ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
13737 vote/s out of 31142
44% Vote

B. Fourth at Fifth
7067 vote/s out of 31142
23% Vote

C. Daniel
3374 vote/s out of 31142
11% Vote

D. Vickie
2258 vote/s out of 31142
7% Vote

E. Joshua
4706 vote/s out of 31142
15% Vote

Total Votes: 31142

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Piolo Pascual and Diether Ocampo open up about their friendship

2/05/2013 9:46 AM

by: Krissa Donida

Push This

020513-dietpiolo_main.jpgSa panayam ni Carmina Villaroel ng Showbiz Inside Report kay Piolo Pascual at Diether Ocampo para sa bago nilang teleseryeng Apoy sa Dagat, masayang napag-usapan ang kanilang pinag-umpisahang grupong nabuo sa Sunday variety show na ASAP, ang The Hunks. “Uso kasi noon ang boy band eh. Sa ASAP, kami ‘yung mga pa-cute doon. Bata pa kami noon so anything goes, puro kalokohan lang ‘yon. Ang pinaka-isyu namin noon kung anu-ano pinapasuot sa amin,” paliwanag ni Diether. Dagdag pa ni Piolo dito, “Hinuhubaran kami sa ASAP, tapos naghahabulan kami sa stage, live ‘to tapos yung mga costume, kung anu-ano pino-provide nila. Nagkaroon pa ng merchandise, ‘I love Hunks.’”

Inilarawan din ni Diether si Piolo bilang isang kaibigan. “May sarili ring mundo ‘to eh. Pero ‘yun yung part na na-didiscover ninyo na may similarities kayo, may common interests kayo.” Si Piolo naman, “Si Diet napakatahimik na tao. Sa maraming taon na magkasama kami, kaya niyang i-keep sa sarili niya, diretso siyang kausap. Bilang isa sa mga kuya namin sa Star Magic, maganda yung example na pinapakita niya sa kabataan.”

Pinuri din ni Diether si Piolo sa pagbangon nito sa lahat ng mga pagsubok na naranasan ng actor. “PJ, I can also say the same thing, marami rin siyang pinagdaanan, pero I admire him na he was able to rise above the challenges sa buhay niya.”

Nabuksan din ang paksa ng pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan ng magkaibigang Diether at Piolo. Ayon kay Diether, “Para kasing turingan magkakapatid. Sa magkakapamilya, magkakapatid, medyo may iba diyan na hindi magkakasundo at the end of the day, nagkakasundo pa rin.”

Isa din sa mga paksang napag-usapan ang kanilang mga buhay pag-ibig. Nang matanong ni Carmina kung nagkaroon na ba ng pagkakataong nagkagusto sila sa isang babae, ang tanging nasagot ni Piolo, “Masyadong maliit ‘yung mundo natin sa showbiz ‘di ba?” Ayon sa research ng programa, hindi diumano naging sikreto ang ang pagkakaugnay ni Piolo kay Rica Peralejo taong 2006, na naging karelasyon ng isa ding The Hunks member na si Bernard Palanca. Dating mag-asawang sina Diether at Kristine Hermosa na naging karelasyon din ng kanilang kasama sa grupo na si Jericho Rosales. Inamin ni Diether na pinili na nilang hindi na pag-usapan ang ganitong mga bagay. “No, those are things na better left unsaid. May mga bagay na parang… like he said, may mutual respect kami sa isa’t isa, may mga bagay na parang… ah okay, so kung mas masaya siya doon parang…” na sinang-ayunan din ni Piolo. “Siguro respeto lang sa isa’t isa, ganoon talaga. Kapag may mga ganyan, as much as possible, hindi pinag-uusapan.”

Comments
jai domingo
2/5/2013 3:51 PM
Ka-age lang ba nila si Coco? Di halata huh. Pero Papa P is Papa P =)

Post A Comment
Comment: