Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong talent sa palagay niyo ang idedevelop ng award winning actor na si Piolo Pascual sa bagong kapamilya show na Promil Pre-School i-Shine Talent Camp 2?
A. Singing
262 vote/s out of 3626
7% Vote

B. Dancing
2040 vote/s out of 3626
56% Vote

C. Acting
1324 vote/s out of 3626
37% Vote

Total Votes: 3626

Kathryn Bernardo speaks up about Daniel Padilla and obsessive fans

3/22/2013 8:55 AM

by: Krissa Donida

Push This

032213-kathryn_main.jpgMatapos ipagtanggol ni Daniel Padilla ang isa sa mga kasama niya sa pelikulang Must Be Love na si Liza Soberano sa mga nang-aaway sa kanya at nangba-bash sa ilang mga social networking sites, nagsalita na rin si Kathryn Bernardo para depensahan si Liza. Ayon kay Kathryn, “Feeling ko naman kasi hindi naman kasalanan ni Liza yun kasi ginagawa naman niya yung trabaho niya. Pero kasi yung ibang mga Kathniel fans na ano lang silakasi first time ma-pair ni DJ sa ibana bago sa kanila yun.” May nais din siyang iparating sa nakatrabahong si Liza sa nakukuha niyang hindi magagandang kumento tungkol sa kanya. “And basta kay Liza maging strong lang siya at kapag nadaanan naman niya ito magiging tuloy-tuloy na e.”


Sa mga nakapanood na ng pelikula, marami ding mga kumento na nagsasabing lumalaban din ang chemistry ni DJ at nang ka-love triangle na si Liza at nagbigay din ng reaksiyon si Kathryn tungkol dito. Aniya, “Kagaya ng sinabi ko before, ayoko din naman hilahin pababa si DJ na kung mas malakas sila, bakit ko naman ipipilit kami? So kung ano na lang ang mas magandang chemistry or kung ano ang ibigay ng management sa next show, yun na lang yun. Saka happy ako kay DJ kung sinuman ang i-pair sa kanya.”

Natanong din sa dalaga tungkol sa mga die hard at possessive fans na bukas ang pagsasaad na ayaw nilang matambal sa iba ang isa’t isa. “Siguro yung iba hindi siguro possessive e more on super love lang talaga nila kami na ayaw kaming paghiwalayin ang I thank them for that. Kung paghiwalayin naman kami, I think sa umpisa lang sila mahihirapan pero Kathniel fans naman sila e. Saka ang maganda sa kanila kahit na magkahiwalay na kami, suportahan pa rin nila ako, suportahan pa rin nila si DJ kahit sino ang makalove team. Isa yan sa mga gusto ko sa Kathniels.”

Magkasama man sila ni Daniel o magkahiwalay, hindi na nga maikakaila ang kasikatan ng kanyang kapareha. Kahit saan magpunta si Daniel, nagkakagulo ang mga tagahanga sa kanya. Nakikitang umiiyak sa kanyang presensya, kinikilig at naghihiyawan ang mga ito. At nang kunan ng Push ang reaksiyon ni Kathryn tungkol dito, “Ang dami nga nagsasabi na ang swerte mo, ikaw ganyan-ganyan. Basta ingatan mo siya. Siguro ako lucky din ako na si DJ ang na-pair up sa akin. Pero ganun pa rin naman e kaya gusto siya ng mga tao kasi totoo siya sa sarili niya at iba siya.” At mas nagpapasalamat pa siya sa mga sumusuporta sa kanyang ka-love team, dagdag niya, “Kapag may mga girls sa kanila inaano ko din siya kasi di ba super kinikilig sila sa picture kaya sige go, go DJ magpapicture ka diyan kasi simple happiness nila yung mahalikan si DJ o mapicturan siya.”

At sa kabila ng lahat ng mga ito sa tanong na kung nararamdaman niya bang secured siya kay DJ, “Tanong niyo siya. Haha, okay lang, Depende kay DJ, oo naman siguro.” Ngunit sa kanya bang pakiramdam ay secured siya, “Oo, feeling ko naman po.”

Comments
Jobelle Razon
5/31/2013 8:28 PM
kathniel forever

angel mangano
4/17/2013 11:42 AM
go kath

Ereca Park
4/3/2013 1:20 PM
KATHNIEL lang ang bagay 4-ever, wag niyo naman paghihiwalayin ang kathniel, promise kapag paghihiwalayin niyo ang kathniel baba ang ratings ng abs-cbn

Grace Fernandez
3/23/2013 4:35 PM
Katniel Forever <3 ang gnda na nga ng chemistry ng kathniel pghhwlyin pba?

patricia ellaine yambao
3/23/2013 12:35 PM
sana po hindi na pag-hiwalayin ang KathNiel dahil pagnapag-hiwalay po sila bababa din ang ratings ng ABS-CBN

wala na po sigurong hihigit pa sa KathNiel

Maureen Friolo
3/22/2013 5:17 PM
KATHNIEL POREBER AKO EH. siguro nman po hindi kau paghihiwalayin kc ANG LAKAS NG CHEMISTRY NIO. SUOER! :) basta ako, eh pair man kayo o hindi, susuportahan ko po kau. (both of you: DJ AND KATH)

Kathniel4me kathniel4us
3/22/2013 1:57 PM
You're so Down to Earth Ms Kathryn Bernardo kaya ina idolize ka ng maraming kabataan.

Post A Comment
Comment: