ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7891 vote/s out of 62237
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3262 vote/s out of 62237
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
31363 vote/s out of 62237
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
19721 vote/s out of 62237
32% Vote

Total Votes: 62237

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Robin Padilla thought it was the end of his marriage with Mariel Rodriguez

2/10/2013 11:20 PM

by: Bernie Franco

Push This

021113-robin_main.jpgSa mga pahayag ni Robin Padilla sa The Buzz interview niya na inere kahapon tila may nangyari ngang nagkasaulian sila ng singsing ng asawang si Mariel Rodriguez dahil sa matinding pagseselos ni Mariel sa mga leading ladies ng action superstar sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw. 

Unang napansin ito isyung ito nang mag-post ng mga pahayag si Mariel sa kanyang Instagram account na tila nagpapahayag ng pagdadalamhati at selos. 

Naniniwala si Robin na nag-ugat ito sa love scene nila ni Kris sa kanilang teleserye na gumaganap na mag-asawa. “Napakadami ding masyadong nabighani dun sa love scene na ‘yon. Siguro parang nabundol siya. ‘Yun ang naganap,” ani Robin sa panayam ng The Buzz. 

Sinabi naman ni Binoe na ipinapaalam naman niya sa asawa ang lahat ng mangyayari sa set nila dahil open naman ang kanilang relasyon. 

Gayunpaman, nauunawaan naman daw niya ang pinanggagalingan ni Mariel. Kahit daw sinasabi nitong nauunawaan niya ang trabaho ng mister, marahil ay iba ang epekto sa kanya nang mapanood ang intimate scenes nina Robin at Kris. Kahit daw showbiz personality si Mariel ay isa pa rin siyang babaeng nagmamahal sa kanyang asawa, depensa ni Robin.

Inilarawan pa nga ni Robin na ang mga diskusyon nila ni Mariel ay tila mala-teleserye at may naganap ngang “saulian”. 

Pero napagtanto umano ni Robin na seryoso na ang kanilang diskusyon nang magdesisyon daw si Mariel na umalis sa kanilang bahay. 

Agad naman daw tinawagan ni Kris si Mariel upang magpaliwanag at pagkatapos ng ilang saglit ay tumawag naman si Kris kay Robin at sinabing naayos na nila at umuwi na sa bahay nila si Mariel. 

Kung ang aktor ang tatanungin, umamin siya na akala niya ay katapusan na ito ng kanilang pagsasama. “Sabi ko tinalo ko na yata ‘yung dami ng asawa at nahiwalayan ko, (at) di na maganda,” pagbabahagi ni Robin. 

Nang datnan daw niya sa bahay si Mariel, nakita niya sa mukha ng asawa kung gaano dinamdam nito ang nangyari sa kanila. 

 “Sabi ko kailangan suyuin ang babae talaga, kasi talagang nagde-deteriorate siya. Matagal na suyuan ‘yon, kasi may pride din naman ako. Nung una sabi ko wala naman akong ginagawang kasalanan, bakit ako hihingi ng paumanhin?

Gayunpaman, nilinaw ni Robin na hindi ibig sabihin ay hindi na siya gagawa ng love scenes sa kanyang trabaho in the future.  “Hindi kahit kailan magiging balakid si Mariel sa anumang aking trabaho.” 

Ang ginawa ko (na pagsuyo ay ginagawa) ng isang asawang lalaki na sinuyo ang asawang babae, pero di ibig sabihin ibabahag ko ang buntot ko para sa asawa ko. Hindi naman. Kailangan maintindihan din ng asawa ko ang aking punto,” ani Robin. 

Pagpapatuloy pa ni Robin, alam daw nila ni Kris ang kanilang limitasyon at matanda na sila upang malaman kung ano ang kanilang mga hangganan bilang magkatrabaho. 

Ipinagtanggol naman ni Robin si Mariel sa mga kritiko na umani ng mga batikos sa pagseselos nito. Hindi naman daw pinagsisisihan ni Robin ang ginawa niyang pagtatanggol sa asawa sa pamamagitan ng pagsagot sa isang social networking site. 

Sa kabila ng kanilang pinag-awayan, sinabi ni Robin na marami naman naidulot na maganda ang pangyayari kagaya ng pagkakaroon muli ng komunikasyon sa kanyang anak, sa dating asawa at pagiging matibay ng relasyon nila ni Mariel. 

Comments
its me
2/12/2013 9:36 PM
Nakakasuka tong mga oldies na Mariel at Robin na to. Di na sila nahiya kay Kris sa mga inaasal nila. Kahit mga bata hindi aasta na ganito. Ilagay sa lugar ang mga bagay bagay. Ang cheap!

Cherry Apple
2/12/2013 1:33 AM
mariel pambansang OA

lorelyn bibon
2/11/2013 7:23 PM
Totoong tao lang si Mariel, sinasabi nya ang nasa saloobin nya na nasasaktan siya. Ngayon malalaman natin sa drating na araw at pnahon kung ganito nga tlaga katatag at katapat ang pag-ibig/pagmamahal ni tandang Robin sa kanyang asawa. abangan.

defcon three
2/11/2013 4:12 PM
dapat siguro ilagay na lang ni mariel si robin sa baul lagyan ng mothball at padlock..

defcon three
2/11/2013 4:11 PM
oa naman maxado ang mariel na yan, mali pala. insecure maxado..

MYRA NESPEROS
2/11/2013 2:19 PM
hindi OA si mariel natural lang magselos... asawa siya

Racemell Pabillore
2/11/2013 5:22 AM
oa maxado.. look at dawn and richard.. d nmn insecure si lucy at asawa ni dawn.. wala nmng issue wd dem.. duh!! its just part of being a celebrity its called acting!!

Dianne Ponti
2/11/2013 2:53 AM
oa c mariel.

Amelia Tan
2/11/2013 1:20 AM
they are just creating noise so their teleserye will rate.

Post A Comment
Comment: