ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8464 vote/s out of 18865
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3714 vote/s out of 18865
20% Vote

C. Daniel
1988 vote/s out of 18865
11% Vote

D. Vickie
1346 vote/s out of 18865
7% Vote

E. Joshua
3353 vote/s out of 18865
18% Vote

Total Votes: 18865

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Julia Montes confirms Coco Martin is her escort on her 18th birthday

2/03/2013 7:14 PM

by: Bernie Franco

Push This

020413-julia_main.jpgAng isang salita raw na unang pumapasok sa isip ni Julia Montes upang ilarawan si Coco Martin ay “gentleman”. Ang team-up ni Julia kay Coco sa Walang Hanggan ay naging big hit kaya nagkaroon ng malaking following. Sa pagiging patok nga ng partnership nila ay sila ang bida sa pelikulang Valentine presentation ng Star Cinema ngayong 2013, ang A Moment In Time

Paglalarawan pa ng aktres kay Coco, “Sa lahat ng aspect, mapa-simpleng bagay, talagang maalaga siya, hindi lang sa co-worker niya. Kung mapapansin n’yo siya sa set pati crew inaalagaan niya, ganun siya mabuting tao talaga, good guy.” 

Sa The Buzz nitong linggo, Pebrero 3, ay muling itinanggi ng aktres na may kinalaman si Coco sa pagkakalabuan nila ni Enchong Dee. “Wala pong ganon, tsaka 'di rin namin napag-uusapan si Enchong,” ani Julia. 

Sinundot naman ng tanong ni Toni Gonzaga si Julia kung wala na silang komunikasyon ni Enchong. Sagot ng dalaga, “Hindi naman sa hindi nag-uusap pero nagkikita kami, like sa ASAP.” 

Hiningan din ng komento si Julia sa pag-amin kamakailan ni Coco na muntik na niyang ligawan si Erich Gonzales, na leading lady ng aktor sa teleseryeng Juan dela Cruz. 

Sagot ni Julia, “Okay lang naman. Wala naman akong karapatan, so 'di ako pwedeng mag-react.” 

Sa darating na Marso ay magde-debut si Julia at ibinunyag kanina na si Coco ang magiging escort ni Julia. 

Nagbiro pa nga si Julia na baka maudlot ito sa pagbubunyag. Humirit naman si Toni na, “Hindi na siya makakahindi. In-announce na natin sa telebisyon.” 

Kaabang-abang naman daw ang pelikula nilang A Moment In Time at sigurado raw marami ang kikiligin sa nasabing pelikula. Marami ang naintriga sa karakter ni Coco rito na sa trailer ay nakita pa siyang sumasayaw habang kumakanta. 

Comments
jai domingo
2/4/2013 5:07 PM
Ansaveh ng picture? Si Enchong, medyo malayo na age gap nila, si Coco pa kaya? Hmmm, si Enrique Gil na lang, Julia =)

a dj
2/4/2013 3:28 AM
Advance Happy B-Day Ms.Julia! Thanks for entertaining us. BTW, we saw you on Minute-To-Win-It, you did one heck of a job!!

Post A Comment
Comment: