ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7960 vote/s out of 62655
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3293 vote/s out of 62655
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
31549 vote/s out of 62655
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
19853 vote/s out of 62655
32% Vote

Total Votes: 62655

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Robin Padilla admits that being attracted to women is still a struggle

1/29/2013 10:26 AM

by: Krissa Donida

Push This

012913-robin_main.jpgSa eksklusibong panayam ng Showbiz Inside Report kay Robin Padilla, napag-usapan nila ni Janice de Belen ang patuloy na pagkahumaling ni Robin sa mga kababaihan, kahit na kasal na siya kay Mariel Rodriguez. Binalikan ang ilang mga karanasan niya pagdating ditto, lalo na sa pinakaimportanteng babae sa buhay niya: ang kanyang mga anak.

Inamin ni Robin na isa talaga siyang striktong ama sa kanyang apat na anak. “Strikto ako lalo na sa mga anak kong babae. Pero malambing din ako kasi ang trato ko sa mga anak ko, hindi naman anak, barkada eh.” Aniya nararamdaman talaga ang kanyang pagiging ama kapag may manliligaw na sa kanyang mga anak. Hindi man siya ang tipong mapagbantay pero mas kaya niyang idaan sa pisikalan kung sakaling hindi maganda ang ipakitang trato ng lalaki sa kanyang mga anak.

Nilahad din niya rin ang damdamin niya sa mga kalalakihan ng henerasyon ngayon. “Hindi ko naman nilalahat pero masyadongpara sa akin hamasyadong may kabastusan ang generation ngayon.” Dagdag pa ni Binoe, “Kasi noon, ako na pinakabastos, ako na pinaka mahangin. Pero kahit kailan, andun ang respeto ko sa magulang. Pagka nagpunta ako sa bahay ng babae, hindi mo mabilang ang magandang gabi ko. Magandang gabi po, magandang gabi po. Pero pag nakatalikod na yung magulang, gago talaga ako pero pag andyan yung magulang, mag respeto ka naman. Yun yung nakukulangan lang ako. Parang ngayon, nauuna kasi yung porma eh. Pasalamat ka napapasaya mo pa ang anak ko kasi kung hindi na, yun yun.

At kung may sinuman na magpapaiyak sa isa sa kanyang mga anak ng dahil sa lalaki, “Laging ko lang naman tanong, ‘Masaya ka pa ba?’ Eh kapag sinasabing opo, oo, diretsa naman ako. Lagi lang may threat, wag mo lang ipapakita sa aking umiyak ka, ayun na! Pag nakita na kitang umiyak, ay pagtaguan mo na yan kung sino man yan.”

Binalikan din ang paksang hindi na kailanman maiaalis kay Robin, ang pagiging chick boy niya umano. “Hindi naman ako chick boy. I love women talaga.” Dagdag pa niya, “Oo, talagang pag andyan lang sila, masyado akong ganado. Hindi naman ibig sabihin na ligawan mo sila o ano. Basta iba lang ang binibigay nilang lakas eh, iba lang yung halimuyak pag may babae.”

Inamin din niyang sa taas ng emosyon niya pagdating sa mga babae, lahat ng mga naging away niya noon may may kinalaman sa kanila. “Kung lahat ng away ko nun may binastos na babae, wala akong kinursunada. Wala akong kailanman na ganung klase. Lahat ng away ko, lahat ng upakan, may kinalaman sa chicks yun. Ang sarap pag nakikipag-away ka dahil sa babae eh! Lalo pag sumisigaw na yung babae, inaawat ka, oh, high na high ka nun!

Napag-usapan din ang kanyang buhay pag-ibig sa piling ng asawang si Mariel Rodriguez. At dito inamin niyang kahit may asawa na siya, isang pagsubok pa din ang patuloy niyang pagkahumaling sa babae at bukas siya dito sa kanyang asawa. Aniya, “Hanggang ngayon, alam niya struggle ko. Alam niya yun kasi  nandun kami sa Europe binibigyan niya ako chance tumingin sa chicks. ‘O sige na, babae. Mag shoshopping na ako tumingin ka na ng chicks.’ Alam niyang hanggang ngayon andun ako sa, hindi siya madamot.

At sa lahat ng kanyang mga naging karanasan sa kababaihan, sa tanong na kung sino ang kanyang greatest love, “Wow! Nakakatakot yung tanong na yan ah! Si Mariel, siyempre.”

Comments
missy billones
1/29/2013 6:03 PM
gwapo ba c daniel padilla

missy billones
1/29/2013 6:03 PM
gwapo ba c daniel padilla

missy billones
1/29/2013 6:03 PM
gwapo ba c daniel padilla

Post A Comment
Comment: