ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sinong J ang bagay ka-love team ni Jane Oineza?
A. Jeron Teng
6787 vote/s out of 11180
61% Vote

B. Joshua Garcia
1761 vote/s out of 11180
16% Vote

C. Jerome Ponce
2632 vote/s out of 11180
24% Vote

Total Votes: 11180

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

BB Gandanghari believes brother Robin Padilla will accept her new identity

1/13/2013 9:53 PM

by: Bernie Franco

Push This

011413-bb_main.jp.jpgKamakailan ay umuwi sa Pilipinas from the US si BB Gandanghari at inilahad ang mga malalaking developments sa kanyang buhay. Una na rito ang plano na palitan ang kanyang pangalan. “Name-change is on the way, I’m working on it,” ani BB sa panayam sa kanya na ipinalabas sa The Buzz. Aniya pa, ang pagpapalit ng pangalan ay normal na sa US at hinihintay na lang umano niya ang pagbabago ng status niya to citizenship at isusunod na ang pagpapalit ng pangalan sa Binibini Gandanghari.

Sinimulan na rin umano ni BB ang proseso ng sexual reassignment o sex change. Sa ngayon daw ay kumukunsulta siya sa isang psychologist to make sure na handa na siya. “More on psychological nga eh, psychological thing is a long process. There was a time na minamadali ko (ang sex change). Ang ano sa ‘kin, take it easy, darating sa punto na ‘yon.”

Recently rin sa press conference ng upcoming teleserye ni Robin Padilla, mas optimistic ang  aktor ngayon sa kanyang mga binitawang salita pagdating sa kapatid na si BB. Alam naman ng lahat na 'di sang ayon ang pamilya nina Robin sa pagpapalit ng kasarian ni BB, pero ani ng action superstar recently ay wala raw kailangang maganap na reconciliation sa kanila dahil kapatid niya si BB at may respeto ito sa kanya.
 
Umaasa rin ni BB na magkaayos silang magkapatid. “Kung meron akong hope na magkaayos-ayos, isa ‘yon kasi nakaka-miss ang mga family reunions na 'di nangyayari ever since na nagkaroon ng gap na ganito. I know there will come a time na magsi-sink in din sa kanya ‘yung mga pangyayari,” ani BB na dating kilala bilang aktor na si Rustom Padilla.  

Comments
Florilyn Cade
1/16/2013 2:36 AM
I hope he won't regret it later in his life. And I hope he will be more careful in his sexual activity coz he might end up getting AIDS.

Post A Comment
Comment: