ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Aling 2014 celebrity engagement ang pinaka bongga para sa iyo so far?
A. Airport proposal ni JC Intal kay Bianca Gonzalez
457 vote/s out of 5156
9% Vote

B. Flash mob proposal ni John Prats kay Isabel Oli
4150 vote/s out of 5156
80% Vote

C. Ang last dance on-air nina Dingdong Dantes at Marian Rivera
417 vote/s out of 5156
8% Vote

D. Resort get-away ni Chiz Escudero and Heart Evangelista
132 vote/s out of 5156
3% Vote

Total Votes: 5156

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Jessy Mendiola is open to the possibility of becoming closer to Matteo Guidicelli

1/18/2013 9:33 AM

by: Bernie Franco

Push This

011813-jessy_main.jpgMasaya si Jessy Mendiola sa success ng kanyang afternoon teleserye na Precious Hearts Romances Presents Paraiso. Initially ay three months lang daw ang airing period ng nasabing afternoon teleserye pero aabot na ito sa pang-anim na buwan. “Nakakatuwa lang kasi tinanggap talaga siya nang sobra,” ani Jessy nang ma-interview siya kamakailan.

Natanong din ang aktres kung ano ang pakiramdam na medyo sexy ang role niya sa kanyang current project. “Nao-overwhelm lang ako sa sinasabi nila kasi parang first time lang nila ako makita umarte ng ganon. First time nila ako makita na daring [ang] role, but at the same time innocent pa rin, naive pa rin,” paglalarawan ni Jessy sa karakter niya.

Hindi lang ang pagiging sexy ang lumevel up kay Jessy with Paraiso kundi pati na rin ang closeness nila ng kanyang leading man na si Matteo Guidicelli. “Masaya naman kami ni Matteo. Kasi kami ni Matteo, ‘di kami close nung nagsimula kami. Pero ngayon andami na naming alam sa isa’t-isa. Tipong magkatinginan lang kami alam na namin kung ano ang sasabihin ng isa, parang ganon.

Gaya ni Matteo, hindi naman daw sarado ang pinto ni Jessy na mas lumalim ang kanilang pagtitinginan, kaya lang, hindi ito ang kanilang prayoridad. “Siyempre since maganda ang 2012 namin, gusto ko sana ang 2013 mas ma-surpass ko pa ‘yung 2012. So for me sa ngayon mas maganda kung work na lang talaga muna. Pero ‘yun nga, we are not closing any doors and sa ngayon naman ang pinaka-close kong friend talaga is Matteo.”

Inilahad naman ni Jessy kung ano ang mga nagustuhan niya kay Matteo. “Gusto ko ‘yung napaka-disciplined niya pagdating sa pagkain, workout at trabaho. Willing siya to wait, willing to learn more. Tapos mahahalata naman sa kanya na willing siyang gawin ‘yung mga bagay na ginagawa mo. Nagkukuwentuhan kasi kami kunwari tungkol sa love life. Sabi niya ‘yung babaeng kasama niya [dapat] magugustuhan ang ginagawa niya.

Marami ang nakapansin na very active ang lifestyle ngayon ni Jessy. Hindi man niya itinanggi na may impluwensya rito si Matteo, personal choice na rin niyang magkaroon ng healthy lifestyle. “Mostly ang inspiration na ‘yon. Siyempre gusto ko ring gumanda ‘yung katawan ko. Pag nakikita ko kasi lagi sa set palaging naka-topless, palaging macho [si Matteo]. Nakakainis naman tapos ako leading lady hindi man lang nage-effort. Ayun na nag-start na ako mag-work out marami na akong na-lose na weight simula nung Sabel (2010).” 

Post A Comment
Comment: