ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8567 vote/s out of 19139
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3774 vote/s out of 19139
20% Vote

C. Daniel
2027 vote/s out of 19139
11% Vote

D. Vickie
1362 vote/s out of 19139
7% Vote

E. Joshua
3409 vote/s out of 19139
18% Vote

Total Votes: 19139

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Jason Francisco meets up with the Melai Cantiveros's family after their breakup

2/15/2013 11:05 PM

by: Krissa Donida

Push This

021613-jason_main.jpgIsa sa mga dahilan kung bakit napili ni Kris Aquino na itampok sa kanyang programang Kris TV para sa kanyang birthday celebration ang General Santos ay para malaman ang kinalakihan ng kanyang co-host na si Melai Cantiveros.

Sa February 1 episode ng Kris TV, naibunyag na nagbigay ng regalo si Jason sa dating kasintahang si Melai na may kalakip na sulat. Sa sulat na ito ay inilahad ng actor-host na si Melai pa rin ang nananatiling kanyang “one and only.”

Sa unang pagkakataon ay nakaharap ni Jason ang ama at mga kapatid ni Melai simula nang maghiwalay sila. At sa paghaharap na ito, napag-usapan ang sinasabing napipintong pagbabalikan muli ng dating magkasintahan. Sa pag-abot din ni Jason ng regalo sa tatay at nanay ni Melai, nagkabiruan pa na kaya siya nagbigay ay para hindi nila siya masakal.

Natanong din ni Kris sa ina ni Melai kung ano ang damdamin nito sa muling pagsuyo ni Jason sa nag-iisa niyang anak na babae. “Kahit ganyan pagmumukha niyan (Melai), hindi ko pababayaan na ganunin na lang.” Natanong din sa kanya ang diumano’y nanliligaw kay Melai na kaibigan niya mula sa Cebu na si Dan. Sinabi niyang hindi niya ito kilala at hindi pa nakakapunta sa kanila. At sa kung alam din ba nilang nanliligaw si Dan kay Melai, aniya, “Ewan ko kung nanliligaw ba.” 

Natanong din ang damdamin ng kuya Deover ni Melai tungkol sa naging paghihiwalayan nina Jason at Melai noon na inaming napikon siya kay Jason nung nakita nilang iyak ng iyak si Melai. Ang tanging hiling nito kay Jason kung talagang itutuloy nito ang pagsuyo, “Okay na [pero] sana totoo siya. Kasi pinaiyak na niya.”

Papunta sa bahay nina Melai, napag-usapan ang pagli-live-in at isa sa mga naging suhestiyon ng isa sa kasama nila ay ang mag-live in na lang ang dalawa sa Maynila. Kaya naman ang naging reaksiyon ni Melai na sinangayunan ng ina, “Mamatay si Mama, malipad agad yan sa airplane papunta ng Maynila.”

At sa paghaharap nina Melai at ang kanyang magulang kay Jason, humingi si Kris ng mensahe kay Jason para sa mga magulang ni Melai. Nahihiya man at nauutal, sinabi nitong, “Kasi parati ko sinasabi na ayokong magmadali. Sinasabi ko po na huwag maging mabilis ang desisyon. Ako naman di ba sinabi ko sa iyo (kay Melai) na hindi naman ako papasok sa relasyon na..” na dinugtungan na lamang ni Kris, “Kasi ayaw nila na paiyakin anak nila lalo na nag-iisang daughter.”

Narinig din ang damdamin ng mga magulang ni Melai sa nangyari sa kanila ni Jason noon at kung ano ang tingin nila sa ngayon. Ayon sa kanyang ina, “Ito, makulit man ito (Melai). Sige ng umiyak, siyempre nasaktan ka as parents. Sabi ko bakit paiiyakin, pati trabaho niya pinabayaan niya. ‘Ayaw ko na pumunta, ayaw ko na.’ Naintindihan ko na love niya ito kaya sana huwag nang lokohin.” At ang sagot agad ni Jason, “Hindi ako manloloko.”

Post A Comment
Comment: