ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Anong masasabi mo sa hosting ni Toni Gonzaga sa Binibining Pilipinas 2015?
A. Funny mga hirit niya ha
9648 vote/s out of 14437
67% Vote

B. Wala sa lugar mga hirit niya
4789 vote/s out of 14437
33% Vote

Total Votes: 14437

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Jessica Sanchez is back in Manila; says she's thrilled over her upcoming stint on 'Glee'

2/12/2013 7:12 AM

by: Mika Esperanza

Push This

201113-jessica_main.jpgSinabi ni Jessica Sanchez na nalalapit na ang pagiging parte niya sa hit US musical show na "Glee."

Nitong Lunes, sa pagharap ni Jessica sa mga miyembro ng press, masayang ibinalita ni Jessica na sandaling panahon na lang at mapapasama na siya sa "Glee."

"Very, very soon," ani Jessica na nasa bansa para din sa nalalapit niyang show sa February 14 sa Araneta Coliseum kasama din ang American Idol finalist na si Colton Dixon.

Pagkatapos ng concert ni Jessica sa bansa inaasahan din ang paglabas ng kanyang bagong single ngayong buwan at ang lauching ng kanyang debut album.

Aniya, babalik siya sa American Idol stage para sa pag-promote ng kanyang bagong single.

Dumating si Jessica sa bansa noong Linggo ng umaga, Pebrero 10, kung saan nabanggit niya sa panayam ng TV Patrol na isa sa mga dapat abangan ng kanyang Filipino fans ay ang pagkanta niya ng Tagalog song na "Ikaw”. 

Pero bago ang nakatakdang Valentine's concert ni Jessica sa Huwebes, Pebrero 14, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga tagahanga ni Jessica na makasama siya sa isang grand fans day SM Skydome nitong Lunes ng hapon.

Post A Comment
Comment: