ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
344139 vote/s out of 1058997
33% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
714877 vote/s out of 1058997
68% Vote

Total Votes: 1058997

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Jessy Mendiola admits she's hurt by accusations thrown at JM de Guzman

1/15/2013 9:45 AM

by: Bernie Franco

Push This

011513-jessy_main.jpgSinabi ni Jessy Mendiola na nagkabatian pa sila ni JM de Guzman noong nakaraang Pasko subalit idinagdag din ng aktres na hindi na sila nagkikita. “Hindi ko na siya nakikita, parang busy ata siya sa indie niya or something,” simula ni Jessy.

Matatandaang last year ay na-link ang dalawa at dumating sila sa puntong nagdi-date pero hindi ito nauwi sa relasyon. Recently ay nadawit ang pangalan ni JM sa mga isyu, kagaya ng pagkakaroon umano niya ng “attitude problem,” dahilan umano para maagang tapusin ang pinakahuli niyang teleserye, ang Angelito: Ang Bagong Yugto. May mga kumakalat ding tsismis na gumagamit umano ang binatilyo ng ipinagbabawal na gamot pero wala namang matibay na ebidensya.

Ipinagtanggol naman ni Jessy ang binata dahil naging magkaibigan naman daw sila. “Nahu-hurt lang ako na may mga ganong isyu sa kanya. Parang ang tingin sa kanya napakasamang tao. Para sa akin mabait din na tao [si JM]. Kung anuman ang pinagdaanan niya ngayon, sa akin mabait siya. So kung bisyo man or whatever, sa tingin ko naman kung bisyo man kaya niyang ma-surpass kung anuman,” ani Jessy.

Di raw nila ito napag-usapan subalit naipayo umano ni Jessy nang makapag-usap sila na magsimula muli si JM dahil mahirap din ang kanilang mga pinagdaanan noong nakaraang taon. “Sabi ko, ‘Alam mo, let’s just forget everything sa 2012 and start a new 2013.’ So I think he’s starting anew. His doing parang recording a new album.” 

Isa rin sa mga itinuturong dahilan kaya raw nawalan umano ng gana si JM na magtrabaho nang ginagawa ang Angelito ay dahil daw sa pagkaka-brokenhearted niya kay Jessy. “Para sa akin kasi kailangan din niyang maging matatag sa sarili niya,” payo ng aktres. “Kung ‘yun lang ang rason parang it’s not even valid enough to do it to himself.” Mayroon naman daw silang number ng isa’t-isa at handa siyang makinig kay JM kung kailangan niya ng kaibigan.

Hindi na raw alam ni Jessy kung posibleng naiimpluwensyahan siya ng mga tao sa kanyang paligid lalo pa’t ang personalidad pa naman daw niya ay madaling hikayatin.

Naniniwala daw si Jessy sa kakayahan ni JM at sa husay nito umarte. Pagpapatuloy niya, marahil ang maagang pagtatapos ng Angelito ay hindi lang siya ang dahilan at marahil ay may iba pang dahilan.

Comments
Carla Vee
1/24/2013 9:25 PM
Totoo naman talaga yung tsismis about kay JM, kaya feeling ko yun din ang reason bakit hindi sila nagkatuluyan ni Jessy. Hindi na lang siguro aaminin ng actor kasi maraming girls ang matu-turn off.

Post A Comment
Comment: