ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Sino ang PBB All In Big Winner mo?
A. Daniel
7038 vote/s out of 34205
21% Vote

B. Jane
14407 vote/s out of 34205
42% Vote

C. Loisa
3901 vote/s out of 34205
11% Vote

D. Maris
7223 vote/s out of 34205
21% Vote

E. Vickie
1636 vote/s out of 34205
5% Vote

Total Votes: 34205

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Matteo Guidicelli on Jessy Mendiola: 'Jessy and I are very, very close as friends.'

1/12/2013 2:43 AM

by: Bernie Franco

Push This

011213-matteo_main.jpgAminado si Matteo Guidicelli na medyo naninibago pa rin siya sa kanyang sexier image sa Precious Hearts Romances Paraiso dahil malayo ito sa totoong personalidad niya. “Oo, medyo iba. Ako nga ‘di ako sanay sa mga ginagawa ko, pero in character lang. Pagkatapos ng taping nakakalimutan ko na ang mga ginagawa ko,” ani Matteo. “It’s very different from who I am in real life. It’s a different side so ‘yun, so iba.”

Kinumusta rin sa actor-athlete ang relasyon nila ng kanyang leading lady sa Paraiso na si Jessy Mendiola. Matatandaang noong nakaraang taon ay na-link din ang dalawa sa pagsisimula ng kanilang teleserye. “We’re good, masaya. Matagal na kaming ‘di nagkita kasi mahaba ‘yung bakasyon pero she did her own thing but we’re going to see each other again next week,” aniya sa pagsisimula uli ng taping nila.

Inamin niyang mas naging close sila bilang magkaibigan.  “Jessy and I are very, very close as friends; we’re good friends. We talk about everything and anything. She’s really nice. Everything is good.”

Sa posibilidad naman na ma-develop sila sa isa’t-isa dahil sa pagtatrabaho nila together, sagot ni Matteo, “I just give everything I have and what I should give and after that, so far, we’re just friends. Di ko alam kung ano’ng mangyayari pagkatapos no’n.”

Taglay din daw ni Jessy ang mga katangiang magugustuhan niya sa isang babae. “Yeah, yeah, there’s a lot. Jessy is a very delicate girl and she’s very smart. If you get to talk to her, malalim siyang tao. She reads a lot, so she knows a lot of things about the philosophies. She’s willing to learn. Kumbaga she didn’t know how to swim before. Ngayon marunong siyang lumangoy and now she’s more into fitness, [and is] now into diet.”

Tinukso naman si Matteo na baka na-inspire si Jessy sa kanya na healthy and active living. “Ewan ko sa kanya pero it’s nice to see these things, especially she’s working [out] now, she’s more into diet, she’s eating healthy food ganyan.”

Paminsan-minsan daw ay lumalabas sila ni Jessy pero kasama ang ibang miyembro ng kanilang teleserye. Ang huling labas daw nila ay bago mag-Pasko.

Sa tanong naman kung ready na ba siyang ma-in love ulit, ang sagot ni Matteo, “Tingnan natin, di talaga natin alam. I’m not closing any doors but I’m not also in a rush.”

Tinanong ng Push.com.ph kay Matteo kung nagkaroon na ba sila ng pagkakataong mag-bond through sports. “In swimming, yeah, sa set namin ganyan. Pero we’re planning to go badminton, running and stuff pero ‘di pa nangyayari. Nag-schedule kami minsan, ‘Kelan pa tayo magpi-play,’ ganon pero di pa nangyayari dahil busy ‘yung schedule din niya, pero we’ll see.”

Comments
yana makarina
1/12/2013 3:25 PM
your a both cute couple unlike your ex gf besides jessy is more prettier than maja.

Post A Comment
Comment: