ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
13651 vote/s out of 30961
44% Vote

B. Fourth at Fifth
7024 vote/s out of 30961
23% Vote

C. Daniel
3351 vote/s out of 30961
11% Vote

D. Vickie
2244 vote/s out of 30961
7% Vote

E. Joshua
4691 vote/s out of 30961
15% Vote

Total Votes: 30961

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Carmina Villaroel reveals some of the changes in her life since she got married

2/01/2013 9:06 AM

by: Krissa Donida

Push This

020113-carmina_main.jpgInamin ni Carmina Villaroel na malaki ang naging pagbabago ngayong kasal na siya. “Ay happy. Iba e, maybahay na working mom.” Ibinahagi din niya ang ilan sa mga naging pagbabago sa kanyang buhay nang kinasal siya. “Ay oo may nabago. Siguro mas naging ano… yung respect mas nandun, yung love higit na akala namin hindi na mahihigitan pa. Full ka na sa mga gagawin mo, sa mga desisiyon mo, sa mga actions mo.”

Dagdag pa niya sa ilang sa mga naging pagbabago, ”At ’pag nagsusulat ako ng signature ay kailangan pala may Legaspi na, so talagang napepressure ako na ibahin na yung signature ko. Hindi ko naman kasi napractice kasi all my life, Carmina Villaroel lang naman ako e. Pati yung legal documents, yung mga reply slip mga ganun. Ay, Legaspi na pala ako. So yun yung mga changes.”

At sa pinakabago niyang teleseryeng May Isang Pangarap, sinabi ni Carmina na napakalapit ang role niya sa kaniya dahil pareho silang ina at nakikita niya sa dalawang bidang bata ang kanyang sariling mga anak. Aniya, ”Siyempre nine years old, hindi naman masyadong nagkakalayo yung edad nila sa anak ko. Medyo madali para sa akin yung role ko kasi nanay din ako dito e.”

At maliban pa dito, naaalala din ni Carmina ang sarili nung nagsisimula siya sa showbiz. ”Ang saya kasi very fresh so alam mo talagang yun na nga, very sincere ang kanilang mga emotions. So parang nakikita ko yung sarili ko nung nagsisimula ako.”

Twelve years old na rin ang mga anak nina Zoren at Carmina na sina Mavy at Cassy, kaya naman sa tanong na balak na ba nilang sundan ang kambal, ”Oo nga e. Alam mo yan naman yung kung sa amin naman kung darating, darating. We are not naman super trying, hindi rin naman namin tinatanggal sa aming isipan na magkakaroon ano pero kung biyayaan, thank you.”

Ibinhagi din ni Carmina ang saloobin niya at kanyang mga anak kung sakaling masundan pa ang kambal. “Kahit ano, kahit kambal pa, triplets, kahit ano. Yung daughter ko si Cassy very vocal na gusto niya na daw magkaroon ng baby sister. Si Maverick okay na daw na dalawa sila.

Kwinento din ni Carmina ang tuwa na ngayon ay bitbit na rin niya ang apelyidong Legaspi. “Ang sinasabi ko naman, every time we travel I feel left out kasi ako lang yung Villaroel, sila Legaspi. So ngayong kasal na kami lahat na kami Legaspi so we are one. Talagang we are family.”

Post A Comment
Comment: