ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Who is your favorite celebrity baby?
A. Baby Zion of Sarah and Richard
8429 vote/s out of 65933
13% Vote

B. Baby Pele of Jolina and Mark
3496 vote/s out of 65933
5% Vote

C. Baby Mela of Melai and Jason
33215 vote/s out of 65933
50% Vote

D. Baby Gavin of Cheska and Doug
20793 vote/s out of 65933
32% Vote

Total Votes: 65933

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Janine Tugonon shrugs off negativity surrounding her love life

1/15/2013 9:37 AM

by: Krissa Donida

Push This

011513-janine_main.jpgSa naging panayam ni Carmina Villaroel ng Showbiz Inside Report kay Miss Universe 2012 First Runner-up Janine Tugonon, ibinahagi ng beauty queen ang kanyang buhay bago pa man ang lahat ng natatamasa niya ngayon.

Laking Bataan si Janine at noon pa man mulat na siya sa mga beauty contest dahil madalas siya sinasali ng lola niya sa mga sagala at Flores de Mayo. Pero inamin ng dalaga na kahit maaga siyang minulat sa ganitong mundo, hindi niya masyadong binibigyang-pansin ang pisikal na itsura. Aniya, “Sobrang hindi [ako conscious] saka medyo mataba din ako noon eh, wala rin sa family namin nagma-makeup, kaya ako rin hindi rin ako nag-aayos.”

Malapit si Janine sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang nakatatandang kapatid na babae at sa kanyang ina. Kwento ni Janine, “Sobrang close kami ni mama ever since. Yung mga nangyari sa school or kung may crush alam ni mama lahat yun. Si mama kasi very ano siya, cool, hindi siya nakikialam ng sobra hinahayaan niyang gumawa kami ng sarili naming diskarte para matuto kami.

Ngunit aminado si Janine na lumaki siyang hindi kapiling ang ama at dahil dito, naging malayo ang loob ng mag-ama sa isa’t isa, “Kasi pinanganak ako wala na siya so hindi ko siya nakasama. Separated sila ng mommy ko, so parang iniisip ko lang ano nangyari, bakit nagkaganon.”

Kamakailan na lamang nang nagkaroon sila ng pagkakataon ng kanyang ama na makapag-usap sa kadahilanang may sarili na rin itong pamilya. Ngunit kahit hindi sila malapit sa ama, kailanman ay hindi nagtanim si Janine ng galit at sama ng loob. “Si papa medyo hindi siya ma-emosyonal na tao tahimik rin lang yun eh. Pero iniinvite ko siya pag kunyari may pageant, pumunta din siya sa Las Vegas kahit may sakit rin siya pumunta siya. Wala namang galit, kasi si mama rin hindi rin kami tinuruan magalit.

Nang nagkainteres na ang publiko sa kanyang personal na buhay, hindi kailanman tinago ni Janine na may karelasyon na siya na si Jaypee Santos. Sari-saring negatibong reaksiyon ang natanggap nila lalo na sa kasintahan ni Janine na umabot pa sa pagkwestiyon sa sekswalidad ni Jaypee. Ito ang isang bagay na inamin ni Janine na ayaw na ayaw niya. Aniya, “Yun talaga ayoko. May sarili akong desisyon alam ko kung sino yung binigay ni Lord, kilala ko yung taong pipiliin ko.

Dahil sa angking galing, talino at ganda ni Janine, tila maraming lalaki ang biglang nagpaparamdam at nagpapakita ng kanilang paghanga sa dalaga. “Nakaka-overwhelm din pero yun nga lang I’ve already chosen my partner, my future partner so just be happy.”

Catch Showbiz Inside Report every Saturday after It’s Showtime.

Post A Comment
Comment: