ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa bagong pag-ibig ni Aiai Delas Alas?
A. She's free to love whoever she wants.
12018 vote/s out of 16069
75% Vote

B. Sana pahinga muna ang puso niya.
4051 vote/s out of 16069
25% Vote

Total Votes: 16069

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Jinkee Pacquiao opens up about the challenges she went through with husband Manny Pacquiao

2/15/2013 10:00 AM

by: Krissa Donida

Push This

021513-jinkee_main.jpgSa pagdalaw ng Kris TV sa General Santos City, nagpaunlak ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na ipakita ang kanilang pangalawang mansyon sa syudad.

Unang napag-usapan ang pagtakbo ni Jinkee sa pagka-bise gobernador ng kanilang lalawigan at ang dahilan sa kanyang pagtakbo. “Parang it’s a calling for me. Kasi I am at peace now with my husband of course.” Matatandaang naging malaking balita ang pambabae diumano ng kanyang asawang si Manny at ang pagkakalulong nito sa sugal.

Kinumpirma din ni Jinkee kay Kris na sa ngayon ay natanggal na lahat ng tinik sa dibdib at sa kalooban. “As in super. Yung mga tinik na talagang umaapaw hanggang, ano ba yun, sagad hanggang ano, pero ngayon wala na.

Natanong din si Jinkee tungkol sa kanyang relasyon sa ina ni Manny na si Mommy Dionisia. Matatandaang bukas sa pagkontra ang ina nito sa napiling bagong relihiyon ni Manny at ng kanyang pamilya. “We’re okay, we are best friends (laughs). Kasi minsan di ba ano siya, about sa religion. Alam naman natin lahat. Naririnig natin siya at napapanood sa TV pero tinatawanan lang namin.”

Naibunyag din na ang bahay na yun, na kilala bilang Mansion 2, ay binili ni Jinkee ng pasikreto. Hindi alam ng asawa niya noon na si Manny na bumili siya ng kalahating ektaryang lupa na kinatatayuan ngayon ng bahay. Ayon sa kanya, panahon iyon nang dumadaan sila sa matinding pagsubok. “Hindi naman matagal masyado, [na itinago], noong ‘K’ time. Past naman yun e, past is past.” Ang tinutukoy niya dito ay ang panahong nakakabit ang pangalan ni Manny sa artistang si Krista Ranillo.

At sa panibagong buhay nila na ito matapos ang matinding pinagdaanan nila, inamin ni Jinkee na naging malaki talaga ang naging pagbabago sa samahan nilang mag-asawa. “Lahat! Every time merong decision nag-aano kami, parang pinag-uusapan. Kasi dati parang kanya-kanya, hindi nagpapaalam. Ngayon lahat ng desisyon, pinagpapaalam, pinag-uusapan.” At nangyari ito matapos ang laban niya kay Marquez taong 2011. Dagdag pa ni Jinkee, “Wala na sa akin ang galit actually. Wala na, hindi na pwedeng magalit.

Matinding pasensiya at tunay na pagmamahal ang kanyang naging kaakibat para malagpasan nila ang lahat. “Yan ang reward mo if you don’t give up. Ang patience talaga, kailangan ng pasensiya.” Dagdag pa niya, “Of course the love that never fades forever and then God. Kasi yun talaga ang pinaksentro sa aming relationship ngayon. Kasi kapag nawala yun love, wala na.”

Inamin din ni Jinkee na naging malaking dahilan ang pagiging sikat ni Manny at impluwensiya ng ibang tao nang maiba ang landas nito. “Pag may bisyo ka inom, ganyan, diyan nag-uumpisa yan. Inom, babae, sugal. Kasi dati kung merong magpa-cute, ang alam niya gusto na siya talaga. Ito naman (turo kay Manny), grab the opportunity, kaya dumadami sila. Or di ba minsan may bodyguard, minsan naglalakad, may nagustuhan, parang inaano agad sa bodyguard na kunin yung number. Ganyan ang nangyayari eh, kapag may mga tao ka, sila ang nagwo-work para sa iyo.”

Sa ngayon nga ay unti-unti nang nawala ang mga hindi magandang nag-iimpluwensiya kay Manny. “Unti-unti nang nawala kasi kapag nagabago na ang amo dapat yung mga kasamahan mo nagbago na din. Dito (sa mansyon), bawal na nagsisigarilyo, uminom, bawal na lahat. Kahit noong birthday ni Manny bawal uminom.”

Kahit si Jinkee aminadong may nabago na din sa kanya sa lahat ng nangyari sa kanilang pagsasama at sa kanyang pamilya. “Parang I am willing to share. Open ako kung anuman yung mga discussions, about the past and the present.”

Post A Comment
Comment: