ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
12084 vote/s out of 27737
44% Vote

B. Fourth at Fifth
6078 vote/s out of 27737
22% Vote

C. Daniel
3051 vote/s out of 27737
11% Vote

D. Vickie
2070 vote/s out of 27737
7% Vote

E. Joshua
4454 vote/s out of 27737
16% Vote

Total Votes: 27737

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Vice Ganda admits that he said that he didn't want 'Sisterakas' to beat 'Praybeyt Benjamin'

1/20/2013 10:37 PM

by: Krissa Donida

Push This

012113-vice_main.jpgSa pagkakahirang ng pelikulang Sisterakas bilang highest grossing Filipino movie of all time, kinuha ng Push.com.ph ang reaksiyon ng dalawang bida sa pelikulang ito na sina Kris Aquino at Vice Ganda. Ang Praybeyt Benjamin ni Vice ang dating highest grosser. “Masaya na rin kesa iba pa,” aniya.

May mga intriga kasing sinasabi daw ni Vice na sana hindi matalo at sinabi ko sa tao na yun na we are so open with each other na actually nasabi niya sa akin yan. Pero mas maganda na yung sinabi niya ngayon na mas okay nang ikaw ang tumalo sa sarili kesa ibang makatalo sa iyo,” sagot ni Kris.

At inamin din naman ito ni Vice. “Gusto ko Benjamin pa rin kasi baby ko yun e pero kung matatalo okay na okay lang sa akin kasi at least kami pa rin, pelikula ko pa rin.” “Sa akin ganun kami ka-open talaga and that is why we are friends because we can tell each other everything,” dagdag ni Kris.

Naging diretso din ang sagot nila sa kung may aabangang part two o sequel ang Sisterakas. Diretsong “no” ang naging sagot ni Kris dito, at sa panig naman ni Vice, “Ako, hindi na kasi nga ayaw na niya. Part two kung magsasama-sama na kami, ibang material na para hinid paulit-ulit e. Yun yung napatunayan namin dito e ayaw ng Pilipino na paulit-ulit.”

Hindi naman napigilan ni Kris na mag-react sa sagot na ito ni Vice, aniya, “Parang ako tuloy yung kontrabida na ayaw na niya pero gusto ko lang klaruhin na ang hirap ulitin nung experience. Kaya tayo kumita kasi unique yung pinakita natin. Mahirap nga magbigay ng repeat experience lang. You want to give them something unique every time.”

Ibinahagi din ng magkaibigan na pangarap nilang magkaroon ng sarili nilang sitcom, ngunit tila nagbago na ang isip ni Vice tungkol dito. Aniya, “Hindi na, nagbago na ang isip ko. Bago siya pumunta ng America ang sabi ko ay cute na magka-sitcom, ano ba yung peg natin? Two Broke Girls or Will and Grace. Pero narealize ko na hindi ako nagsisitcom para inaabangan nila yung movie ko. Siguro pag nasa TV, mas gusto lang nila na naghohost ako, nagpapatawa na talak ng talak lang tapos iba yung ginagawa sa movie baka hindi nila panoorin.” Kaya naman ang reaksiyon ni Kris tungkol dito, “O, ‘di hindi na, that’s life.”

Kinumpirma din ni Kris ang pagtanggi niya sa paggawa ng pelikula ngayong taon na ito at ang dahilan ng Queen of all Media dito, “Yes, pahinga na muna for 2013. I don’t know what’s in store for 2013 pero ayaw ko na. I don’t want to push my luck. God has been so good I think its best to go and take a rest muna habang you’re living on top.”

Sa isang panayam kay Kris sinabi niyang kapag kumita ang Sisterakas, ibibigay niya ang kanyang bonus sa kaibigan at co-star din sa pelikulang si Ai-Ai de las Alas. Pinanindigan naman ito ni Kris. “I was telling her tapos iclear ko itong check kasi medyo malaki gastos ko tapos sabi niya huwag na, huwag na pero hati na kami.” At sa tanong na tulong niya ba ito sa bibilhing Porsche ng kaibigang si Ai-Ai, “Hindi na niya kailangan ng pang-down ang yaman na niya sa laki ng kinita niya grabe. OA mayaman na siya.”

Post A Comment
Comment: