ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Ano ang masasabi mo sa bagong pag-ibig ni Aiai Delas Alas?
A. She's free to love whoever she wants.
4671 vote/s out of 6225
75% Vote

B. Sana pahinga muna ang puso niya.
1554 vote/s out of 6225
25% Vote

Total Votes: 6225

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Coco Martin says he feels 'kilig' working with Erich Gonzales

2/12/2013 10:02 AM

by: Krissa Donida

Push This

021213-coco_main.jpgSa unang linggo pa lang ng Juan dela Cruz, positibo na ang pagtanggap ng programa sa ratings at sa mga social networking sites. Sa naging panayam ng Push.com.ph kay Coco Martin, inamin nitong tutok talaga siya sa kanyang pinakabagong proyekto at napakalapit nito sa puso niya dahil binase din ang karakter ng superhero sa personal niyang buhay.

Ang sinasabi ko ang ikinasarap lang ng pagiging Juan dela Cruz kasi merong room para matuto, para i-correct yung mga bagay na alam mong mali sa buhay mo.” Ibinahagi din ni Coco ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging Juan dela Cruz. “Katulad niyang si Juan dela Cruz, siyempre ano ka e tinuturing kang hero ng mga tao, magiging huwaran ka. Siyempre sabi ko nga, bawat hero, ako bilang artista, meron kang responsibilidad sa mga artista lalo na sa mga kabataan. Kung ano ang ipinapalabas mo o ipinapakita mo, nakakaapekto yun sa kanila kaya dapat maging careful ka. Dapat yung ipapakita mo sa kanila yung mga magagandang gawain kasi baka mamaya mapulot nila sa iyo yung mga pagkakamali o maling gawain sa buhay.”

Ang babaeng nagbibigay ng inspirasyon kay Juan dela Cruz ay ang karakter na ginagampanan ni Erich Gonzales. Nang matanong ng Push si Coco kung kamusta ang kanilang pagbabalik-tambalan, aniya, “Si Erich naman para sa akin, excited talaga ako na makatrabaho siya kasi isa siya sa mga magagandang artista, magaling na artista ng ABS-CBN. Kahit na hindi pa kami ganun sobra-sobrang ka-close kapag nagkakaroon kami ng eksena, nagkakaroon agad ng chemistry. Sabi ko nga minsan lang ako makakilala ng babae, kasi ang character niya dito suplada, medyo masungit kasi sinusupladahan niya si Juan. Pero si Erich kahit suplada siya sa character niya ang ganda-ganda niya kasi babaeng-babae siya. Di ba may mga babaeng nasasapawan ang pagkalalaki mo kasi masyadong malakas yung dating? Ganun.”

Inamin din niyang kinikilig na siya kapag ka-eksena na niya ang aktres. Aniya, “Si Erich babae, basta pag tinitigan ka niya… Sabi nga nila kahit wala ka pang ginagawa yun yung kinikilig-kilig ka, si Juan yun ha. Sabi ko nga after Noy at nagkatrabaho kami dito sa Juan dela Cruz sobrang saya ko na partner ko siya ulit.”

Comments
ela hermosilla
2/13/2013 11:09 PM
pag ngpropromote ng moment in time may gusto xa kay julia, pag Juan dela Cruz may gusto kay erich., ano 2 lokohan?? showbiz nga naman..anyway not fan of coco :(

Sara Marco
2/13/2013 12:01 AM
Bagay kasi kayo kaya lang may bf na si Erich pero di pa huli ang lahat hehehhee wish ko lang sana maging kayo

val javier
2/12/2013 11:42 AM
diba po may gusto din po c coco kay julia montes? paano na po

Post A Comment
Comment: