ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After ng Pure Love, ano wish mo na next Koreanovela remake ng ABS-CBN?
A. Boys Over Flowers
6754 vote/s out of 10812
62% Vote

B. Two Wives
471 vote/s out of 10812
4% Vote

C. That Winter The Wind Blows
912 vote/s out of 10812
8% Vote

D. The Heirs
2675 vote/s out of 10812
25% Vote

Total Votes: 10812

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Erich Gonzales reveals why Coco Martin never courted her

1/30/2013 10:44 AM

by: Bernie Franco

Push This

013013-erich-main.jpgSa pagbabalik-teleserye ni Erich Gonzales via Juan dela Cruz, kung saan makakatambal niya si Coco Martin, ikinuwento ng dalaga na hindi mawawala ang pressure na mapaganda ang isang proyekto para mag-rate.

Pero ngayon mas iniisip namin po ay makapagbigay ng de-kalidad at de-kalibreng proyekto sa mga manonood at mabigyan sila ng magandang papanoorin gabi-gabi kahit na medyo mahirap,” paliwanag ng dalaga sa press conference ng Juan dela Cruz kamakailan. High Definition or HD ang gamit na camera kung kaya’t mas kaunti lamang ang takes ng mga eksena pero hindi raw nila iniinda iyon at ang tanging layunin ay mapaganda ang proyekto.

Sa press con, nagkabukingan at inamin ni Coco na nagpalipad-hangin siya noon kay Erich nang gawin nila ang indie movie na ‘Noy. Gayunpaman, hindi ito nag-prosper at bago pa man daw nauwi sa ligawan ay natigil na.

Sinang-ayunan ito ni Erich. “Hindi ko naman po masabing ligaw kasi baka sabihin ko, ‘Ah ligaw,’ tapos siya naman hindi. Siguro palipad-hangin pero di po natuloy.

Ikinuwento rin ni Erich ang kanyang dahilan kung bakit hindi siya handa noon na i-entertain si Coco. “Nung time na po ‘yon, alam niya talaga na gusto ko lang magtrabaho talaga at ayoko pang pumasok sa isang relasyon. Nirespeto niya at feeling ko ‘di po naman siya seryoso.”

Nang idugtong na ibig bang sabihin ay binasted niya si Coco, ang tugon ng aktres... “Ayoko pong sabihing basted hindi dumating sa ganon.

Magdadalawang taon na raw sila ng kanyang non-showbiz boyfriend at patuloy raw ang pagganda ng kanilang relasyon. “Okay naman po kami. Going strong... he’s very supportive.” Malaki raw talaga ang advantage na hindi taga-showbiz ang kanyang boyfriend dahil mas tahimik daw ito at hindi magulo. Tanggap din daw siya ng pamilya ng kanyang boyfriend at maayos ang relasyon ng mga ito sa kanyang pamilya.

Hindi rin daw problema sa kanyang non-showbiz boyfriend ang pagkakaroon niya ng love team o ang ma-link siya sa ibang actor dahil sinasabi niya lahat sa kanyang boyfriend. “Sinasabi ko sa kanya lahat [like], ‘May taping ako today, may mga ganong eksena,’ and he’s very supportive talaga. Walang kaso, walang selos factor, walang ganon po.” Very secure daw ang kanyang boyfriend at dahil 32 na ito, ay mature nang mag-isip.

Sampung taon daw ang tanda ng guy kay Erich at mas gusto raw iyon ng aktres. “Mas okay po na mas mature. Para sa akin mas importante intellectual, sensible kausap... marami po akong natututunan.” Dugtong pa ni Erich, “He doesn’t look his age, mas mukha pa akong matanda don.”

Muli ay itinanggi ni Erich na engaged na siya, gaya ng naunang balita noon dahil sa nakitang suot niyang singsing. Nilinaw noon ni Erich na hindi iyon isang engagement ring. “Hindi po ako engaged, ‘yung ring gift lang sa akin. Bata pa po ako. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay ko and willing siya maghintay,” aniya na tinutukoy ay ang kanyang boyfriend.

Comments
kristy yap
1/31/2013 5:39 AM
sana madami kilig moments ang jdc kasi super missed na namin si Erich sa tv. we love you Erich. ingat ka palagi. ikaw lang idol namin.

kristy yap
1/31/2013 5:37 AM
we like Erich kasi she's mabait, natural ang ganda at magaling na artista. wala syang bad image hindi kagaya sa iba mag-aaway pa dahil lng sa lalaki yucksss

sheena lights
1/31/2013 12:48 AM
Sana magfocus ang abs kay erich kasi ito ang may real talent di gaya ng iba na pilit na pilit,at least si erich di nakasandal sa isang labtem,di gaya nila_.....

sheena lights
1/31/2013 12:46 AM
Super proud of bebe erich,ur so humble thats why ur so blessed..

sheena lights
1/31/2013 12:45 AM
Ito ang totoong maganda just like maja...kim at sarah beauty kelangan pa ienhance ni dr. Vicki

Sara Marco
1/31/2013 12:21 AM
Anong walang chemistry?masasabi ko lang perfect as in :)

hans luna
1/30/2013 11:20 PM
may bf na si erich . si coco may asawa na si katherine luna. may anak na rin sila. kasi iresponsable ama si coco suplado lalo na sa anak niya kay katirine sikat na kasi pati obligasyon waley na

swanie cruz
1/30/2013 2:25 PM
Walang chemistry

vill fortune
1/30/2013 11:36 AM
Much better talaga pag ang lalaki ang mas matanda sayo.kaya Erich good for you:-)

Post A Comment
Comment: