ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
3232 vote/s out of 6982
46% Vote

B. Fourth at Fifth
1027 vote/s out of 6982
15% Vote

C. Daniel
712 vote/s out of 6982
10% Vote

D. Vickie
500 vote/s out of 6982
7% Vote

E. Joshua
1511 vote/s out of 6982
22% Vote

Total Votes: 6982

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Jodi Sta. Maria and Richard Yap reveal what to expect in 'Be Careful with my Heart' the movie

8/13/2013 10:15 AM

by: Krissa Donida

Push This

081313-richardjodi_main.jpgSa selebrasyon ng 60 years of Philippine television ng ABS-CBN, isa ang teleseryeng Be Careful with my Heart na nagpabago ng mukha ng daytime viewing ng ating mga kapamilya. Sa panayam ng Showbiz Inside Report sa mga leading stars ng nasabing teleserye na sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria, naitanong sa kanila kung ano ang nagbago sa kanilang sariling buhay. Ayon kay Jodi, “Ako, hindi ko naman masabi na nabago talaga. Nabago in a sense na mas busy ako ngayon sa trabaho pero masasabi ko na ako pa rin ito.’’ Ito ay sinangayunan ni Richard patungkol sa kanyang sarili. “Parang ganun din, it’s the same thing. As persons or as people we are still the same people since we started out, ganun pa rin.”

Dagdag pa ni Richard, “May konting ano, yung character ko kasi may konting personality ko talaga so I can be a little like that at home. Minsan sa pagka-strikto sa mga bata, mga ganun.” Maging si Jodi ay aminadong nahahawa na din sa pagiging positibo ng karakter ni Maya ngunit aminado ang aktres na naapektuhan din siya sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay. Aniya, “Si Maya talaga ang walking good vibes pero si Jodi meron din namang mga moments na naapektuhan ng mga bagay na nangyayari sa paligid niya. But as much as possible I don’t let it get into me, siyempre sa trabaho ko saka mas masaya kaya yung lagi kang nakangiti at natutuwa ka lang kesa sa nakasimangot, nakakarami pa ng wrinkles yun.”

Ibinahagi din ni Jodi ang kanyang naging karanasan nang minsang nakita siya ng ilang mga tagasubaybay ng kanilang programa. “There was one time na nangyari sa akin bumibili ako ng isang drink sa isang shop tapos may mga lumapit na medyo may mga edad na. Tapos nag-hi sila tapos nag-hi ako. Tapos tanong sila ng tanong tapos ako naman siyempre isang tanong, isang sagot tapos parang sinabi lang nila ‘Ay hindi ka pala madaldal ano?’ so parang feeling ko kapag nakikita nila ako ineexpect nila ang makukuha nila sa akin kung sino yung nakikita nila sa television… so kapag nakikita nila kailangan laging masaya, nakangiti, madaldal ganun.” Pero sa kanyang pananaw, positibo naman si Jodi sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanang personal, “Yung mga storm naman sa buhay natin its inevitable, dumadaan yan, hindi mo siya kayang i-control ang magagawa mo lang ay ikaw yung kumalma at hayaan mo lang na lumipas yung bagyo so ganun na lang.”

At sa unang pagkakataon, ibinhagi nina Jodi at Richard ang aabangan ng kanilang mga tagahanga sa Be Careful with my Heart The Movie na isa sa mga official entries ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa taong ito. “Siguro in general it’s the start of a new chapter in the lives of Maya and Ser Chief and then after the movie siguro distant muna konti sa continuation. So you shouldn’t miss the movie kasi if you miss the movie hindi mo alam kung anong nangyari.” Dagdag pa ni Jodi, “Yung movie, alam ko ha, as far as I’m concerned, hindi siya yung recap ng parang from what happened ng Day 1 hanggang sa where we left off pero continuation at continuation ulit sa television. From TV-movie-TV. So kung ano yung aabangan at mapapanood nila, yun yung kailangan nilang abangan.”

Comments
Myrna Gatdula
8/13/2013 11:25 PM
I can't wait for the said movie, will there be a wedding already of Sir Chief and Maya? Looking forward to that episode eh! ! God Bless you all and more power and success to all the cast and people behind this wonderful soap Pilipino style.

Post A Comment
Comment: