ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
6722 vote/s out of 14546
46% Vote

B. Fourth at Fifth
2651 vote/s out of 14546
18% Vote

C. Daniel
1528 vote/s out of 14546
11% Vote

D. Vickie
1066 vote/s out of 14546
7% Vote

E. Joshua
2579 vote/s out of 14546
18% Vote

Total Votes: 14546

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Aiza Seguerra admits that she is in a difficult situation because of 'Be Careful With My Heart'

2/26/2013 10:24 AM

by: Krissa Donida

Push This

022613-aiza_main.jpgSa pag-anunsiyo ng pagkapanalo ng kantang “Anong Nangyari sa Ating Dalawa?” ni Aiza Seguerra sa 2013 Ppop Himig Handog Love Songs, hindi napigilan ng mang-aawit ang sobrang pag-gaan ng kanyang pakiramdam na nabigyan niya ng hustisya ang ginawang kanta ni Joven Tan. Aniya sa buong karanasan niya sa pagsali sa Himig Handog, “Feels great. Mahirap ipagkatiwala ang kanta and I am happy that Joven Tan, the composer of the song, trusted me.”

Dagdag pa niya sa kanyang pagkapanalo, “Masaya kasi winning naman was not my intention that is why I have to interpret the song as best as I could and I am very happy that yun ang nangyari, I am happy for Joven and it is a good song at maraming nakarinig na, and by winning Himig Handog mas maraming makakarinig ng kanta.

 “Actually hindi ko naman talaga naging target yung winning, mas yung kaba dun sa interpretation ko kung paano, kung tama. Wala pa rin kasi akong tulog masyado kaya medyo kabado ako sa boses ko dun talaga e so pagakatapos kong kumanata, sabi ko bahala na kasi kahit ano naman, wala naman sa iyo ang bola so I just did what I had to do at ang ganda ng kinalabasan.”

May isang linggo nang kumakalat ang bali-balitang magre-resign na si Aiza sa top-rating show na Be Careful With My Heart, bagay na pinabulaanan ng management ng ABS-CBN. Nang tinanong ng Push.com.ph si Aiza ukol rito, aniya, “Pinag-uusapan na namin ng management, ng production, but as of the moment, as of now, I am staying. That’s all I can say.”

Isa sa mga dahilang itinuturo ng kanyang posibleng pagbibitaw sa show ay pagtanggi niyang makatapat ang kabilang noontime show na Eat Bulaga kung saan siya nadiscover at napalapit na ng husto sa mga hosts nito. “I would rather not talk about it honestly. Kumbaga whatever it is I’d rather talk, yung pag-uusap na yun is between me, the production of Be Careful of My Heart, and the management of ABS-CBN. But as of now, all I can say I am not resigning.” Ngunit sa pagtapat ng kanyang programa sa kanyaang kinalakihang show na Eat Bulaga, ang pag-amin ni Aiza, “Medyo mahirap sa akin ang situation.”

Maraming natutuwa sa kanyang karakter sa serye na si Christina Rose o Kute na sinusuyo ng karakter ni Tom Rodriguez. Sa bagong love team na ito, natanong ng Push si Aiza tungkol sa reaksiyon niya sa tambalan. “Well okay lang, because its effective. Tom and I are really good friends. We try our best on this whatever you call it love team to work.” Inamin din ni Aiza na hindi niya inaasahan na ganito magiging kalakas ang kanilang serye. “Happy and kumbaga, it’s unprecedented, it’s a phenomenon. Everywhere I go ang pangalan ko na Christina Rose o Kute.”

Comments
rhio douglas
2/26/2013 2:33 PM
CHRISTINA ROSE OR KUTE..pls. huwag kang aalis sa Be Careful;..patok at gusto ko at ng marami ang role mo doon;..puede namang tumanaw ng utang na loob sa ibang paraan;..siguro naman, hindi selfish ang mga pinagkaka-utangan mo ng loob;..uunawain ka pa rin nila dahil trabaho lang yun, walang personalan;..pleeease don't quit!

Post A Comment
Comment: