ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
11862 vote/s out of 27178
44% Vote

B. Fourth at Fifth
5920 vote/s out of 27178
22% Vote

C. Daniel
2982 vote/s out of 27178
11% Vote

D. Vickie
2021 vote/s out of 27178
7% Vote

E. Joshua
4393 vote/s out of 27178
16% Vote

Total Votes: 27178

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

AiAi Delas Alas and Jed Salang hope to have their own child in the near future

4/14/2013 10:28 PM

by: Patty Ramirez

Push This

041513-aiai_main.jpgIbinunyag nitong Linggo ang natatanging love story ng Comedy Queen na si AiAi Delas Alas at ng kanyang bagong asawa na si Jed Salang sa "The Buzz" exclusive interview ni Boy Abunda. February 3, 2012 pala unang nagkakilala sa isang bar sina AiAi at Jed. Pagbabahagi ng Comedy Queen, "Dun kami nagkakilala sa Opus. Nakita ko siya, tapos sabi ko since matagal na nga rin akong walang relationship, sabi ko (sa kaibigan ko) halika labas naman tayo sakaling makahanap naman ako ng boyfriend ko kasi pupunta na ko sa Jerusalem, magiging malinis na naman ako. Gusto ko naman maging madumi bago ako magmalinis." 

Natatawa ding nagkwento si Jed sa panahong nagkrus ang landas nila ni AiAi. "Dumating ako sa Opus mga 11(pm), kasama ko yung friend ko si Norris. Pagpasok na pagpasok namin ng Opus, sabi sa kin ni Norris, 'Bro si AiAi, ayan nasa kaliwa mo na.' So nung paglingon ko sa kanya, ngumiti ako sa kanya, iniirapan niya ko. Twice niya ko inirapan." 

Style daw ni AiAi ang pang-iisnab kay Jed dahil feeling niya agad ay may gusto ito sa kanya. Hanggang pinalapit ni AiAi ang kasamang kaibigan na si Jerry sa dalawa upang makilala ang mga ito. Sabi pa ni AiAi, "Kung crush niya ko sundan niya ko sa Republic. Kung hindi e 'di wag na lang." Hindi rin nahiya aminin ng komedyana na siya ang unang nag-aya kay Jed na magkita sila kinabukasan upang mag-date at manood ng sine. 

February 17, 2012 nang ginawan ng isang bonggang birthday celebration ni Aiai si Jed. Dito ay officially naging sila. Pero di naging madali ang relasyon ng dalawa hanggang nauwi ito sa isang seryosong away. "Sabi ko, 'Jed hindi na ko bata. Ikaw bata ka pa. Marami ka pang pupuntahan. Itong lahat na to, kung ano man tong problema natin titiisin ko to for what? So better wala na lang tayo kasi titiisin natin to ang isa't isa,'" simula ng aktres. Gusto na raw kasing magpakasal ni AiAi na tila hindi pa handa si Jed. "Yes kasi 'di pa siya ready nun. Nahurt ako. Nahurt ako siyempre babae ako. Naiintindihan ko din naman si Jed kasi bata pa siya. Pwede naman go on with your life and ako din, kahit masakit, kahit mahal na mahal kita, kaya baboo, kaya lumipad ako para marealize niya ano ba talaga si Ai sa buhay ko? Kaya ko ba o hindi? Ako rin naman, kaya ko ba to o hindi? Kaya ko ba siya hiwalayan? Hahabulin ba niya ko? Yung ganun, para sa kin, ito pag hinabol niya ko  at inalok niya ko ng kasal go. Pero pag hinabol niya ko at ganito pa rin 'wag na lang."  

Ibinahagi rin ni AiAi ang kanyang naramdaman nang siya ay umalis patungong US. "Ayoko na pero, hirap na hirap ako. Nahihirapan ako. Iyak ako ng iyak. 'Di ako makatulog. 'Di makakain. Pagbalik ko kasi pinaban ko siya sa Ayala. 'Di siya pwede pumasok. Kasi yun ang parating dahilan eh, kapag nakikita ko na si Jed, nawawala na lahat ng galit ko, so pagnakita ko 'to, magkakabalikan kami. Pagdating ko dun, pitong gwardiya ang humaharang sa kanya. Ang ending tinakas ko siya sa Ayala. Dun kami sa labas nagusap." 

Sa panahong iyon, nakapag-isip naman si Jed at inamin niya na nahirapan din siya sa pagkawala ni AiAi kaya naman nag-propose na siya agad-agad. "Alam ko naman kung ano ikakatatahimik namin parehas, kung ano yung ikaliligaya namin parehas so sinabi ko na 'gusto mo magpakasal?' Tapos nagusap kami, plinano na namin." 

Naganap ang formal proposal ni Jed sa Makati. "Proposal namin sa Makati. Sabi ko magkita tayo sa Makati magdinner tayo. Nanginginig ako tapos namumutla na ko," sabi ni Jed. Nang sinabi na daw ni Jed ang mga salitang, "Would you still marry me?" ay napaiyak na lamang si AiAi. "Krayola akey! Huhuhu...tapos kiniss ko siya ng marami. Ganun lang." 

April 3, Thursday, 3 pm naganap ang kasalang Salang-Delas Alas sa The Venetian Hotel sa Las Vegas, Nevada. Naroon ang buong pamilya ni Jed, na isang US Citizen. Si AiAi naman ay kasama ang kanyang mga anak na sina Niccolo at Sancho, pati ang inang si Justa. Present din si Miguel Vera, na ama ng mga anak ni AiAi. Si Jed ay naka-JC Buendia na suit at si AiAi naman ay naka-Maxi Cinco na damit. Hinatid si AiAi sa harap ng dambana ni Sancho. Aminado si Jed na very emotional siya bago magsimula ang kasal. "Before that, nanginginig ako. Eto na. May tinatawag silang cold feet, 'di mo alam, kung talagang 'eto na ba?' Parang pelikula lang na napapanood mo sa TV o sine. Basta ganun. Unti-unti ko nang nakikita dumadami na yung tao, pinagpapawisan kahit malamig so di ko na alam. Tuliro na ko. Tulala. Tapos hanggang sa nakita ko na siya. Naglakad siya tapos nung kumanta si Lani (Misalucha). Thank you Ms. Lani. Umpisa pa lang ng kanta niya pinipigilan ko yung luha ko pero bumagsak." 

Si AiAi din naman ay aminadong lumulutang ang pakiramdam. "Yung sinabi niya na parang pelikula. Tama yung sinasabi niya na para akong lumulutang na 'di ko maintindihan. Nun andun na ko parang ang saya-saya ko, 'yes ikakasal na ko' pero nung narinig ko na yung 'Ikaw' na-ano ako...Nung unang-una kong nakita yung chapel, yung walang tao, kinilabutan ako, ganito pala feeling nun, ikakasal na ko, magiging misis na ko." 

Ang vows nina Jed at AiAi ay dapat impromptu para daw mas masabi nila ang kanilang nasa puso. Pero dahil sa kaba, gumawa din ng kodigo sa kanyang cellphone si Jed. "Babe, Dati napapanood lang kita, pinapangarap na makilala ka. Binigay ka sa kin ng Panginoon at pinagtagpo tayo ng landas. Ngayon kaharap na kita sa pinapangarap nating dalawa na pagsasama habang buhay. Mamahalin at aalagaan kita habang nabubuhay ako at si Lord lang nakakaalam kung gaano kita kamahal. I will always be your friend, your best friend and your clown. Specially your loving husband. Never akong magsasayang ng araw na makakasama kita at mamahalin kita habang nabubuhay ako. I love you," naiiyak na sinabi ni Jed sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan.  

Si AiAi din naman ay 'di rin napigilan ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa kasiyahan. "Bebe, Batchi, Mommy, lahat ng pwede kong itawag sa yo, pag galit Jed lang, lagi mong tatandaan, dati ko pa sinasabi sa yo ikaw ang magiging huling lalaki sa buhay ko. And thank you, thank you lahat ng pangarap ko tinupad mo. Forever kitang mamahalin. Dahil  sa bloodline mo alam ko kahit mas bata ka, baka ikaw yung unang magkasakit, aalagaan kita, kahit malaki ka aakayin kita. Kunyari madapa ka, dumating yung panahon na nagkamali ka, kung saan mo ko iniwan dun mo pa din ako dadatnan. Ipe-pray ko kay God na kung maghihiwalay man tayo, ay yun nang panahon na kukunin niya tayong dalawa. Pinapangako ko na kailan pa man, parati mong kinakagalit sa kin iiwanan kita, ngayon simula ngayon hindi kita iiwan, habang buhay kitang mamahalin, hanggang mamatay ako ikaw ang huling lalaking mamahalin ko sa buong buhay ko. I love you so much. Alam ko alam ni Lord kung gaano kita kamahal. Thank you at binigay ka niya sa kin. I love you so much Babe, very much." 

Aminado si AiAi na 'di niya akalain na makakapagasawa pa siyang muli. "Sabi ko sa buhay ko, magpapayaman na lang ako lalo, career ko na lang iintindihin ko tsaka mga anak ko. Kunsumisyon mga lalaki talaga eh. Ayoko na talaga eh. Ayoko na magasawa tapos itey!"  

Isa pang isyung pinagusapan ay ang pagsisikreto ni Jed at AiAi tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib. "Ako humihingi ako ng paumanhin sa lahat kasi unang-una gusto ko ito na maging para sa amin lang, family, friends. Feeling ko kasi maiksi lang yung kasal na to para i-ano ko sa buong mundo. Sorry po sa mga nagtatanong sa friends ko or sa anak ko na nagdedeny, kasi po utos ko yun. And ngayon na ok na, pasensya na po kayo kung nagsinungaling yung mga bata, lalo na si Sancho kasi sinabi ko sa kanya, 'O anak wag mo sasabihin na kasal na ko," paliwanag ng aktres.  Isang malaking pagdiriwang naman ang  kanilang pinaplano para sa mga kamag-anak at kaibigan dito sa Pilipinas. Binabalak na ng mag-asawa ang kanilang church wedding na gusto sana ni AiAi ay mangyari sa December 8, feast ng Immaculate Concepcion, dahil deboto siya ng Mahal na Birhen. 

Sa usaping nagdadalang tao ngayon si AiAi, matapat naman na sinabi ng komedyana na hindi siya buntis ngunit may balak silang magka-anak ni  Jed, kahit pa hirap na siya sa kanyang edad. "Nadelayed naman talaga ako. Actually 'di lang 9 days eh. Siguro mga 15 days. Siguro iba na ngayon ang katawan ko kasi 'di ko pa din masabi kung totoo o hindi kasi yung menstruation ko minsan half-day lang. Di naman agad yun na negative o positive, kelangan ko pa pumunta sa doctor. And yun nga so negative siya, kasi nga yung lining ko manipis na. kasi nga naoperahan na ako dati...may eggs pa naman ako. So pararamihin lang yung eggs then IVF (In Vitro Fertilization)."

Eenjoyin daw ng mag-asawa ang kanilang pagsasama. Ipagpapatuloy pa din daw ni AiAi ang kanyang pagaartista samantalang gusto ni Jed na maging isang kilalang negosyante balang araw. 

Post A Comment
Comment: