ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

After Jane, Mariz and Manolo, sinong ex-PBB All In Housemate ang next na gusto mong gumanap sa MMK?
A. Loisa
13538 vote/s out of 30699
44% Vote

B. Fourth at Fifth
6946 vote/s out of 30699
23% Vote

C. Daniel
3320 vote/s out of 30699
11% Vote

D. Vickie
2234 vote/s out of 30699
7% Vote

E. Joshua
4661 vote/s out of 30699
15% Vote

Total Votes: 30699

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Gerald Anderson: 'Kung bibigyan po ako ng chance ni Maja, I'd love to get to know her better'

1/15/2013 9:46 AM

by: Bernie Franco

Push This

011513-gerald_main.jpgHumarap si Gerald Anderson kay Boy Abunda sa The Buzz para sa isang interview hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng binata. Kasalukuyan na namang under fire si Gerald dahil sa pagkaka-link niya kay Maja Salvador, na best friend ni Kim Chiu, na former girlfriend ni Gerald. 

Sa press conference kamakailan ng Book 2 ng Ina Kapatid Anak, na kinabibilangan nina Kim at Maja, ay sinabi ni Kim na dahil sa nangyaring pagkakamabutihan nina Maja at Gerald ay nasayang ang pagkakaibigan ng dalawang aktres. 

Sa interview ni Boy kay Gerald, binuksan ng King of Talk ang pag-uusap sa isang biro na sangkot na naman si Gerald sa intrigang may kinalaman sa pag-ibig. Tanong ni Boy kay Gerald, kung hindi na ba siya naaapektuhan sa tuwing ito ang nagiging paksa tungkol sa kanya. Mabilis na sagot ni Gerald, hindi raw siya masanay-sanay pero sa tuwing haharap siya sa intriga, mas nagiging matibay na umano siya kesa sa naunang intrigang hinarap. 

Pinag-usapan ng dalawa ang Misibis date na nangyari sa Albay. Kinumpirma naman ni Gerald ang lahat ng naunang sinabi ni Maja tungkol sa una nilang pagsasamang iyon. Nagkasama sila ni Gerald na isang promotion sa Davao sa kanilang previous movie na 24/7 In Love. Iminungkahi ni Maja kay Gerald ang Misibis ay  magandang puntahan. Nang magkaroon ng plano si Maja kasama ang kanyang mga pinsan na pumunta sa Misibis ay niyaya niya si Gerald. Pumayag si Gerald at niyaya naman niya ang kanyang mga kaibigan at doon ay nagsama ang kanilang grupo at nag-bonding.

Tinanong ni Boy si Gerald kung nililigawan na ba niya si Maja. Nagpaliwanag naman ang aktor kung paano niya napagtanto na may gusto na siya kay Maja. Nang magpunta umano sila sa Misibis, hindi pa umano sila close ni Maja at ang pagkakataong iyon ang nagsilbing paraan para makilala nila ang isa’t isa. “Parang nakita ko sa kanya na parang, wow, parang masaya siyang kasama,” lahad ni Gerald kay Boy. “Charming, mabait, nage-enjoy ako na kasama siya. When we came back, being single and matagal na rin po akong single, and siya din single siya, at that time, kumbaga parang ano’ng masama kung yayain ko siyang lumabas or anong masama kung pwede kaming magkaroon ng pagkakataon na makilala namin ang isat-isa?

Sa madaling salita, nagbabalak na si Gerald na ligawan si Maja, subalit bago pa man daw niya ito isagawa ay naunahan na ito ng mga intriga, akusasyon at paninira. “It got blown out of proportion again,” ani Gerald. “Di pa kami nagdi-date, 'di pa kami lumabas na kami lang dalawa. Yeah, I would love to (court Maja) kung bibigyan niya ako ng chance. Kung bibigyan po ako ng chance ni Maja, I’d love to get to know her better, na mas makilala namin ang isat-isa,” diretsong sagot niya.

Narinig din daw niya ang kwentong nagpaalam si Maja kay Kim at para kay Gerald, iyon ay indikasyon ng pagbibigay respeto sa isang kaibigan. Alam din daw ni Gerald na sensitibo ang sitwasyon.  

Sa kabila man daw ng tila pagkakalabuan ng pagkakaibigan ng dalawa, umaasa naman ni Gerald na malalampasan ng magkaibigan ang pagsubok na ito dahil matured naman mag-isip ang dalawa. 

Tatlong taon na raw silang hiwalay ni Kim at sa mahabang panahong iyon ay naging masaya siya para sa dating girlfriend. Sa naunang pahayag ni Kim na alam ni Maja ang tungkol kay Gerald, sinabi ni Gerald na may kanya-kanya tayong opinion sa mga tao at iyon ay opinion ni Kim sa kanya. 

Kung meron man daw siyang gustong sabihin sa sarili, ito raw ay ang maging masaya sa lahat ng aspeto ng buhay. “Kumbaga ako as a person gusto ko lahat ng tao sa paligid ko gusto ko masaya,” paliwanag ni Gerald. “I do everything para kumbaga mangyari ‘yon and ginagawa ko rin ‘yon para sa mga taong di ko kilala and that feeling is the best feeling in the world.”  

Dagdag pa niya nagkaroon daw sila ng maayos na closure ni Kim dahil nagkausap sila nang maayos. 

Napaka-positive din ng sagot ni Gerald nang tanungin ang mensahe para kay Maja. “Alam n’yo po mas malakas sa akin ‘yon eh. Siguro sa pamilya niya, sa mga taong na sa paligid niya, sa pamilya ko; I’m sorry na dahil lang may nagustuhan akong isang babae, everything is being blown out of proportion. Madaming nadadamay pero mensahe ko lang stay strong, lilipas din ‘to and magiging mabuti tayong tao after this.”  

Sa kabila raw ng nangyaring ito ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagligaw kay Maja. “Tulad ng sabi ko kanina, 'di na po ako bata. I’m making decisions on my own, mali man yon, tama, paninindigan ko. Siguro pag nahanap ‘yung tunay na happiness is when you forget about the opinion of the people na di mo naman kilala. Siguro just stay strong.”  

Comments
T Dizon
1/18/2013 6:51 AM
I'm going to use some precious time to give this cad a piece of my mind. You - Gerald Anderson: you're a liar and you're a jerk. Take that like a man ( if you are one). Any person - be it man or woman - with delicadeza would be indignant with your callousness and arrogance. You strut around like some corrupt politician with a pack of hangers-on who condone and cheer your stupidity. You're disgusting.

poun jeoux
1/16/2013 8:33 PM
Naku Kim, let go of Maja, hindi siya tunay na kaibigan. Walang kwenta na paglaanan ng oras ang taong ganyan. Kakarmahin din yan. Tsaka huwag mo ng ipasama sa teleserye with you yan, nakikiamot pa yan ng rating sayo e nakakainis naman ang acting! Hindi na nga kami nanunuod kapag siya na ang umaarte e :-)

poun jeoux
1/16/2013 8:32 PM
Naku Kim, let go of Maja, hindi siya tunay na kaibigan. Walang kwenta na paglaanan ng oras ang taong ganyan. Kakarmahin din yan. Tsaka huwag mo ng ipasama sa teleserye with you yan, nakikiamot pa yan ng rating sayo e nakakainis naman ang acting! Hindi na nga kami nanunuod kapag siya na ang umaarte

poun jeoux
1/16/2013 8:31 PM
Naku Kim, let go of Maja, hindi siya tunay na kaibigan. Walang kwenta na paglaanan ng oras ang taong ganyan. Kakarmahin din yan. Tsaka huwag mo ng ipasama sa teleserye with you yan, nakikiamot pa yan ng rating sayo e nakakainis naman ang acting! Hindi na nga kami nanunuod kapag siya na ang umaarte e :-)

poun jeoux
1/16/2013 8:24 PM
Boy Abunda should have asked Gerald if he knows what advices Maja gave Kim about him the time Kim was crying on her friend's(?) shoulder. Maja only told Kim, "Gerald is such an idiot! Hiwalayan mo na yan" but then she forgot the line: "para maging akin na lang!" LOL :)

1/16/2013 8:23 PM

1/16/2013 8:22 PM
Of course, Kim has to say okay lang for Maja to date Gerald dahil wala na rin naman talaga sila for years na, pero por delicadeza na lang kay Maja as Kim's best friend na siya pang naging hingahan ng sama ng loob ni Kim during her break up with Gerald at kesyo naging adviser pa ni Kim at that moment. I understand how Kim feels about it. Anyway, may consequences ang lahat ng actions nila, kaya Maja and Gerald will take the worst of it for sure. Hayaan mo na lang sila Kim,they aren't worth ur time

poun jeoux
1/16/2013 8:21 PM

Page: 1 2 3
Post A Comment
Comment: