ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sino ang PBB All In Big Winner mo?
A. Daniel
1398 vote/s out of 7814
18% Vote

B. Jane
3706 vote/s out of 7814
47% Vote

C. Loisa
870 vote/s out of 7814
11% Vote

D. Maris
1508 vote/s out of 7814
19% Vote

E. Vickie
332 vote/s out of 7814
4% Vote

Total Votes: 7814

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Coco Martin admits that he falls in love with his leading ladies but knows his limitations

2/03/2013 8:40 PM

by: Bernie Franco

Push This

020413-coco_main.jpgDahil kalahating tao-kalahating aswang ang ginagampanan ni Coco Martin sa teleseryeng Juan dela Cruz, naitanong ni Boy Abunda sa aktor sa The Buzz kahapon kung siya ba ay may dark side. 

“Meron kasi sabi ko nga tao ako, eh. Madalas din nagkakamali,” pag-amin ni Coco. “Pero sabi ko nga ang kinagandahan no’n siguro habang nagma-mature ako, natututunan kong i-correct ‘yung mga bagay na pagkakamali ko, pagkukulang ko.” 

Inamin din ng mahusay na aktor na siya ang tipo ng aktor na nai-in love sa kanyang leading ladies. Katwiran niya, “’Yung pamamaraan ko sa pag-arte totoo. Sabi ko nga kung may mga eksena man ako, humuhugot ako sa past experience ko o sa mga totoong pinagdaanan ko sa buhay."

“’Yung sinasabi nilang nai-in love ka ba sa mga leading lady mo, honestly, oo, kasi ang hirap dayain ng isang bagay na kikiligin ka, magpapakilig ka pero hindi ka naman kinikilig,” saad niya. 

Siguro sa iba kaya nila ‘yon pero ako minsan nga sinasabi ko sa sarili ko, feeling ko hindi naman ako ganun karunong umarte kasi ‘yung binibitawan kong eksena o pag-arte totoong nararamdaman ko ‘yon.”  

Hindi naman daw ibig sabihin nun ay hinahayaan na lang niya ang sarili na magkagustuhan sila ng kapareha o kaya ay liligawan na niya ito. “Ginagawa ko sinasarili ko. Kumbaga halimbawa, nagkakagusto ako sa isang tao, sa akin na lang ‘yon, hindi ako lumalagpas do’n kasi alam ko may limitation din, eh.” 

Pagpapatuloy niya, alam daw niya na kapag tinotoo ang kanyang nararamdaman ay maaapektuhan ang kanilang pagtatrabaho. 
Binigay nga niyang halimbawa ang sitwasyon nila ng kanyang leading lady sa kanyang teleserye na si Erich Gonzales. Aminado man siyang kinikilig sa mga eksena nila Erich, sinabi ni Coco na alam niya ang kanyang limitasyon sapagkat si Erich ay may non-showbiz boyfriend. 

Biniro rin ni Boy si Coco kung sa palagay ba niya ay may pag-asa siya kay Julia Montes na leading lady naman ng aktor sa upcoming Valentine movie presentation ng Star Cinema, ang A Moment In Time

Bago ako pumasok sa isang bagay sinisigurado ko muna. Ayoko namang mapapahiya ang sarili ko,” nangingiti niyang sagot. 
Pinakikiramdaman ko pa. Di namin pinag-uusapan.” Pagdating daw sa lola ni Julia na laging kasa-kasama nito, nararamdaman daw ni Coco na may good points na siya rito subalit wala pa kay Julia. 

Dahil nasa tugatog ng tagumpay ngayon ni Coco, itinanong ni Boy Abunda kung nangangamba ba ang binata na isang araw ay mawala sa kanya ang kasikatan niya. 

Masaya na ako at para sa akin sobra-sobra na kung ano meron ako ngayon,” sagot ni Coco. “Maliit lang naman ang pangarap ko. Di naman ako masyadong ambitious na tao." 

Kung ano ang pinagsusumikapan ko ngayon para na ito sa pamilya ko, eh, para na ‘to sa mga magulang ko at mga kapatid ko." 

Kumbaga kung sakaling mawala ‘to basta, magkaroon lang ako ng kahit konti don at alam ko na na-secure ko na ang family ko, okay na po ako do’n." 

Pero siyempre po para sa akin hangga’t maaari ayokong mawala ito ng ganun-ganun lang kasi alam ko kung paano ko ito pinaghirapan.” 

Comments
alona alsola
2/7/2013 9:40 AM
tama,....

alona alsola
2/7/2013 9:40 AM
tama,....

alona alsola
2/7/2013 9:40 AM
tama,....

alona alsola
2/7/2013 9:40 AM
tama,....

Post A Comment
Comment: