ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa bagong pag-ibig ni Aiai Delas Alas?
A. She's free to love whoever she wants.
580 vote/s out of 727
80% Vote

B. Sana pahinga muna ang puso niya.
147 vote/s out of 727
20% Vote

Total Votes: 727

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

AiAi delas Alas denies that she is a battered girlfriend

3/03/2013 9:58 PM

by: Bernie Franco

Push This

030413-aiai-main.jpgSa interview ni Jed Salang, boyfriend ni AiAi delas Alas, sa The Buzz kahapon, March 3, ay sinabi ng businessman na ang pinaka-recent nilang tampuhan ang pinakamatindi talaga. 

“Things na maliliit, lumalaki, naipon nang naipon, nagtampo, sumabog,” ani Jed. 

Naresolbahan daw ito sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng oras at espasyo sa isat-isa.

Tumungo si AiAi sa US nang magkatampuhan sila upang mag-isip. Later on ay sinuyo ni Jed ang girlfriend at naayos naman ang kanilang problema.   

Sa kanyang interview naman with Boy Abunda, sinabi ni AiAi na nagpapasalamat siya kay Jed dahil sa kabila ng problema nila, sinuyo pa rin siya ng kasintahan at hindi siya sumuko sa kabila ng kanilang di pagkakaunawaan. 

Naging emosyunal pa ang Comedy Concert Queen sa pagkukwento na marami raw kasi siyang insecurities sa buhay, dala na rin ng masasakit niyang pinagdaanan pagdating sa pag-ibig. 

Dagdag pa rito, malaki kasi ang agwat ng edad ng dalawa at mas bata si Jed kaya natakot si AiAi dahil naisip niya na marami pang makikita si Jed. 

“So ‘yung insecurities ko nagkapatong-patong ‘yung tampuhan namin nagkapatong-patong. Nung pumunta ako sa Amerika, dun ko na-realize na siguro bigyan ko ang sarili ko ng chance na umibig ulit,” bunsod upang magkaayos sila ni Jed. 

Sinabi rin ni AiAi na wala naman garantiya na magwo-work ang isang relasyon kung ang makakatuluyan niya ay kasing-edad niya. 

May ibang pakay si AiAi sa pagpunta niya ng Amerika subalit hindi na rin niya pinalampas ang pagkakataon para mag-isip-isip hinggil sa relasyon nila ni Jed.  

Napagtanto raw niya na mahirap sa isang babae, lalo na sa kagaya niya dahil sa kanyang mga pinagdaanan, na ibuhos ang buong pagtitiwala. “Lalo kapag maraming gumagatong sa paligid natin so tayo isip nang isip. Of course ‘yung pinagdaanan ko pangmalakasan na masasakit, so medyo na-trauma ako sa lalaki,” ani AiAi. 

Medyo naluluha si AiAi sa pagsasabing napagtanto niya na siya na mismong girlfriend ang siyang nagdududa sa intensyon ng kanyang katipan. 

Itinanggi rin ni AiAi ang isyung isa siyang battered girlfriend. 

Hindi naman totoo ‘yon. Bubugbugin ako ni Jed nasa ospital na ako ngayon. Ang laki niya, e 6’ 2’ siya. Kita mo naman, ako (ang) liit-liit ko.”  

Natawa naman si AiAi nang sinabi niyang siya ang nambubugbog sa boyfriend. “Pag nanggigigil ako, harot-harot, nagkakasakitan, pero harutan lang ‘yon. Sana wag nating i-judge muna siya o ako. Minsan may mga bagay sa isang relasyon di naman perfect,” ani AiAi. 

Pagdating sa kanilang relasyon, sinabi ni AiAi na wala raw siyang ipinangangako na magiging perfect ang relasyon nila ni Jed. “Ang ipa-promise ko lang po tatrabahuhin namin na maging maganda, na maging maayos, na maging forever ang relasyon namin.” 

Dagdag pa ni AiAi ang mahalaga raw ay mas malaki ang pag-ibig ng dalawang tao sa isat-isa  kesa sa kanilang mga problema upang magtagal sila. 

Post A Comment
Comment: