ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who's the most daring at the Bench Naked Truth Fashion Show?
A. Jake Cuenca
2022 vote/s out of 6568
31% Vote

B. Tom Rodriguez
3858 vote/s out of 6568
59% Vote

C. Richard Gutierrez and Sarah Lahbati
337 vote/s out of 6568
5% Vote

D. Ellen Adarna
199 vote/s out of 6568
3% Vote

E. Martin Del Rosario
152 vote/s out of 6568
2% Vote

Total Votes: 6568

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Cristine Reyes says she is just friends with Dennis Trillo and Derek Ramsay

1/27/2013 9:45 PM

by: Bernie Franco

Push This

012813-christine_main.jpgPagkatapos ng kumpirmasyon na break na sila ng kanyang dating boyfriend na si Rayver Cruz, inili-link naman ngayon si Cristine Reyes sa dalawang lalaki—ang dating boyfriend niya na si Dennis Trillo at si Derek Ramsay. 

Una, nakita raw sina Cristine at Dennis sa Cebu pero nilinaw ng aktres na aksidente lamang ang kanilang pagkikita. Kasama raw ni Cristine ang kanyang mga kaibigan, samantalang si Dennis naman daw ay kasama ang kanyang mga kaibigan ay sinadya talagang pumunta roon. Dagdag pa ni Cristine, “Since magkakaibigan na rin naman kami… hindi naman rin kasi nila alam na nag-uusap talaga kami, eh. So hindi na bago sa amin.”  

Itinanggi rin ni Cristine ang mga bali-balitang binabalikan umano niya si Dennis. “I think priority rin ngayon ni Dennis ang work niya at son niya. Focus muna tayo sa work, focus muna tayo sa life,” paliwanag ng aktres. 

Isa ring matunog na pangalan na iniuugnay ngayon kay Cristine ay si Derek Ramsay, pero itinanggi ng aktres na may namamagitan sa kanila. “Gusto ko muna talagang mag-focus ngayon sa life ko. Para sa akin mas maganda kung makilala mo muna ‘yung tao bago kayo pumasok sa isang relasyon, ‘di ba? Mas maganda kung magkaibigan muna kayo.” 

Nag-start ang pagkakaibigan nina Cristine at Derek nang magsama sila sa pelikulang No Other Woman kasama si Anne Curtis. “Paulit-ulit kong sasabihin na nagha-hangout kami sa house nila nung sila pa (ni Angelica Panganiban), kasama ko si Rayver no’n.” 

Ibinahagi ni Cristine kung ano ang mga katangiang nagustuhan niya kay Derek. “Okay kasi siya as a person. Wala akong masabing ‘di maganda (kay Derek). Totoong tao. Kumbaga, nakatagpo ako ng bagong kaibigan sa industriya na trusted ko.” 

Ayon pa kay Cristine may pangako raw siya sa sarili na wala munang distractions. Kung meron daw magparamdam ay bukas siya pero hanggang kaibigan lang muna.  “Pero ‘yung masasabi kong relasyon ulit, ‘wag muna.” 

Pagdating naman umano sa kanyang magiging susunod na boyfriend, mayroong hiling si Cristine. “As long as ‘yung lalaki ready na. I mean, parang ayoko kasi ‘yung maglalaro-laro ka, parang boyfriend-girlfriend wala lang. Gusto ko kasi seryoso, so kung may ganung lalaking darating, ‘di ba?” 

Comments
agie pablito
3/19/2013 4:05 PM
kahit ano pang masasamang salita
ang sabihin nila sayo hinding-hindi parin magbabago ang paghanga ko sayo.,sana marami pang blessings at proyekto ang dumating sayo.,marami parin kaming nagmamahal saya ate a.

swanie cruz
1/29/2013 3:21 PM
Plastic retokada

Sara Marco
1/29/2013 12:32 AM
Marami kaming nagmamahal sa kanya...go go go Christine hayaan mo silang magtatalak tawanan mo sila

jai domingo
1/28/2013 3:58 PM
May fans ba to? Ang lakas huh! Kahit sa ASAP maganda exposure, pero may fans ba?

christie coronel
1/28/2013 3:57 PM
tama!

Post A Comment
Comment: