ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
8222 vote/s out of 18134
45% Vote

B. Fourth at Fifth
3514 vote/s out of 18134
19% Vote

C. Daniel
1907 vote/s out of 18134
11% Vote

D. Vickie
1288 vote/s out of 18134
7% Vote

E. Joshua
3203 vote/s out of 18134
18% Vote

Total Votes: 18134

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Kris Aquino: 'Tatlo ang nagpapakilig sa akin'

1/21/2013 12:10 AM

by: Bernie Franco

Push This

012113-kris_main.jpgNagsalita kahapon, January 20, si Kris Aquino sa The Buzz hinggil sa mga mapanirang tweets sa kanya ng ilang netizens na umano’y pinaratangan siyang “malandi, walang kwentang ina, [dapat] mahiya, parang pinulot sa beer garden.”

Pagtatanggol ni Kris, hindi siya dapat husgahan ng kahit sino kung anong uri siyang ina dahil dalawa lamang ang maaaring manghusga sa kanya sa pagiging ina, at ito ay ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Joshua.

Ibinahagi rin ni Kris ang usapan nila ni Bimby at ang pagsasabi sa kanya ng kanyang bunso na mahal siya nito dahil sa pag-aalaga sa kanilang dalawang magkapatid at nagtatrabaho ito para sa kanila.

Tatlong taon na raw mula nang maghiwalay sila ng kanyang ex-husband na si James Yap at hindi raw siya gumawa ng hindi maganda pagdating sa pakikipagrelasyon. Kung mayroon man daw umaakusa sa kanya na pagiging masamang ina, hinamon niya ang mga ito na patunayan ito.

Sabi pa ni Kris mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang mga anak at ipinagsasabay ang pagiging ina at pagiging breadwinner.

Bigla naman naging magaan ang usapan nang hinimok ni Boy Abunda si Kris na pag-usapan ang tungkol sa bagong crush ng Queen of All Media. Ani Kris, humingi siya ng permiso sa mga anak niya kung pwede ba siyang kiligin na sinang-ayunan naman ng kanyang mga anak.

Kahit sinasabi ko po na okay na ako na ganito, maligaya kami ng mga anak ko, siyempre naman, at the end of the day, especially when Bimby gets married, I want a partner,” pag-amin ni Kris. “It’s not wrong to wish for that. Hindi naman masama na mag-pray for a happily ever after.”

Isa namang rebelasyon ang sumunod na inamin ni Kris. “To set the record straight, tatlo ang nagpapakilig sa akin. Maganda na tatlo sila. Text-text lang muna,” at sabay tawa niya. Normal lang daw at natural ang kiligin araw-araw.

Natutuwa raw siya na kapag live niyang ginagawa ang Kris TV tuwing Lunes, pagpasok niya sa kanyang dressing room ay makikita niyang may nag-text sa kanya na nagsasabing pinanood siya ng nagpapakilig sa kanya.

Biro pa ni Kris, kung ngayon ay text-text na muna, “Later on siguro chat-chat, FaceTime-FaceTime.”

Comments
Nestor Jazul
1/24/2013 8:47 AM
Kong sino man ang my sabi na si kris na walang kwentang ina, manalamin muna siya bago mag sabi kong ano anong panira, ingit lang yon wag nalang patulan.

Nestor Jazul
1/24/2013 8:47 AM
Kong sino man ang my sabi na si kris na walang kwentang ina, manalamin muna siya bago mag sabi kong ano anong panira, ingit lang yon wag nalang patulan.

Sara Marco
1/22/2013 6:51 PM
Sira ulo na lang ang magsabi na ala kuwentang ina si Kris dahil kitang kita naman kung pano nya alagaan ang mga anak nya ..natural lang naman na magkacrush sya ..marami talagang inggitera sa mundo at iisa na yung nagsabi na ala syang kuwentang ina

Amanda Rivera
1/21/2013 3:36 AM
Ignore them. Be happy always. I wish you have a daughter pa because you are a good mother and your life will be complete.

Amanda Rivera
1/21/2013 3:29 AM
19741024

vill fortune
1/21/2013 12:16 AM
Kris,wag mo ng patulan ang mga walang kwentang paninira much better tawanan mo nalang.hehehe:-)

Post A Comment
Comment: