ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sino ang PBB All In Big Winner mo?
A. Daniel
4265 vote/s out of 23193
18% Vote

B. Jane
10250 vote/s out of 23193
44% Vote

C. Loisa
2699 vote/s out of 23193
12% Vote

D. Maris
4924 vote/s out of 23193
21% Vote

E. Vickie
1055 vote/s out of 23193
5% Vote

Total Votes: 23193

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angel Locsin wants to concentrate on television projects this year

1/22/2013 9:55 AM

by: Krissa Donida

Push This

012213-angel_main.jpgSa naging panayam ng Push.com.ph kay Angel Locsin, napag-usapan ang kanyang pinakahuling pelikulang One More Try kung saan marami siyang positibong reaksiyon na nakuha sa kanyang pagganap. “Actually binabasa ko yung reviews. First time kong makabasa ng ganito karami. Overwhelming yung response ng tao sa Twitter, sa blogs. Maraming salamat po sa mga nabasa kong reviews sa akin at sa aming lahat. Thank you po talaga at nagustuhan niyo ang One More Try.”

Kaalinsabay sa magagandang reaksiyon ng mga manonood sa kanya, inamin ng aktres na nagdalawang-isip siya na tatanggapin ang nasabing role. “May hesitation talaga ko kasi bukod sa mother role siya, kaya ko ba? Kasi hindi ko naman talaga alam ang emosyon ng isang nanay talaga ‘di ba? Baka ‘di ko mapanindigan so isang challenge talaga sa akin. At pressured na pressured ako sa ginagawa ko sa pelikula. At nung lumabas happy naman ako, happy naman ako na nagustuhan ng mga tao yung pinakita ko.

At sa pagpasok ng taong 2013, may ilang mga bagay na isinaad ang dalaga na nais niyang mangyari sa taong ito. “Ako kasi sa positive things ako tumitingin ng mga bagay-bagay at nangyayari, at positive din ang papasok. Sana yung papasok na project is an action project para pahinga naman muna sa drama. And basta, maraming bagay-bagay na pinaplano pa namin ngayon na sana matuloy.” 

Kaya naman agad kinumpira ng Push kung ano ang mga nakalinya na project niya at kasama din ba dito ang Darna. “May inaayos pero ako kasi ayaw ko muna magsalita. Yung management na lang ang magsabi pero inaayos pa lang naman lahat. Pwedeng pahinga, pwedeng hindi, wala naman tayong hinahabol ngayon e.”

Ngunit inamin ng dalaga na sa taong ito nais niya talagang tumutok muna sa proyektong pang-telebisyon. “Hindi ko talaga alam. Sila naman ang nagdedecide.” Dagdag pa niya, “Hindi ko pa alam kasi baka mapagalitan ako at kung anong sabihin ko. Kasi ilang beses na rin naman kasi nagpresent tapos hindi matutuloy so ayaw ko na pangunahan so kung ano yun, yun na yun.”

Napabalita na rin na magkakaroon ng pelikula at pagsasama-samahin ang mga tinaguriang “Prinsesa ng Star Cinema.” Kasama ni Angel sa nasabing proyekto ang nakasama niya rin sa pelikulang One More Try na si Angelica Panganiban. Dagdag pa dito sina Toni Gonzaga at Bea Alonzo. “Hindi ko alam kasi actually sinabi na lang yun sa amin dun sa Star Cinema mismo. As in on the spot sinabi sa amin tapos interview agad. Pero depende sa kanila. Ako kasi sana mag-TV muna ako kasi tatatlong pelikula na yung ginagawa ko sunod-sunod. So TV muna para pahinga ka muna sa movie. Ano nanaman kasi ipapakita mo, baka wala ka nang mapakitang bago.”

At sa pagiging abala ni Angel nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil sa kanyang pelikulang kabilang sa nagdaang Metro Manila Film Fest, natanong na rin ng Push kung may plano siyang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya at si Phil Younghusband. “Kakagaling lang namin [sa Boracay] pero one day lang yun. Kinasal lang kasi yung best friend ko, nag maid-of-honor lang.” Dagdag pa niya, “Yun yung one day lang. Bitin, sobrang bitin kasi yung family ko nandun dun lang. Ang pangit nung feeling na lahat sila tanghali magigising at kayo may maagang flight pauwi parang ganun pero okay naman at least may time to bond with friends and family.”

Para sa paparating na Valentine’s Day, may plano ba sila ni Phil? “Hindi ko na lang sasabihin pero siyempre may mga pasabog si Phil na hindi ko alam kung masisingit.

Comments
Maricris Siriban
2/2/2013 3:10 PM
Hi po to all! gusto ko po sana maging parte ng showbiz,gusto ko po mag artista tulad ni Angel Locsin. pangarap ko po kasi ito mula pa bata ako pero hindi ko po alam kung kaylan ko maabot ang aking pangarap na maging isang artista... sana po matulungan nyo po ako marating ito. thank you.

j b
1/25/2013 9:47 AM
PLEASE SANA MAY TELESERYE NA SI ANGEL LOCSIN DAHIL SA wala syang show DI AKO MASYADONG BABAD SA ABS!!! ANgel lOcsin for new teleserye pls,...i LIke JEricho Rosales And DEnnid TRillo!!pls. pls. pls. ABS CBN AI angel locsin ang Lucky Charm nYo!!angel angel

j b
1/25/2013 9:45 AM
tungkol nman sa pag kakaroon nya ng role bilang ina minsan kc nkakalimutan ng tao ung mga projects nilang di tumatak sa kanila!!pero in a movie nman 1st tym talaga!!

j b
1/25/2013 9:43 AM
dpat si angel locsin ang Darna kc xa tlga mganda and magaling! Kay ANgel Locsin lang binibigay ang mga mahal na Teleserye!!kc she's doing it w/passion and nagugustuhan ng viewers!!

karylle Reyes
1/24/2013 10:56 AM
@ Mariano Rivero : Kung baluga ako ako naman sa tingin mo! Aber. . . Kung ayaw mo kay Angel hindi eto ang space para sa iyo. . . May tawag jan INSECURITIES dahil malamang wala ka sa kalingkingan ng isang ANGEL LOCSIN. . . .

Mariano Rivero
1/23/2013 9:59 PM
Ateng balugz, naghahasik ka rin pala ng lagim dito. Medyo matino lang yung username mo dito. You just can't get over Angel. Iba talaga ang karisma niya no? Aminin.

karylle Reyes
1/23/2013 10:17 AM
ABS CBN Execs. . . . wala na ba kayong bagong ibibgya na role kay ANGEL kundi puros movie. . . why not try to pair her with COco Martin or Diet kasi ang mga pang level nito ay to the highest level may kalidad at masasabi mong di mo dapat itapon actually na mimiss na namin si ANGEL sa TV nakaksawa na puros paulit ulit na lang yong ibang actors and actress ninyo pwede iba namang role para kay ANGEL sayang ang galing ng batang eto!

swanie cruz
1/23/2013 2:26 AM
Abs please we need a new face for darna not angel tapos na sya dun tanda na sya tfc subs kmi from london iba nman para mas exciting partner nyo sya sa mga matured actor dun sya bagay ke diether o piolo bgay sya dun

yana makarina
1/23/2013 2:09 AM
well,Noong una kay jessy mendiola sana ibibigay yung darna kasi sexy & fresh siya,And now gusto niyo si angel for maria mercedes pero i've read na si jessy mendiola ulit ibibigay yung maria mercedes.

Aresmis li
1/22/2013 10:29 PM
MAHAL NAMAN KITA ANGEL. FAN MO TALAGA AKO. i just feel really disappointment whenever you say BAGO YUNG "MOTHER ROLE" MO SA **ONE MORE TRY**. its not bago angel. did you forget na gumanap kang MOTHER sa Philippine Adaptation ng popular korean series na ONLY YOU???

Page: 1 2
Post A Comment
Comment: