ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
311319 vote/s out of 500979
62% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
189660 vote/s out of 500979
38% Vote

Total Votes: 500979

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Rico Blanco plans to pursue music and acting at the same time

1/25/2013 11:41 PM

by: Krissa Donida

Push This

012613-rico_main.jpgMuling mapapanood si Rico Blanco sa telebisyon sa pinakabagong panghapong teleserye na May Isang Pangarap. Matatandaang huling napanood si Rico sa fantaseryeng Imortal kung saan gumanap siyang isang kontrabida. Sa pagharap niya sa media para sa promotion ng serye, nakausap siya ng Push.com.ph at nilinaw niyang magkaiba man ang kwento ng dalawang seryeng ito, hindi niya ito nakikitang malaking pagbababago para sa kanyang pag-arte.

Aniya, “For me kasi every role I take on, kung considered man na fantasy—I did a comedy indie before and I did theater before yung Judas, hindi ko alam kung historical or religious—but every role I tackle I just make it as real as I can make it without thinking if this is a drama, is this a fantasy, is this action, is this comedy? I just really step into the shoes of the character. If the situation is funny, then it will be comedy. If the situation is tragic, then it becomes drama. If the situation calls for an event, then it’s action. But for me, it’s all the same. I just step into the shoes of the character.”

Sa serye niya ngayon, gumaganap siyang ama ng isa sa mga batang bida. Kaya sa tanong na nararamdaman niya bang mas nakatuon na sa kanya ang istorya, “I still feel that I am still supporting the kids, Vina (Morales) and Carmina (Villaroel) that is how I see it. And siguro ang nature ko as an actor, I want to support whoever I am working with. I am the bridge between the two families, ako lang ang common between the two.”

Dagdag pa ng singer/actor, mas nararamdaman niyang mas nakatutok ang mga tao sa kanya ngayon dito sa pinakabago niyang proyekto. “I do realize that because for the longest time in Imortal, I have to restrain myself kasi ayaw ko magka-clue na maybe this guy is important. Gusto ko talaga magulat sila so I really have to be steady agad. Ito umpisa pa lang. mabigay na agad. So your question is do I feel pressured? I don’t know e. Ginaganahan ako sa confidence na binibigay sa akin whether in music. If you give me the mic, if you give me the role, your confidence in me builds my confidence also. So I am a person who does not want to disappoint so I do my best, I do my best.”

Ibig sabihin ba nito ay ipagpapaliban muna ni Rico ang musika? “Tuloy-tuloy lahat. We are very careful with my schedule na walang mag-suffer. Pati dito kailangan pag nagcommit ako, hindi sila maha-hassle sa akin kasi may show ako. We are very honest with them na this is all we can do. Weekends may show. Music din we are very careful din na I get enough sleep kasi pag singer din medyo mahirap so it’s a balancing act. I am very thankful my management is helping me and ABS has been considerate also.”

Kaya naman hindi siya nakakaramdam ng kahit na anumang pressure na mamili kung ano ang kanyang uunahin sa dalawa. “Yung level ng involvement dito o sa music, continuous decision-making yun. Hindi siya day to day ha, ilang season ba, yung usapang ganun… balancing act lang talaga.”

Napatunayan na ni Rico ang galing niya sa musika ngunit sa larangan ng pag-arte, may nararamdaman ba siya ba kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili? “I really enjoy the creative process, to be able to create. Now second-guessing the reaction of people through music or this, I tend to not really worry too much and just focus on being better all the time and not to second guess. Because I always believe it will only throw you off if you are in a learning curve or if you have a vision and begin to listen to too much chatter. You lose focus. Listen to a few people that you really respect. Get their opinions if needed, family and peers from the industry. So far from my little roles from before, I really get encouraging words from actors that I didn’t even imagine would know who I am. Kinikilig [ako]. I guess ‘di ba when you are a fan of someone and do a good job. Pero I know marami pa akong matutunan. At kapag sa taping marami akong natutunan. Hindi lang sa acting but the technical aspects of it.”

Post A Comment
Comment: