ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After ng Pure Love, ano wish mo na next Koreanovela remake ng ABS-CBN?
A. Boys Over Flowers
7824 vote/s out of 12509
63% Vote

B. Two Wives
541 vote/s out of 12509
4% Vote

C. That Winter The Wind Blows
1034 vote/s out of 12509
8% Vote

D. The Heirs
3110 vote/s out of 12509
25% Vote

Total Votes: 12509

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Gerald Anderson's mom talks about the women being linked to her son

2/15/2013 12:16 PM

by: Krissa Donida

Push This

021513-geraldmommy_main.jpgSa isang linggong selebrasyon ng kaarawan ni Kris Aquino sa Kris TV, isa sa mga dinalaw nito sa General Santos City ay ang ina ni Gerald Anderson, si Mommy Vangie. Ipinakita ni Mommy Vangie ang bahay nila sa GenSan na pina-renovate ni Gerald.

Habang nililibot ang bahay, may ilang mga gamit na sinabing galing sa dating ka-partner ni Gerald na si Kim Chiu. Ilan dito ay ang salamin na nakasabit sa kanilang salas, golf cart na binigay ni Kim kay Gerald noong nagdiwang siya ng kanyang 21st birthday, at isang signature bag. Kwento ni Mommy Vangie binigay ito ni Kim sa kanya sa kanyang 50th birthday. Kaya naman hindi na rin napigilan ni co-host Melai Canitveros sabihing, “Alam mo love na love ni mommy si Kim. Sobrang love na love ni mommy.”

Sa pagpasok nila sa kwarto ni Mommy Vangie, naibahagi din nito na ang kanyang kama na bigay ng mga Kimerald fans ay kinuha niya pa mula kay Gerald sa bahay nito sa Maynila. May isang Kimerald mug din na naka-display na binigay din sa kanya ng mga Kimerald fans. Ang eksplanasyon ni Gerald dito tungkol sa kanyang ina, “Yung mom ko kasi she’s very sentimental at mahalaga sa kanya ang mga bagay-bagay. She would really keep it for a very long time.”

Kaya naman sa tanong ni Kris kay Mommy Vangie kung namimiss nito si Kim, inamin niyang nagtetext siya sa dalaga. “Well, siguro may nagbawal, na hindi na siya mag-reply. Siguro lang hindi ko alam.” Napansin din sa kanilang bahay na may framed picture kung saan magkasama sina Kim at Gerald. Isa din sa mga naitanong ni Kris kay Mommy Vangie ay kung nakilala na niya ang kasalukuyang nali-link kay Gerald na si Maja Salvador at inamin niyang nakita niya na ito isang beses dalawang buwan na nang nakakaraan. “Yes, I saw her sa Faces and Curves pero wala pa akong alam doon.”

Isa sa mga naging pinakamainit na balita sa show business ang naudlot na pag-iibigan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, kaya naman sa pagkakataong ito, naitanong na rin kay Mommy Vangie kung nakilala niya na si Sarah. “Twice, nung first movie nila tapos premiere. Doon ko lang siya nakilala sa shooting nila, twice.”

Ibinahagi din ng ina na hindi siya nakikialam sa kung anuman ang nangyayari sa personal na buhay ni Gerald. “Minsan naman especially like last week may narinig naman ako. Of course, I have to call my son kahit ilagay lang natin na palabas lang iyan. Pero I want to be sure with my son na okay siya kahit sa lumalabas na isyu.” At ang ayaw lang naman niya ay masaktan muli ang anak. “I don’t want to happen again yung nangyari sa kanila ni Kim. Noong una ang gulo, ayaw ko namang maranasan yun ulit ni Gerald.”

Comments
mary jane cortez
2/25/2013 8:32 PM
sana maging ok na ang lahat.,un totoo nagalit din aku kay gerald.,kasi nasaktan niya c sarah atkim :(

Ge Rald
2/21/2013 8:51 PM
Basta ako, enjoy ako habang bata pa with the pretty and hot girls na lumalapit sa akin :)

Ge Rald
2/20/2013 6:16 PM
Cool lang mga kababayan, masarap magmahal. Maraming hot and pretty woman around. Bata pa ako at gusto kong mag enjoy to the full.

Post A Comment
Comment: