ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
13642 vote/s out of 30939
44% Vote

B. Fourth at Fifth
7015 vote/s out of 30939
23% Vote

C. Daniel
3351 vote/s out of 30939
11% Vote

D. Vickie
2242 vote/s out of 30939
7% Vote

E. Joshua
4689 vote/s out of 30939
15% Vote

Total Votes: 30939

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Gabby Concepcion talks about early years in showbiz

1/29/2013 10:22 AM

by: Krissa Donida

Push This

012913-gabby_main.jpgInamin ni Gabby Concepcion sa naging panayam sa kanya ng Showbiz Inside Report host na si Joey Marquez na hindi kailanman niya na pinangarap na mag-artista. Aniya, “Wala dun yung showbiz. Ang buhay ko, hindi ko naman pinaplano kung ano yung binigay ng Diyos. Kung ano yung biyaya eh yun na gawin mo.” Kaya naman nang dumating ang pelikulang Katorse ng Regal Films kung saan nakasama niya sina Dina Bonnevie at Alfie Anido, doon na nagsimula ang kanyang buhay-showbiz.

Nagsunod-sunod na ang mga proyektong dumating sa kanya kaalinsabay dito ang pagkakaugnay niya sa iba’t ibang mga babae. Pero lahad ni Gabby lagi pa rin naman siyang nababasted noong mga panahon na iyon kahit na artista na siya. “Hindi ako marunong manligaw talaga. Nangyayari talaga yun.” 

Taong 1995 nang desisyunan niyang talikuran ang showbiz at manirahaan na lamang sa America. “Mahabang istorya. Kung minsan gusto natin mag-isa tayo para makapag-isip tayo.” At sa labintatlong taon niyang paninirahan doon, nakapag-aral siya ng dalawang kurso sa Lincoln University, isang bagay na hindi niya naggawa nung nag-aartista siya dito sa Pilipinas.

At kahit na maraming nag-aaya sa kanya nung mga oras na iyon na bumalik sa Pilipinas, tinanggihan niya ito. “Ang buhay ko naka-set na dun. 13 years na ako dun eh, nakakuha na ako ng magandang trabaho dun, nagbebenta ako ng mga bahay so naging okay na ako dun.”

Ngunit dahil sa naging karamdaman ng kanyang ama sa Pilipinas, nagdesisyun si Gabby na bumalik sa bansa. “Umuwi  ako dahil ang sabi nung duktor wala na yatang isang taon at kung hindi ka uuwi baka hindi mo siya makita kaya napauwi ako.” At ibinahagi niya rin ang naging habilin ng ama bago ito namaalam, “Madalas niyang binibilin yung mga kapatid ko, madalas ako nakakausap ng tatay ko at madalas yun ang nababanggit niya.

Inilarawan niya rin ang relasyon niya sa dalawa sa kanyang mga anak na sina KC at Garrie. “Independent na siya (KC) ngayon so tatawag na lang yun, tetext na lang yun pagkapalagay ko ‘pag nalulungkot eh. Yun nagkakausap kami. Negosyo ngayon ang inaatupag [ni Garrie]. Maganda yung CD niya pero hindi ko lang alam kung ipagpapatuloy niya yung kaniyang showbiz career.”

At pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig at may-asawa sa kasalukuyan, isang masayang Gabby ang sumagot ng, “Perfect, oo, kailangan natin yan ‘di ba?” 

Post A Comment
Comment: