Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung magiging “mag-on” si Sir Chief at Maya, ano ang gusto mong maging term of endearment o tawagan nila sa isa’t isa?
A. Sir Chief at Maya (pa din!)
2819 vote/s out of 3321
85% Vote

B. Mahal na Hari at Mahal na Reyna
95 vote/s out of 3321
3% Vote

C. Chief at Maymay
71 vote/s out of 3321
2% Vote

D. Babe/Baby
134 vote/s out of 3321
4% Vote

E. Hon/Honey
202 vote/s out of 3321
6% Vote

Total Votes: 3321

Jason Francisco appeals to John Prats; says he reacted out of concern for Melai Cantiveros

3/22/2013 2:56 PM

by: Mika Esperanza

Push This

032213-jason_main.jpgInamin ni Jason Francisco na nasaktan niya si John Prats nitong Huwebes ng gabi sa taping ng "Banana Split" sa Music Museum sa San Juan.
Sa report ng Umagang Kay Ganda nitong Biyernes, inamin ni Jason na nagalit na siya sa madalas na panunukso nila John at kasamahan nito sa “Banana Split” sa dati niyang kasintahan na si Melisa “Melai” Cantiveros.

Nagawa ko talaga 'yon sa kanya. Parang napikon ako sa kanya. Kasi parang mayroon na kami dati na something na parang napipikon na ako. So parang ngayon lang dumating 'yung punto na parang nag-burst out sa damdamin ko, parang ang bilis ng pangyayari, na nagawa ko sa kanya 'yun. Kasi minsan 'yung tuksuhan, natutukso si Melisa so parang ako man ay nasasaktan para sa kanya, hindi niya alam 'yon," ani Jason na umaming nililigawan muli ngayon si Cantiveros.

Dahil sa nangyari, humingi ng patawad si Jason sa nasaktan niyang si John. Ayon pa kay Jason nais din niyang mabigyan siya ng pagkakataon na personal na makahingi ng tawad kay John. 

"Ako willing naman ako talaga, kung ano 'yung consequence na i-ano sa akin ni Kuya John. Kuya John, alam ko naman na mabait ka talaga. Alam ko na sobrang mahal mo si Melisa, kaya sana mapatawad mo ako. Kasi siyempre, lalaki ako at alam mo 'yung feeling ba na pagka alam mo na too much na 'yung ano mo (panunukso) kay Melisa. So, sana maintindihan mo bilang lalaki ba na nagmamahal. Humihingi ako ng paumanhin sa iyo, na sana ay patawarin mo ako sa nagawa ko," ani Jason.

Nitong Huwebes ng gabi, matapos ang insidente, nagtungo si John sa San Juan Police para ireklamo at ipa-blotter ang panununtok na ginawa sa kanya ni Jason. 

Aniya, nanunuod lang siya ng rehearsal ng “Banana Split” nang pagharap niya ay bigla na siyang sinuntok ni Jason. 

Sa isyu naman ng tuksuhan at asaran, sinabi ni John na naging normal na ito sa kanilang grupo.

Comments
Ge Rald
3/25/2013 8:09 PM
Dapat kasi ay limitado ang pagbibiro, hindi yung hirit lang ng hirit kahit nakaka apak na ng ibang tao. May puso din silang nasasaktan at naiinsulto, uy!

Mariano Rivero
3/24/2013 3:49 PM
It's payback time for Jason. Hindi ba sinaktan din niya si Melai dahil bigla siyang nagbago ng lumabas sila sa bahay ni Kuya? Pero si Melai bumongga ang career, si Jason napag-iwanan. Kaya ayun, napilitang amuin uli si Melai dahil kailangan niya pala si Melai para sa career niya.

Madel Abarquez
3/23/2013 7:08 PM
tama yabang kasi ni prats eh hindi naman magkakaganun si jason kundi paulit ulit ung panunukso nya hmmmmn. nakahanap ka din katapat mu prats

pruedence cruz
3/23/2013 1:42 PM
i guess showbiz is really not for jason... hindi nya kaya ang plastikan at tiisan sa showbiz... mapapahamak lang sya since hindi nya kayang lunukin ang kalakaran...

Sara Marco
3/22/2013 4:48 PM
Nakakalalaki naman kasi yang Prats na punggok na yan feeling sikat syempre napuno na si Jason ...its a ...simple human reaction

Post A Comment
Comment: