ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
7621 vote/s out of 16653
46% Vote

B. Fourth at Fifth
3157 vote/s out of 16653
19% Vote

C. Daniel
1749 vote/s out of 16653
11% Vote

D. Vickie
1198 vote/s out of 16653
7% Vote

E. Joshua
2928 vote/s out of 16653
18% Vote

Total Votes: 16653

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Daniel Padilla confirms that he and Kathryn Bernardo have mutual understanding

3/03/2013 10:05 PM

by: Bernie Franco

Push This

030413-daniel-main.jpgMarahil siya na nga ang hottest teen star in local showbiz ngayon pero sinabi ni Daniel Padilla na hindi naging overnight ang pagkamit niya ng kasikatan. 

Sa The Buzz noong Linggo, Marso 3, sinabi ni Daniel na noong mas bata siya ay ayaw raw niyang pasukin ang pag-aartista. Ilang beses din daw siyang umaatras at hindi sinipot ang mga auditions dahil ayaw niya talaga. 

Gayunpaman, napagdesisyunan niyang seryosohin ito dahil hindi raw niya napagbubutihan ang kanyang pag-aaral. Gusto rin daw niyang matulungan ang kanyang pamilya. 

Naging pursigido raw siya sa panahon ng Growin’ Up. 

Sa kabila ng kanyang katanyagan, may kailangan namang isakripisyon si Daniel at ito ay ang kanyang private life. Naitanong ni Boy Abunda sa binata kung sa palagay ba niya ay worth it naman ang kanyang sakripisyo. 

“Oho, actually lahat po ng bagay may kapalit talaga,” ani Daniel. “Basta nakikita ko ang pamilya ko (na) masaya, ang sarap ng pakiramdam na nakukumpleto mo…. kumbaga andyan ka para tumulong hindi para mang-trip-trip ka lang na magtrabaho

Nakikita mo ‘yung ginagawa mo, nakikita mo napapasaya mo ang pamilya mo.” Natutuwa rin daw siya na  may kakayahan siyang pasayahin ang ibang tao gaya ng kanyang mga tagasuporta. 

“’Yun po talaga. Kahit sa sarili ko may nabibili akong gusto ko talaga, mas lalo kong tinutuloy.” 

Pagdating naman sa relasyon niya kay Kathryn Bernardo, na katambal din ni Daniel sa kanyang launching movie na Must Be…Love ngayong Marso 13, inamin ni Daniel na may MU na sila ng aktres o mutual understanding. 

Kaya nasabi ko na MU kasi nagkakaintindihan naman po talaga kami, di (namin) minamadali.

Natanong din si Daniel sa kanyang reaksyon hinggil kay BB Gandanghari na kapatid ng kanyang ama na si Rommel Padilla. 

Ako po kasi di naman po talaga ako close dati sa Padilla, di ba ho?

Pero habang tumatanda mga 13 (years old) nagiging close na po ako, hanggang ngayon

“And nakikita ko kay Tito Rustom, masaya po siya, eh,” pagtatanggol niya sa tiyuhin na mas kilala ngayon bilang BB Gandanghari. 

Kaya para sa akin masaya po ako para sa kanya,” ani Daniel. “Wala po akong karapatan para di tanggapin si Tita BB kasi wala naman po ako do’n. Bata pa ako tsaka masaya po siya. ‘Yun ang importante: masaya siya, masaya na po ako.” 

Pinapasalamatan naman ni Daniel ang kanyang mga magulang si Rommel at inang si Karla Estrada na nagturo sa kanya para magkaroon ng magandang pundasyon ang kanyang pagkatao.  

Itinuro sa akin na wag maging plastic sa ‘yo sa sarili mo, pati sa ibang tao.”  

Comments
arman ontangco
3/18/2013 10:25 AM
anu ba naman ang mga bagay na yan...bakakak indayard??????

jupai sionga
3/5/2013 5:32 AM
nakkAinlOVe tLga BAta na 2 Ag BAIT Nya naGMAna tLga s titO roBin NYA goD Blss U <3

princess ejusa
3/4/2013 6:26 PM
ang bait naman ni daniel bagay na bagay sila talaga ni kathryn

maria linda marcelo
3/4/2013 2:52 PM
Inaabangan ko na ang movie nyo ni kathryn.sana masundan pa ang movie na ito.

maria linda marcelo
3/4/2013 2:49 PM
ang bait naman ni daniel.sabi nila pag mabait sa pamilya magiging mabuting asawa.Gets mo kathryn?

aliah rasul
3/4/2013 12:44 AM
nakakaproud c Daniel, swerteng parents nya, sana lhat anak na ay tulad nya, gud luck aa movie niu ni kath, sana di kau magkahiwalay big fan niu ako d2 sa Saudi...

aliah rasul
3/4/2013 12:44 AM
nakakaproud c Daniel, swerteng parents nya, sana lhat anak na ay tulad nya, gud luck aa movie niu ni kath, sana di kau magkahiwalay big fan niu ako d2 sa Saudi...

Post A Comment
Comment: