ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
7976 vote/s out of 62776
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3297 vote/s out of 62776
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
31621 vote/s out of 62776
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
19882 vote/s out of 62776
32% Vote

Total Votes: 62776

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Angelica Panganiban is just happy about her professional and personal life

1/17/2013 9:10 AM

by: Krissa Donida

Push This

011713-angelica_main.jpgSa thanksgiving party na ginanap kamakailan para sa top two movies ng 2012 Metro Manila Film Festival na One More Try at Sisterakas, nakapanayam ng Push.com.ph si Angelica Panganiban tungkol sa success ng kanyang pelikula. Maliban sa pangalawa ito sa may pinakamalaking kita sa mga pelikula ng MMFF, nanalo pa ng maraming awards One More Try kabilang na ang Best Picture. “Masayang, masayang, masaya. Masaya talaga na nakakatuwa talaga kasi usually sa ganitong mga MMFF sobrang bihirang masuportahan yung ganung tema ng pelikula. Ang gusto talaga ng mga kapamilya natin makapanood ng horror o fantasy lalong-lalo na yung comedy kaya nakakagulat at nakakaproud na nag-number two kami.”

Marami rin ang nakapansin sa galing ni Angelica sa pelikulang ito na nakakatanggap ng maraming positibong papuri. “Nakakatuwa siyempre kasi ang sarap ng feeling na naa-appreciate ng tao yung nakita nilang performance ng lahat ng artista. Hindi lang yung sa akin. And I don’t think naman na maabot ko yung ganung performace kung hindi dahil sa performance nila.

Sa lumipas na Pasko at Bagong Taon, nakapagbakasyon siya kasama ang kanyang pamilya at ang pamilya ng kasintahang si John Lloyd Cruz. Ibinahagi naman niya ang ilang photos ng ito sa kanyang Instagram at Twitter account na ikinatuwa ng nakararaming nakakita at nakabasa ng kanyang mga updates. “Masarap yung ganung experience na parang walang ka-effort-effort na close lahat. Na close yung family ko, close yung family niya. Masarap saka nakaka-overwhelm, parang nakakagulat na pwede pala yung ganun, na ganun kasaya.”

Para kay Angelica, ito ang pinakamasayang Pasko at Bagong taon niya sa likod ng mga kontrobersiya at isyu na kanyang ikinaharap. “Oo, masaya talaga and ganun naman talaga na gusto kong isipin every year na masayang-masaya. Ayaw ko naman isipin na mas masaya yung ganito na wala namang nangyayari.” At sa lahat ng mga magagandang nangyari sa buhay ni Angelica ngayon, personal man o propesyunal, natanong ng Push kung may maihihiling pa ba siya. “Well sa mga personal na bagay marami pa naman, marami pa akong gustong ma-achieve or masettle, maayos. Pero so far kung ano yung mga naachieve ko sa career ko, hindi ako makapaniwala na nakaabot ako sa ganito na 20 years na ako. Hanggang ngayon tinatangkilik pa rin ako ng mga tao at habang patagal ng patagal maganda ang pagtanggap sa akin ng mga tao.”

At sa pagpasok ng bagong taon, ilang mga magagandang balita na ang nakahapag para sa kanyang mga tagahanga at taga-suporta. “Siyempre yung Apoy sa Dagat malapit na kaming ipalabas. Yun naman excited kaming lahat at naniniwala naman ako na maraming excited kasi matagal na akong ‘di napapanood sa Primetime, sa soap opera gabi-gabi nagiiyakan sa kanila at excited ako sa pagtanggap sa magiging suporta ng tao.” Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, aniya, “Well so far kung ano yung meron ngayon gusto ko tuloy-tuloy lang siya.

Sari-sari din ang mga prediksyon at hula kay Angelica sa pagpasok ng 2013 at isa na dito ay diumano na maghihiwalay sila ni John Lloyd. “E siyempre iba naman yung opinyon ng ibang tao sa prediksyon nila. Iba naman yung meron kami. At kami lang din naman ang makakapagsabi nun kung ano yung meron kami at hindi naman maganda na bigyan namin ng limit kung ano yung meron kami. At naniniwala kami na kung ano yung meron kami, gusto namin sana ito na talaga.”

Comments
poun jeoux
1/29/2013 7:53 PM
I am so curious how did the Ramseys take Angelica for a long time. Sorry girl, wala ka lang talagang breeding.. why? tingnan mo nga ang mga kaibigan na nagtitiyaga sayo, karamihan ay bading kasi sila lang ang nakaka ride sa ugali mo - di maka ride sayo ang mga normal na babae around you

Post A Comment
Comment: