ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong MMFF entry ang una mong papanoorin sa Christmas Day?
A. Amazing Praybeyt Benjamin
135 vote/s out of 232
58% Vote

B. Bonifacio: Ang Unang Pangulo
12 vote/s out of 232
5% Vote

C. English Only Please
14 vote/s out of 232
6% Vote

D. Feng Shui 2
37 vote/s out of 232
16% Vote

E. Kubot: The Aswang Chronicles 2
5 vote/s out of 232
2% Vote

F. Magnum 357
3 vote/s out of 232
1% Vote

G. My Big Bossing
20 vote/s out of 232
9% Vote

H. Shake Rattle and Roll XV
6 vote/s out of 232
3% Vote

Total Votes: 232

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Coco Martin elaborates why he endorses a certain candidate

2/21/2013 10:57 AM

by: Krissa Donida

Push This

022113-coco_main.jpgNaging bukas si Coco Martin tungkol sa parating na eleksyon at kung bakit siya nag-eendorso ng kandidato. “Siyempre napakalaking responsibilidad bilang artista, siyempre tinitingala kami, hinahangaan kami. Bawat salita, bawat kilos na ginagawa namin nagiging inspirasyon kami sa bawat tao.

At nung nakaraang eleksyon nga sa pagka-presidente matatandaang buong-buo ang kanyang pagsuporta sa noo’y tumatakbo pa lamang na si Pres. Noynoy Aquino. “Siyempre sa bawat tao na sinusuportahan namin may kaakibat yan na repsonsibilidad. Pero para sa akin po nung panahong tumatakbo si Pres. Noy, sobra po akong proud kasi isa po ako sa mga naghirap na tumulong. At ngayon alam ko na hindi ako nagkamali sa taong sinuportahan ko, sa taong pinanindigan ko at pinaniwalaan ko kasi kung mapapansin po natin, paganda ng paganda po ang takbo ng ekonomiya natin. Kung mapapansin niyo, lumalaban na ang peso sa dollar ibig sabihin tumataas na ang ekonomiya natin at marami nang investors na pumapasok.”

At tulad din ng nakararaming botante, naghahanap ng pagbabago ang rason ni Coco sa paghanap ng tutulungan at ikakampanyang kandidato. Aniya, “Sabi ko nga kung sino ang tutulungan ko o sinong papanigan ko, alam ko na gusto ko at alam kong tama. At bilang kabataan naghahanap ako ng pagbabago. Gusto ko kung magkakaroon ako ng pamilya para sa future ko, siyempre gusto ko ng maayos. Hindi lang para sa sarili ko kung ‘di para sa kalahatan. Kasi hindi lang sarili ko ang pinag-uusapan dito, kung di kinabukasan.”

Naibahagi din ni Coco ang kwento sa likod ng kanyang pagsuporta sa ilang mga kumakandidato ngayong eleksyon na kahit hindi niya personal na kakilala, basta alam niya sa sarili niya na tama ang kanyang pinili at nakikita niyang pareho sila ng pananaw sa buhay. Tulad na lang ng naging pagsuporta niya kay Aga Muhlach na tumatakbong Congressman ng Camarines Sur. “Sabi ko nga po, last year, meron mga taong nagugulat sila kasi last year pumunta ako ng Cam Sur. Hindi kami magkakilala ni Aga Muhlach o ni kuya Aga as in never pa kami nagmeet pero nagulat siya tinawagan siya ni Ate Charlene at nagulat siya nung sinabi na gusto ko pumunta dun at gusto ko siyang tulungan. Nagulat siya, ‘Bakit? Anong dahilan? Bakit biglang nagrekomenda si Coco na sumuporta?’ Pero sabi ko nga sarili ko yun e, gusto ko tumulong sa mga taong hindi nila alam ang dahilan pero ako ang nakakaalam sa sarili ko kung bakit. At kasi nung bata ako nung narinig ko na nagpaplano siyang tumakbo kasi ung bata ako napapanood ko siya pinapanood ko siya. Celebrity siya e sikat siya. Kahit saan siya magpunta sinusundan siya ng mga tao pero tumutulong siya na hindi niya kailangang mag-announce, tumutulong siya dahil gusto niya lang tumulong.

Dagdag pa ni Coco, “Ganun din kasi ang pananaw ko sa buhay na hindi ko kailangang ipangalandakan na tumutulong ako ng kapwa. Tumutulong ako dahil gusto ko at yung ang isa sa mga nakita kong katangian niya. And then sabi ko nga ngayon pupunta ako ng Ormoc dahil gusto ko tulungan si Kuya Goma (Richard Gomez) at pupunta ako ng Davao dahil gusto kong tulungan si Kuya Anton Lagdameo. Tapos sabi ko nga si Tita Susan (Roces) kasi gusto kong tulungan si Ate Grace (Poe) dahil yun yung mga taong nakikita ko na alam ko yun yung tama. Pero sa ngayon merong mga taong tumutulong sa akin nung malayong-malayo pa nung nagchacharity-charity ako. Ilan lang naman yung mga taong tumutulong at naniniwala.

Post A Comment
Comment: