ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who's the most daring at the Bench Naked Truth Fashion Show?
A. Jake Cuenca
533 vote/s out of 1815
29% Vote

B. Tom Rodriguez
1093 vote/s out of 1815
60% Vote

C. Richard Gutierrez and Sarah Lahbati
84 vote/s out of 1815
5% Vote

D. Ellen Adarna
61 vote/s out of 1815
3% Vote

E. Martin Del Rosario
44 vote/s out of 1815
2% Vote

Total Votes: 1815

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Carmina Villaroel gives some advice to ex-husband BB Gandanghari about his sex change

1/25/2013 10:10 AM

by: Krissa Donida

Push This

012513-carmina_main.jpgIsang masayang Carmina Villaroel ang humarap sa mga press kamakailan para sa kanyang panghapong teleserye na May Isang Pangarap. Nang matanong ng Push.com.ph kung maririnig na siyang regular na kakanta bilang tinatalakay ng seryeng ito ang musika, ang nakatutuwang sagot ng aktres “Yung role ko lang dito apparently e hindi ako yung kumakanta. Very supportive lang ako na Mommy ni Larah (Sabroso). Pero kung gusto naman nila, why not?” 

Dagdag pa niya sa pagkanta niya nang harapin niya ang press kasama ang kanyang mga co-star na si Vina Morales at ang dalawang batang bida, ”Naku dito lang so you guys are honored. Dito lang sa presscon pero sa teleserye, ang role ko dito sintunado so very opposite talaga na sila. Kumakanta ako sintunado nga e. Frustrated singer talaga.”

Sinagot din ng aktres ang pag-amin ni BB Gandanghari, na dati niyang asawa, ang tungkol sa pagpapa-sex change nito at ang kanyang reaksiyon, ”Wala naman, kasi matagal na siyang nachi-chismis at hindi pa nga natin alam na nangyari na ba o hindi so wala naman e. Lagi ko naman sinasabi na kung saan siya liligaya doon naman ako. Kasi parang ako, I am so happy with my life. Wala na akong mahihiling pa so sana ganun din siya.”

At ikinagulat din ni Carmina na bukas si BB na pag-usapan ang operasyon niya sa publiko lalo pa’t inamin niya na nasa psychological stage pa siya, na unang stage ng pagpapa-sex change. Aniya, ”Ay talaga pinaguusapan niya. Oh my gosh! Well I guess mas maigi, mas maganda kasi ang nababalitaan ko sa ganyan na kapag maguundergo ka sa isang ganyan e kailangan may psychological test. So tama na gnagawa niya yung proseso para walang magiging effect sa kanya mentally.”

Kaya naman nang tinanong ng Push kung may maipapayo ba siya kay BB, game naman sumagot si Carmina. Aniya, “Ako pa talaga? Ako naman basta just be true to yourself. Ang importante kasi you have to be really happy. At kapag may contentment ka sa buhay mo, may peace lalabas e. Kahit anong makeup mo kung wala kang peace of mind, katahimikan, lalabas.”

Hiling din ni Carmina na sana maayos na rin ang nangyayaring gusot sa pagitan nina BB at kapatid na si Robin Padilla. ” Oo naman kasi like I said, ako I am very happy with my life, so sana ganun din siya ganun din yung pamilya nila. Alam mo naman kapag big family masaya yung ngakakasundo kayong magkakapatid. So sana maayos na eventually siguro in time magkaka-ayos ayos din sila.”

Comments
Lou Anne
1/27/2013 4:04 AM
:))

Tin Tin Faustino
1/26/2013 10:23 AM
Maybe its time para mag work uli sila as an pair even Tita BB is a Gay

putikLUNAtik goldz
1/26/2013 10:19 AM
:))

jai domingo
1/26/2013 4:25 AM
Ang hirap din ng situation ni Carmina, but this is a good concept for a movie or MMK. Yung dati mong asawa, pagbalik, mukha ng girl & worse, kamukha mo pa =)

Post A Comment
Comment: