ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
7927 vote/s out of 17426
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3354 vote/s out of 17426
19% Vote

C. Daniel
1828 vote/s out of 17426
10% Vote

D. Vickie
1250 vote/s out of 17426
7% Vote

E. Joshua
3067 vote/s out of 17426
18% Vote

Total Votes: 17426

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Matteo Guidicelli on falling in love with Jessy Mendiola: 'Getting there.'

2/03/2013 8:43 PM

by: Bernie Franco

Push This

020413-matteo_main.jpgSa panayam ni Boy Abunda sa The Buzz ngayong linggo, Pebrero 3, na-corner si Matteo Guidicelli at pinaamin tungkol sa mga naglalabasang balitang sila na raw ng kanyang leading lady na si Jessy Mendiola. 

Initially, ay sinabi ni Matteo na marami na raw kasi silang pinagdaanan ni Jessy sa paggawa ng kanilang ongoing teleserye na Precious Hearts Romances Presents Paraiso.Kami ni Jessy sobrang close kaming dalawa. If there is a bar of friendship, we’re like a little above that, you know.” Matapos nito ay idinugtong ni Boy, “But not yet lovers.” 

Inamin din ni Matteo na kino-kontrol niya ang sarili na huwag madaliin ang sa kanila ni Jessy. Nang itanong sa kanya ni Boy kung bakit kailangan niyang magkontrol, ang sagot ng aktor, “I might just fall in love right there.” 

Marahil pagkatapos ng relasyon nila ni Maja Salvador noon, ayaw ni Matteo na madaliin ang susunod niyang relasyon.  “I believe this time around everything has to be taken slow and carefully dahil slow things are the things that really last,” pahayag pa ng binata.

Naitanong din ni Boy kung nayaya na ba niya si Jessy na mag-date sa nalalapit na Valentine’s Day at isinagot ni Matteo na… “Actually, may pinaplano na ako together with Jess. We’re going to go watch a concert together.”  

Diretsang tinanong ni Boy si Matteo kung mahal na ba niya si Jessy. Ang mahabang paliwanag ng aktor… “Let’s just say mga one year na kaming magkasama ni Jessy. ‘Yung mga pinagdaanan namin I don’t think it can be replaced or I could forget because the things we’ve gone through sa Paraiso, all the emotions we’ve given to each other, I’m never gonna forget and it means so much to me.” 

Piniga pa ng The Buzz host si Matteo at sinabing ang tanong niya ay answerable by a yes or no. 

“Let’s just say, getting there,” ngiti ng aktor at idinagdag na ayaw talaga niyang madaliin ang mga bagay-bagay. 

Kung may babaeng pangalan daw ang paraiso, ano raw ba ang ipapangalan ni Matteo rito at sumagot siya ng “señorita” na pangalan naman ni Jessy sa kanyang Twitter account. 

Nakita rin daw ng kanyang ama ang larawan ni Jessy sa cover ng isang fashion magazine at sobrang nagandahan daw ito kay Jessy. 

Comments
Devine Fulton
2/4/2013 7:34 PM
super bagay talaga sila,and nakakkilig sobra...sana magkatuluyan sila and hope may movie sila for this year 2013.

jai domingo
2/4/2013 5:09 PM
Bagay sila, in fairness. Pero pano na si JM?

Post A Comment
Comment: