ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
5495 vote/s out of 11998
46% Vote

B. Fourth at Fifth
2046 vote/s out of 11998
17% Vote

C. Daniel
1254 vote/s out of 11998
10% Vote

D. Vickie
893 vote/s out of 11998
7% Vote

E. Joshua
2310 vote/s out of 11998
19% Vote

Total Votes: 11998

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Daniel Padilla denies that he and Kathryn Bernardo became a couple on December 26, 2012

3/10/2013 11:45 PM

by: Bernie Franco

Push This

031113-daniel_main.jpgSa The Buzz nitong linggo, Marso 10, sa isang AVP (audio-video presentation) ay ipinalabas ang mga sweet moments nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang unguarded moments. Sa mga eksenang nakunan, at sa mga taong nakakapansin sa kanilang closeness, marami ang nag-iisip na tila may relasyon na ang dalawa. 

Nalagay sa hot seat ang dalawa kahapon sa showbiz-oriented talk show at diniretsa ang sikat na love team kung may katotohanan ang isyung naging mag-on sila noong Disyembre 26, 2012. Ito raw kasi ang napiling date ng dalawa dahil March 26 ang birthday ni Kat samantalang si Daniel naman ay April 26. Naganap daw ang kanilang pagiging mag-on sa Hong Kong. 

Natawa naman nang sumagot si Daniel at pinansin pa ang paglalagay ng koneksyon sa pagkakapare-pareho ng araw ng mga buwan na umano’y naging official silang mag-on. 

“No. I swear to God, no. Hindi, hindi pa talaga. Hindi po,” paglilinaw ng aktor na ipapalabas na ang kanilang launching movie ni Kathryn, ang Must Be… Love this March 13. 

Kinumpirma naman niya na may mutual understanding na sila ni Kathryn. 

Sunod na itinanong sa kanila kung pinag-usapan ba nila kung kailan sila nagdesisyon na maging MU stage. “Hindi, di ba… parang normal na ‘yon (na understood na sa inyo). Di naman kailangang official pag-usapan na kailangan MU tayong dalawa,” aniya. 

Sinabi pa ni Kathryn na malaki ang tiwala niya kay Daniel na hindi siya sasaktan ng binata. 

Nabigyan din ng pagkakataon ang dalawa na magbato ng tanong na gusto nilang malaman sa isat-isa.  

Dahil nalalapit na ang birthday ni Kathryn, tinanong ni Daniel ang dalaga kung ano ang gusto niyang regalo. 

Gusto ko ng bag. Alam na niya kung anong gusto kong bag,” sambit ng aktres. Noong una pa nga ay ayaw niyang sabihin kung ano ang brand ng bag na gusto niya pero ibinunyag din iyon ni Daniel, Louis Vuitton bag daw ito na nakita nila sa Hong Kong. 

Since sa April naman ang birthday ni Daniel, tinanong naman ni Kathryn ang ka-love team kung ano ang gusto niyang regalo. “Challenger na white,” natatawang pagbibiro ni Daniel. Sinabi niya na ayos na ang sapatos subalit pinalitan nito ng bass guitar. 

Sa lahat naman daw ng effort na ginawa ni Daniel, pinakakinilig daw si Kathryn noong Valentine Season last year nang maghanda ang binata ng candle-lit dinner para sa kanila. “Parang may surprise lang sila don na… kasi dream ko ‘yung dinner na may candles. ‘Yun ‘yung sweetest talaga,” pahayag ng dalaga. 

Hiniling din sa aktres na i-rate kung gaano kaespesyal sa kanya si Daniel. Sumagot si Kathryn na 7.5 to 8 pero kinontra siya ng mga The Buzz host na sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga. Ayaw naman daw bigyan ni Kat ng perfect 10 dahil baka raw sabihin ng ibang tao na masyado silang nagmamadali. “Sabihin ko na lang super special talaga si Daniel,” pa-safe na lang na sagot ni Kat. 

Sinundot naman ng tanong si Daniel kung mahal na ba niya si Kathryn pero pa-safe din ang kanyang sagot, “Basta imporante talaga sa akin si Kat,” sabi ng binata.

 

Comments
Ge Rald
3/12/2013 1:59 PM
Uhhmmmm yummy... Love you. Lick it more, Maja! Uuuhmmm....

Johnzel Joy Babijes
3/11/2013 3:11 PM
Kilig :"">

Shin Chua
3/11/2013 11:58 AM
waaaaaaaah! KV overload :-) #2DaysToGoKathNielMustBeLove na!!! wohoooooooo! :))))

Shin Chua
3/11/2013 11:58 AM
waaaaaaaah! KV overload :-) #2DaysToGoKathNielMustBeLove na!!! wohoooooooo! :))))

Post A Comment
Comment: