ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8491 vote/s out of 18928
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3720 vote/s out of 18928
20% Vote

C. Daniel
1997 vote/s out of 18928
11% Vote

D. Vickie
1349 vote/s out of 18928
7% Vote

E. Joshua
3371 vote/s out of 18928
18% Vote

Total Votes: 18928

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Sam Milby says his priority now is local showbiz

2/05/2013 9:31 AM

by: Bernie Franco

Push This

020513-sam_main.jpgAs expected, mas naging close raw sina Sam Milby at Angeline Quinto sa kanilang teleseryeng Kahit Konting Pagtingin. “Mas naging close naman, mas naging komportable kami. Siyempre halos everyday naman kaming magkasama so close kami,” ani Sam referring to Angeline.

Dagdag ni Sam, kahit ang ibang miyembro ng kanilang produksyon ay nagkaroon ng bonding. “Even with Paulo (Avelino) ‘yung mga first taping days namin kasi he was very quiet. Lahat kami buong staff and crew nagki-click kami.

Sa kanyang mga interviews ay laging sinasabi ni Angeline na crush niya si Sam, pero parang hindi naman convinced si Sam dahil wala namang ilangan sa kanilang dalawa. “Hindi naman [ako] naiilang [kay Angeline]. Nagugulat lang kasi matagal na kaming magkaibigan,” paliwanag ni Sam.

Hindi naman niya pinapakita sa akin na may crush sa akin. Parang minsan nagdududa [ako na]… ‘May crush ka ba talaga sa akin?’ Kasi kumportable kami. Parang magkaibigan lang ‘yung relasyon, ‘yung samahan namin. Hindi ‘yung parang alam mo kapag may crush sa isang tao may konting ilang, siya hindi… wala talaga,” ani Sam. “Very open talaga si Angeline.”

Hindi pa rin naman daw isinusuko ni Sam ang kanyang Hollywood dream at sinabing may balak pa rin siyang pumunta sa US para mag-audition. Gayunpaman, sa sobrang dami raw ng blessings na dumarating sa kanya ngayong taon sa kanyang local showbiz career ay ito muna ang prayoridad niya. “Habang busy ako dito, syempre hindi ako aalis dito, so dito muna ako,” paniniyak niya.

Pagpapatuloy ni Sam, kapag mag-a-audition siya sa US ay mawawala siya ng two to three months kaya naman ang gusto niya bago siya umalis para pumunta sa US ay may maiiwan siyang proyekto para naman magpatuloy ang kanyang exposure.

Post A Comment
Comment: