ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
13741 vote/s out of 31148
44% Vote

B. Fourth at Fifth
7068 vote/s out of 31148
23% Vote

C. Daniel
3374 vote/s out of 31148
11% Vote

D. Vickie
2258 vote/s out of 31148
7% Vote

E. Joshua
4707 vote/s out of 31148
15% Vote

Total Votes: 31148

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Kris Aquino reveals she still prays for a 'companion'

2/10/2013 11:17 PM

by: Bernie Franco

Push This

021113-kris_main.jpgIpinaliwanag ni Kris Aquino na ang kanyang mga emotional tweets recently ay dala ng birthday blues. Ipagdiriwang ng Queen of All Media ang kanyang kaarawan sa mismong Araw ng mga Puso, February 14. 

Kwento ni Kris sa panayam niya sa The Buzz, na-realize naman daw niya na marami siyang dapat ipagpasalamat kagaya ng nakakauwi siya sa isang bahay na punung-puno ng pagmamahal dahil sa kanyang dalawang anak, ang kanyang mga kapatid at may trabaho siyang mahal niya. “Kung anuman ang ikina-senti ko, siguro um-emote lang,” paliwanag ni Kris. “Happy na ako. Ganda naman ang buhay. There’s no reason to complain whatsoever.” Matapos niyang mag-release ng kanyang emosyon ay naging masaya naman daw uli si Kris.

For her birthday celebration, sinabi ni Kris na pupunta siya sa isang isla na hindi pa niya napupuntahan kasama ang good friend na si ZsaZsa Padilla at kapatid na si Pinky at ang asawa nito.  

Isa pang magandang balita ni Kris ay mas nauunawaan na raw ng kanyang bunsong anak na si Bimby ang kanyang trabaho. “Nare-realize niya na ang trabahong ginagawa ng nanay niya ang bumubuhay sa atin,” lahad ni Kris. Sinabi raw niya sa anak na kung mahal niya ang kanyang nanay ay dapat mahalin din daw ng bata ang ginagawa ng ina na naging mabuti namang provider. Naunawaan daw ito ni Bimby. 

Nang maitanong kay Kris ang tungkol sa kanyang love life, sinabi niya na ang regalo niya sa sarili ay hindi niya pag-uusapan ito in public dahil baka maudlot, pero ibinahagi niya na pinayagan na siya ni Bimby na makipag-date sa kondisyong bawal siyang makipag-holding hands at minsan lang daw. “So parang handa na siya, meron na siyang level of maturity,” masayang balita ni Kris about Bimby.

Sa larangan ng pag-ibig ay may isa pa raw magandang realization ang actress-host. “Na-realize ko talaga hindi ko dapat sarhan ang puso ko at pag-iisip ko just because of a bad experience. More than anything I want peace, I want someone na hindi iko-complicate ang buhay ko; susuportahan ang mga gusto ko; masusuportahan ko rin siya at above everything else, we can have long, exciting and intellectual conversations.” 

Isa pa raw realization ni Kris ay ang katotohanang magkakaroon ng sariling buhay ang kanyang mga anak paglaki ng mga ito. “Gusto ko naman to have a companion, pero alam ko rin at this point, with a schedule like this, alam ko a relationship will take devotion. 

“And at this point hindi ko pa kaya ibigay ang devotion na iyon kasi nga Bimby is only 5 (years old). I have so much work to do pero if he’ll understand, why not?” 

Ipinapanalangin niya na sana ay dumating ang pangarap niyang pag-ibig sa tamang oras at panahon ng Panginoon. 


Post A Comment
Comment: