Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sam Concepcion tama nga bang tumahimik na lang sa intriga sa kanila ni Anne Curtis?
A. Oo. Ayusin na lang personally para iwas gulo.
64053 vote/s out of 83586
77% Vote

B. Hindi. Dapat ipagtanggol niya din ang sarili niya.
19533 vote/s out of 83586
23% Vote

Total Votes: 83586

Iza Calzado hopes to develop next her hosting skills

1/29/2013 10:16 AM

by: Bernie Franco

Push This

012913-iza_main.jpgPatapos na ang teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan, ang kauna-unahang teleserye ni Iza Calzado pagkalipat niya sa bakuran ng ABS-CBN. Kahit marami ng acting awards si Iza, ibinahagi niyang nahamon ang kanyang kakayahan bilang aktres sa kanyang current teleserye. “I think lang talaga challenge [sa akin ang teleserye]. Maraming aspeto ng aking pagka-artista ang na-challenge sa teleseryeng ito at gusto ko ‘yon.”

Unang tinanong sa kanya ng Push.com.ph kung sa palagay ba niya ay mas humusay ang kanyang acting via this project. “I’d like to think I’m a little better,” simula ng actress. “Hopefully it taught me more, but I still have a lot to learn.

Gusto ko ‘yung natsa-challenge. Actually makikita mo ‘yon. Pag di ako natsa-challenge, I’m so bored, I’m bored, the character is boring, the character is nothing to me. Walang nangyayari,” paliwanag niya.

Bilang artista, hindi raw hangad ni Iza na bigyan siya ng special treatment. “Di naman ako mahirap i-please, di naman ako mahirap paligayahin. When it comes to my work, [just] challenge me as an artist and make me feel that di mo naman ako nakakalimutan, okay na ako do’n,” pagbabahagi niya.

“You don’t have to make me feel like I’m the best in a league of so many talented and beautiful artists. As long as I know that I did well, I did good [I’m fine with it]. I really just need to be challenged.”

Sa kasalukuyan ang focus daw ni Iza ngayon ay ang pagho-host ng next season ng The Biggest Loser: Pinoy Edition. Wala pa raw specific date kung kelan eere ang reality-based TV show pero tentatively ay sa Marso ito magsisimula.

“I really want to focus on hosting [The] Biggest Loser and I’m really excited,” kwento ni Iza. Dagdag niya, excited daw siya sa proyekto dahil magagawa na raw niyang matulog nang mas maaga. “I’ll still be working but the hours won’t be as grueling.”

Kabado rin daw si Iza dahil kahit nagkaroon na siya ng mga hosting stints, walang dudang ito ang pinakamalaking hosting job niya so far. “Hopefully I’ll conquer it, but basically I’m entering a new territory, which is hosting. I’ve never been given a show like this, [one with] this magnitude to host.”

Umaasa naman si Iza na masimulan na nga ang kanyang proyekto ngayong first quarter of the year.

Comments
Cheryl Pedrera
1/29/2013 9:36 PM
go iza! kayang kaya mo yan!

Post A Comment
Comment: