Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kris Aquino's new pixie cut hair style
A. Love it!
3202 vote/s out of 3905
82% Vote

B. Hate it!
703 vote/s out of 3905
18% Vote

Total Votes: 3905

Ella Cruz clears up rumors that Jerome Ponce is courting her

1/17/2013 9:06 AM

by: Bernie Franco

Push This

011713-ella_main.jpgSa magandang itinakbo ng showbiz career ni Ella Cruz sa 2012, umaasa ang young actress na magpapatuloy ito ngayong 2013. “Ang dami ko pong nakilala dahil sa Aryana at ang dami ko rin pong natutunan sa kanila,” ani Ella sa farewell press conference ng nasabing teleserye na nalalapit na ang pagtatapos. “Sana po ngayong 2013 mas gumanda pa po ‘yung nangyayari sa buhay ko po.

Wala pa raw siyang alam tungkol sa kasunod na teleseryeng gagawin niya after Aryana pero kasama raw si Ella sa upcoming movie nina Coco Martin at Julia Montes, ang A Moment In Time.

Samantala, nali-link ngayon si Ella kay Jerome Ponce, o si Luke ng Be Careful With My Heart. Kinumpirma rin niya na mga dalawa o tatlong beses na siyang binibisita ng binata sa set ng Aryana. “Matagal na po kaming magkakilala kasi ‘yung mother niya at si mama ko po college friends sila nung bata sila. Recently, nung nag-ASAP do’n nagsama-sama ulit kami,” lahad niya.

Minsan daw magka-text sila habang nasa Taytay, Rizal ang location nina Ella. Dahil malapit lang sa location ang bahay nila Jerome noon na maagang na-pack-up ang taping for Be Careful With My Heart, nag-request si Ella na ibili siya ng food, na ginawa naman ng binata. Nagulat at ikinatuwa naman ito ni Ella.

Sa tanong naman kung siya ba ay nililigawan, ang sagot ni Ella, “Hindi namansiguro pumuporma lang.”

Aniya, ayos lang sa kanyang mga magulang na dalawin siya sa isang kondisyon. “Basta alam ni mama na may ganun nangyayari.” Dagdag pa niya, hindi pa raw muna siya pwedeng dalawin sa kanilang bahay.

Comments
K23 tang
2/3/2013 6:14 PM
ayy bat ang feeling sumagot ni ella hahaha

sheilla llanos
1/17/2013 5:48 PM
hi poe ..

Post A Comment
Comment: