Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
5575 vote/s out of 6833
82% Vote

B. Hate it!
1258 vote/s out of 6833
18% Vote

Total Votes: 6833

Ai-Ai delas Alas reveals why her current boyfriend is different from her exes

2/14/2013 10:22 AM

by: Bernie Franco

Push This

021413-aiai_main.jpgKahit na medyo under the weather si Ai-Ai delas Alas ay di maipagkakaila ang happiness na namumutawi sa kanya sa press conference of her upcoming concert with Korean superstar PSY na siyang nagpasikat ng kantang “Gangnam Style”.

“Feeling ko si Madonna ako na makakasama ko ang international superstar na si PSY,” bungad ni Ai-Ai sa concert nila this February 16, Saturday sa SM Mall of Asia Arena na pinamagatang PSY Live In Manila! “Okay na ‘yung makita ko siya. Kung makasama ko man siya sa stage napakalaking blessing na ulit no’n pero kung hindi man, at least nakita ko siya at nakapagpa-picture ako sa kanya,” say ng Comedy Concert Queen. As of press time, wino-work out pa ang pagdu-duet ng dalawa dahil sobrang hectic ng schedule ng Korean artist.

Halos apat na taon since the last time na nagkaroon ng major concert si Ai-Ai kaya naman punong-puno siya ng excitement sa gaganaping concert na dubbed din na Tanging Family Valentine Show na post-Valentine treat din para sa buong pamilya. “Masarap marinig ‘yung natutuwa ang mga tao. Ang movie kasi makikita mo lang pag tapos na [i-shoot]. Manonood ka. Pero ito makikita mo on the spot, ‘Ah, tama pala ang ginawa ko.’ ‘Ah, tama pala ang timing ko.’ ‘Ah, natutuwa sila sa akin.’ ‘Ah, masaya sila.’ Masaya sa akin ‘yon kasi ‘yung pagiging artist ko, ‘yung food niya na palakpakan, tawanan.” Ayon pa sa aktres, dito raw niya napapatunayan ang title niya bilang Comedy Concert Queen.

Inuubo man, marami ang nakapansin sa kakaibang glow at very calm demeanor ni Ai-Ai at ibinunyag niya ang sikreto. Last year daw kasi ay nagkasakit siya na nanganib talaga ang kanyang buhay at doon niya na-realize na maiksi ang buhay ng tao. “Gusto ko lang naman i-enjoy ang buhay ko,” aniya.

Currently, in a relationship ngayon si Ai-Ai with a businessman, si Jed Salang na isang sales manager ng isang car brand at masaya siya sa kanilang relasyon. Ayon pa kay Ai-Ai napagtanto raw niya na hindi lahat ng bagay ay tungkol lang sa trabaho at pera.

Naitanong din sa kanya kung bakit kakaiba si Jed sa lahat ng mga lalaking kanyang minahal. “Si Jed kasi ‘yung parang buo siya,” bungad ni Ai-Ai. Kung ang iba raw ay nai-intimidate kay Ai-Ai dahil sa kanyang status, hindi artista ang trato sa kanya ni Jed.

Girlfriend umano ang trato sa kanya ni Jed subalit kapag nakiusap umano siya sa boyfriend na may trabaho siya, tinutulungan siya ng kasintahan. “Tinutulungan niya ako, ‘yun ang gusto ko sa kanya. Hindi niya iniiisip ‘yung, ‘Lalaki ako, sales manager ako,’ wala siyang ganun.

Ibinigay pa nga niyang halimbawa nang mag-show siya sa US. Si Jed umano ang tumulong sa kanya kapag nagpapalit siya ng damit. “Siya ang tumutulong sa akin sa show, so dun ako bumibilib sa kanya; na ‘yung pagkalalaki niya, buong-buo. Kumbaga ‘di siya nai-intimidate at di siya [naiilang] na pag binibihisan niya ako, pag nakikita ng ibang tao na dinadamitan niya ako… kasi ‘yung ibang lalaki hindi gagawin ‘yon. Kaya mahal ko siya kasi ganun siya.

Post A Comment
Comment: