ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
5230 vote/s out of 11370
46% Vote

B. Fourth at Fifth
1908 vote/s out of 11370
17% Vote

C. Daniel
1178 vote/s out of 11370
10% Vote

D. Vickie
842 vote/s out of 11370
7% Vote

E. Joshua
2212 vote/s out of 11370
19% Vote

Total Votes: 11370

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Julia Montes reveals the reason why she chose Coco Martin as her escort

2/16/2013 10:05 PM

by: Krissa Donida

Push This

021713-julia_main.jpgSa isang interview kina Julia Montes at ang kanyang Lola Flory sa Showbiz Inside Report, naging bukas sila sa kung paano ang relasyon nilang mag-lola. Isa sa inamin ni Julia ay ang pagseselos ng kanyang sariling ina, na isang deaf-mute, sa relasyon nilang mag-lola.

Kwento ni Lola Flory, “Pag minsan, e di nag-kiss siya sa akin bago umalis. Akala niya wala yung mommy niya. Sinasabi sa akin bakit daw—siyempe by sign language—bakit daw sa akin, nag-kiss, bakit sa kanya hindi. Sinabihan ko siya.

Aminado si Julia na nahihirapan siyang balansehin ang kanyang pagtingin sa kanyang ina at sa kanyang lola. “Mahirap, kasi nasanay ako si mama laging wala. Ang alam ko lang lola ko laging andiyan. Ang hirap talaga. Ang tingin niya kasi, every time umaalis kami, lola ko lang gusto kong kasama. Ang hirap i-explain sa kanya na kahit gusto ko siya isama, siya rin mismo sumusuko. So para ‘di ka mapagod, dito ka na lang.

Ang iparamdam sa kanyang ina at lola na pareho silang importante ay naging isa sa mga pagsubok na kinailangan harapin ni Julia. “Umabot talaga sa point na naging honest ako sa mama ko. Kinausap ko talaga siya na iba talaga si lola ko. Hindi dahil hindi ko siya love, pero iba sacrifice ng lola ko. Nung panahong dapat siya ang tumayong nanay, yung lola ko andiyan. Narealize naman niya.” 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng tao na breadwinner si Julia ng kanyang pamilya at ibinahagi ni Lola Flory na nararamdaman niya ang guilt na apo niya pa ang kailangang magtrabaho para sa kanila. “Hindi mo maiwasan talagang… nagui-guilty ka na. Siyempre bata pa siya maghanap buhay, minsan naapektuhan ang kanyang pag-aaral. Talagang… (ubo) ayoko  maiyak (laughs).”

Ngunit para kay Julia, sa nakita niyang hirap ng kanyang Lola para itaguyod sila na umabot pang naipasara ang parlor nila noon para mabantayan siya sa kanyang mga shooting, ito ang naging inspirasyon niya para magtrabaho pa ng mabuti. “Kasi nakita ko talaga from the start, hirap si lola ko. Mahilig kami mag-usap tungkol sa financial [matters]. Goin’ Bulilit days pa lang, naano na niya, ‘Kailangan natin magbayad sa tuition.’ ‘Pakikiusapan ko po, sige po.’ So ‘pag nakakakuha ako ng commercial, half-half. Pang-school, pang-gastos. Pag may natirang extra, pinapaganda namin ng kaunti yung parlor. So nung nawala yun, ako rin yung unang nalungkot, kasi sabi ko dahil pa sa akin.

Sa dami din ng pinagdaanang pagsubok ni Julia, inamin ng kanyang lola na minsan ay hindi na ibinabahagi ng kanyang apo ang pinagdadaanan nito. At ang naiiyak na sagot ni Julia dito, “Ano… kasi nga ang goal ko gumaan ang buhay nila. Kung may problema man ako, sabi ko kung kayang ako muna, ako muna. Ayoko muna mainvolve sila.” 

At ngayon ngang magde-debut na si Julia, inamin ng dalaga na nasa awkward stage siya. “Di ko mafeel na mage-eighteen ako. Nafeel ko lang siya nung magkakaparty. Nakakapressure na nakakatakot kasi another chapter na naman.”

Nasabi niya ng kamakailan na si Coco Martin ang kanyang magiging escort. “Kasi siya close ko talaga ngayon. And madami siyang natulong sa akin, mapa-work or mapa-advice. For me, siya yung nakikita ko na perfect sa escort.”

Natanong din ang kanyang lola kung ano ang tingin nito na si Coco ang escort ng kanyang apo. “Okay lang naman. Mabait siya. Talagang maalaga si Coco. Kasi nung nasa ibang bansa kami, siya ang taga-alalay ko sa lahat ng lakad.”

Ngunit ilag na si Lola Flory nang matanong kung ano ang opinyon niya kung saka-sakaling manligaw si Coco. “Hindi ko alam. (Haha) Wala akong masasabi mahirap magsalita.” At para sa kanyang lola pagdating sa love life ni Julia, “Para sa akin, maaga pa masyado para magkaboyfriend, 18 pa lang e.

Post A Comment
Comment: