ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sinong J ang bagay ka-love team ni Jane Oineza?
A. Jeron Teng
10150 vote/s out of 16393
62% Vote

B. Joshua Garcia
2384 vote/s out of 16393
15% Vote

C. Jerome Ponce
3859 vote/s out of 16393
24% Vote

Total Votes: 16393

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Gretchen Barretto realizes that Tony Boy Cojuangco's love for her is more important than marriage

3/10/2013 11:30 PM

by: Bernie Franco

Push This

031113-gretchen_main.jpgKaugnay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan, naging guest si Gretchen Barretto sa The Buzz nitong linggo at dito ay maraming pinag-usapan hinggil sa buhay ng aktres. 

Isa sa mga tinalakay kahapon ang pagiging mas open ngayon ni Gretchen sa kanyang buhay, as reflected in her Instagram pictures. Madalas kasing mag-post ng mga larawan si La Greta at kadalasan ay kasama sa larawan ang anak na si Dominique at ang partner na si Tony Boy Cojuangco. 

Dati ang dami kong takot sa buhay, andami kong dapat protektahan. Pinoprotektahan ko si Tony kasi sinasabi nila, ‘Ay, ang mayaman dapat tinatago.’ Di naman ako mayaman sila lang,” pagbibiro ng aktres. “Pero ngayon gusto ko lang i-share kasi whether they like it or not I am part of show business. I have been part of the business for what, over two decades. Papasok, lalabas ako sa show business but I’m part of show business.” 

Aniya, sa ayaw at sa gusto ng mga mahal niya sa buhay, kailangang tanggapin nila na bahagi siya ng mundo ng showbiz. 

“I’m sharing everything… sana walang nao-offend,” pagtukoy ni Gretchen sa pagpo-post niya ng mga pictures via Instagram. “Minsan meron akong napapakita more than what I should pero it’s to make people happy and it’s just showing you, showing everybody that I’m happy. This is where I am now it’s not to boast or anything pero eto lang ako, my daily life.” 

Nasa punto na raw siya ng kanyang buhay na komportable na siya. “Hindi na rin ako nagpaplano. I just learned to daily trust, dahil ang mga proyektong dumating sa akin puro magaganda basta na lang nahulog.” Napagtanto raw niya na kung ang isang bagay ay para sa iyo, ito ay maibibigay sa iyo.  

Kung nasaan man daw si Gretchen ngayon ay masaya siya. Natutunan daw niyang maging masaya kung may proyekto o wala dahil ang importante lang daw ay i-enjoy ang bawat araw. 

Isa sa mga naitanong ni Boy Abunda kay Gretchen sa kanyang pagi-guest sa The Buzz ay kung inaasam pa rin ba ng aktres na makasal sa kanyang partner na si Tony Boy. 

“Nung araw I would dare ask and pray and then because maybe ‘yun ang ine-expect ng kultura natin, ng mga tao, ng whoever na mga bashers; but I’ve come to this point in my life wherein alam ko rin Tony has shown his love for me, so siguro kahit na nakaputing damit na ako, feeling ko ikakasal na ako araw-araw. His love for me is enough,” aniya. 

Dumating din si Dominique sa The Buzz na kanyang first-ever life TV appearance. Tinanong naman sa dalaga kung open ba siyang subukan din ang showbiz. 

“Of course I’m open to new opportunities. Everything sounds like a lot of fun. I think of it (as) crazy, but why not?”  ani Dominique. 

Mabilis naman itong sinundan ng sagot ni Gretchen na, “After school, after a few years.”  

Isa namang liham mula kay Tony Boy ang binasa ni Boy para kay Gretchen dahilan para maiyak ang aktres. Dito ay tinalakay ng businessman ang paghanga niya kay Gretchen na naging mabuting ina sa kanilang anak a pagiging mabuting partner.

Sa dulo ng interview, punung-puno ng pasasalamat si La Greta sa magandang estado ng kanyang buhay. “I live everyday just thanking God, every minute. Dahil alam n’yo naman I was very naughty 4-5 years ago, ang gulo-gulo ng buhay ko, so nagpapasalamat ako for giving me the chance again. I mean everyone has given me a chance so sa lahat po ng nasaktan ko please forgive me, I hope you forgive me, peace and love to all.”  

Comments
Ge Rald
3/12/2013 2:01 PM
Uhhmmmm yummy... Love you. Lick it more, Maja! Uuuhmmm....

Post A Comment
Comment: