ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
5442 vote/s out of 11894
46% Vote

B. Fourth at Fifth
2034 vote/s out of 11894
17% Vote

C. Daniel
1244 vote/s out of 11894
10% Vote

D. Vickie
883 vote/s out of 11894
7% Vote

E. Joshua
2291 vote/s out of 11894
19% Vote

Total Votes: 11894

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Melai Cantiveros admits that Jason Francisco is courting her again

2/23/2013 10:35 PM

by: Krissa Donida

Push This

022413-melai_main.jpgSa press con ng Banana Nite, ang bagong daily late night show ng ABS-CBN, nakausap ng Push.com.ph si Melai Cantiveros tungkol sa kanyang dating boyfriend na si Jason Cantiveros na sinasabing nakikipagbalikan sa kanya. Inamin ni Melai na lumamlam ang kanyang karera simula nang naghiwalay sila. Aniya, “Sobra akong happy kasi nga last year nag lie low yung career ko dahil nag-break kami ni Jason. Parang umiyak ako ng over so ngayon sobrang happy ako dahil bumalik naman yung career ko.” Ngayon maliban sa Banana Nite at Banana Split, special guest co-host din sila sa morning show na Kris TV.

At ngayon aktibo na ulit ang karera ng dalawa, maraming nagtatanong kung bumalik din ang sigla sa kanilang relasyon. “Hindi, hindi nga kami. Nanliligaw naman siya ulit, nagpaparamdam siya pero hinay hinay muna. Yung parang huwag muna padalos-dalos, mag-isip muna—isa, dalawa, tatlo—kung ano yung mga dapat gawin… Parang naenjoy ko muna ang pagiging single, parang ganon.

Niregaluhan daw ng relos ni Jason ang komedyana na may kalakip na sulat na nagsasabing siya pa rin ang nasa puso niya. “Nagbigay siya ng flowers, chocolate, tapos relo, mga upuan, mga pinamimigay na t-shirt.” Pero ang giit ni Melai, “Hindi siya nanliligaw nun, trip lang niya mamigay.

Natanong din si Melai na ngayong nanaliligaw ulit ang dating karelasyon kung kailan naman niya sasagutin ito. “Kapag siguro pag bumaba na yung buwan. Ching! Hindi, pagdating ng panahon.

Inamin ni Jason ngayon na kaya siya nakipaghiwalay kay Melai ay dahil marami muna siyang kailangang isipin at bigyan ng prioridad, lalo na ang pagtulong sa kanyang pamilya. Natanong ng Push si Melai na ngayon nakikipagbalikan na si Jason, nararamdaman ba niyang prioridad na siya ngayon? “Hindi ko alam sa kanya kung ako na ba talaga yung top priority niya kasi hindi pa namin napag-uusapan eh. Nagpaparamdam lang siya parati pero ako parang hindi ko pa masyado inoopen kasi pag inopen mo ibig sabihin malapit na sa pagsasagot yun. So parang gusto ko muna mag chill nga, ganon lang.”

At kapag dumating na sa puntong nagkabalikan na nga sila, anong pagbabago ang gusto niyang mangyari? “Kung sakaling maging kami, ang pagbabago, yung mga dahilan na pinag-awayan namin sana mabago yun lahat... Hindi lang konting bagay, pag-aawayan na namin. Para naman pag kami na ulit or sa future, alam mo na hindi na talaga puwede mag-away ba, hindi na maghihiwalay. Pero gusto ko muna ngayon maghinay hinay muna.

Comments
ma melita desipeda
2/26/2013 9:52 AM
hehehe... jason francisco po... nakapost po sa news item po eh "dating boyfriend na si JASON CANTIVEROS"... :)

Post A Comment
Comment: