ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
7710 vote/s out of 16895
46% Vote

B. Fourth at Fifth
3228 vote/s out of 16895
19% Vote

C. Daniel
1777 vote/s out of 16895
11% Vote

D. Vickie
1215 vote/s out of 16895
7% Vote

E. Joshua
2965 vote/s out of 16895
18% Vote

Total Votes: 16895

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Tina Paner says she is also a victim in the plane ticket scam

1/21/2013 12:05 AM

by: Bernie Franco

Push This

012113-tina_main.jpgKamakailan ay pumutok ang balitang sangkot ang dating sikat na singer-actress na si Tina Paner. Diumano’y nagbenta ng pekeng plane ticket si Tina sa mga kababayan niya sa Barcelona, Spain at pagkatapos ay tinakbuhan umano ang mga ito. Doon kasi naka-base si Tina at nagtatrabaho.

Sa The Buzz nitong linggo, Enero 20, ay inere ang interview ni Boy Abunda kay Tina na nagpaliwanag hinggil sa isyu. 

Isa rin naman akong biktima,” bungad ng dating singer-actress. “E, ‘yung nangyaring ‘yan na scam, that was last year July. May inilabas na offer na Barcelona-Manila (at) Manila-Barcelona (flights) sa murang halaga.” Nagkakahalaga umano ang mga tiket ng 685-700 euros.

Isa raw commission agent si Tina kaya gaya ng iba pang commission agents, ibinenta nila ang tickets mula sa travel agency. Ang sumunod na raw nilang nalaman ay ang balitang peke pala ang mga ipinabentang tiket sa kanila. 

“So maraming Filipinos ang nagrereklamo. So ako sa sobrang takot ko at that time, syempre kahit paano kilala pa rin ako sa Filipino community, ang ginawa ko para hindi magreklamo sa akin ‘yung mga clients na bumili (ng tiket sa akin), bumili ako ng panibagong ticket na double the price nung binili nila sa akin.” Hindi raw ipinaalam ni Tina ang nangyari at basta ang alam ng mga kliyenteng ito ay makakalipad sila. 

Umabot raw sa 100 ang nakalipad hanggang December 2012. Naubos daw halos ang savings ni Tina. Nang tanungin ni Boy si Tina kung hindi ba niya hinabol ang may-sala, ang tanging sagot ni Tina, “The problem is wala na siya.” 

May mga natitira pa raw pasahero na inirereklamo siya dahil may natitira pang mga 20 passengers na nagbayad sa kanya at ang schedule ng flights ay ngayong Enero hanggang March 2013. Ang ibinayad daw sa kanya ng mga natitirang kliyenteng ito ay ang perang ginamit naman ni Tina sa mga unang lumipad. Inisip raw ni Tina na since may oras pa sa mga na-schedule pa lang na lilipad ngayong taon, ay kaya pa niyang gawan ng paraan.

Nilinaw ni Tina sa interview sa kanya na hindi raw niya tinatakbuhan ang mga kliyente niyang ito. “Di ako nagtatago,” paglilinaw niya. Nanahimik daw siya dahil may mga natanggap siyang mga death threats at ang anak pa raw niya ang nakakatanggap ng mga tawag ng mga galit na kliyente at nagbitiw pa raw ng mga pagbabanta sa buhay ni Tina at sasaktan kapag siya ay nakita. Bilang ina raw, natural lang na unahin ni Tina ang seguridad ng anak. 

May mga nabayaran na raw si Tina sa mga kliyente niya at nakatanggap siya ng mga mura at galit sa mga ito. Aminado si Tina na mayroon siyang pagkakamali. 

Ang mensahe naman ni Tina sa mga natitira pang kliyente na hindi pa niya nababayaran, “Wag ho kayong mag-alala, kung anuman ang responsibilidad ko, kung anuman ang dapat kong ibalik sa inyo, ibabalik ko sa inyo. Hindi man buo, hindi man ngayon, basta ipinapangako ko ibabalik ko at ibabalik ko.” 

Ibinahagi rin ni Tina na sinikap niyang solohin ang problema subalit dumating sa puntong hindi na niya ito kayang dalhin mag-isa kaya sinabi na niya ito sa kanyang kaibigan, sa pamilya at sa ibang kakilala. 

Naging emosyunal sa puntong ito si Tina dahil napagtanto raw niya na sa panahon ng kagipitan ay malalaman ang mga tunay na maaasahan at kung sino talaga ang nagmamahal sa kanya.

Naitanong din ni Boy kay Tina kung magbabalik-showbiz ba siya ngayong nasa bansa uli siya. “Right now nage-enjoy ako here. For the work I still don’t know. 

Bilang panawagan sa mga tagahanga ni Tina, sinabi nito, “Sana matanggap n’yo pa rin ako kung anuman ang meron ako for them.”

Post A Comment
Comment: