ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba sa desisyon ni Julia Barretto na baguhin ang kanyang apelido?
Hindi
20543 vote/s out of 22699
91% Vote

Oo
2156 vote/s out of 22699
10% Vote

Total Votes: 22699

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Carlo Aquino says he plans on staying a Kapamilya

5/18/2013 2:47 AM

by: Krissa Donida

Push This

051713-carlo_main.jpgMatapos ang kanyang pagganap bilang batang Nonie Buencamino sa panghapon na seryeng Dugong Buhay, muling nagbabalik si Carlo Aquino, ngayon naman sa Primetime serye na Annaliza. Gagampanan niya ang karakter na si Makoy na dumukot sa sanggol na si Annaliza na ibibigay sa karakter na ginagampanan naman ni Zanjoe Marudo.

Sa press conference ng Annaliza, nakapanayam ng Push.com.ph, The Buzz at ng Cinema News si Carlo at ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik-primetime siya sa ABS-CBN. Matatandaang huli siyang lumabas sa primetime sa seryeng Bituing Walang Ningning noong 2006. Aniya, “Hindi ko nga maipaliwanag kasi primetime. Kasi malaking bagay tapos Annaliza isang malaking project tapos para mapasama ako dito. Sinama ako dito ng ABS, saka ni Direk Ruel (Bayani). Maligaya ako, sobrang masayang-masaya ako.

Matapos ang maraming taon na nawala siya sa Kapamilya network, siniguro niyang ngayon ay mananatili na siya dito. “Oo, dito na lang ako… Parang hindi ako umalis. Yung suporta ng ABS, nina Mr. M (Johnny Manahan), ng Star Magic, sobrang na-touch ako kasi hindi ko ineexpect na ganun pa rin yung welcome nila parang kapamilya pa rin ako.”

Ngayon nga ay walang ibang plano si Carlo kung ‘di ang umarte at muling ipakita ang galing at kakayahan niya bilang artista. Aminado noon si Carlo sa isa sa kanyang panayam sa Push.com.ph na nawala ang kanyang focus sa pagtatrabaho. Aniya, “Ngayon aarte lang ako. Mabigyan lang ako ng pagkakataong umarte o mag-guest sa kahit anong show gagawin ko. Wala na akong palalampasing pagkakataon.”

May mga nabanggit din siyang ibang mga kapamilya na nais niyang makasama at makatrabaho. “Kathryn Bernardo, si KC Concepcion. Si Ms. Dawn (Zulueta) gusto ko din makasama.” At nang matanong kung bukas siyang makatrabaho muli ang dating kasintahan na si Angelica Panganiban, “Of course, oo naman. Isa siya sa mga pinakamahuhusay na artista natin ngayon, isa sa mga pinakamalaking artista natin ngayon para mabigyan ng pagkakataon gagawin ko.

At bilang dating kasintahan, nagsalita din siya tungkol sa pagkamatay ng adoptive mother ni Angelica noong May 14. Noong araw din ng presscon niya nalaman ang balita at wala siyang ideya tungkol sa nangyari ngunit siniguro niyang pupunta siya at ipapaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Angelica. At sa tanong na nagkaroon ba siya ng pagkakataong maging malapit sa ina ni Angelica, “Oo naman, oo naman. Sobrang close kami.

Ngayon ngang halos nasa edad na si Carlo kung saan ang ilan sa kanyang mga kasabayan ay nalagay na sa tahimik o kung hindi nama’y may plano na, natanong ang aktor kung may pressure din ba siyang nararamdaman pagdating sa ganitong usapin. “Hindi ko alam e wala pa e. Kasi gusto ko muna maka-ipon pa e saka may responsibility ako sa family ko pero hindi ko pa iniisip, pero nag-iipon pa naman ako.” 

Abangan ang Annaliza sa Primetime Bida bago mag TV Patrol World.

Comments
Marvin Laguna
5/18/2013 3:03 PM
What? Why is Krissa Donida comparing him to his peers. He's just 27. Why not go ask Coco Martin and other older celebrities who are in their 30s and you Donida, lumagay ka narin ba sa tahimik? Asking Aquino with such a lame question!

Marvin Laguna
5/18/2013 3:03 PM
What? Why is Krissa Donida comparing him to his peers. He's just 27. Why not go ask Coco Martin and other older celebrities who are in their 30s and your Donida, lumagay ka narin ba sa tahimik? Asking Aquino with such a lame question!

Post A Comment
Comment: