ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
9395 vote/s out of 17590
53% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
8195 vote/s out of 17590
47% Vote

Total Votes: 17590

kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Maja Salvador on claims that Gerald Anderson is courting her: 'Siya na lang ang tanungin n'yo'

1/09/2013 10:18 AM

by: Bernie Franco

Push This

010913-maja-main.jpgSinagot ni Maja Salvador ang isyung pagli-link sa kanya kay Gerald Anderson matapos lumabas sa social networking sites ang pictures nila together with their group of friends. Nababalita kasi ngayon na diumano’y may namumuong pagtitinginan sa pagitan ng dalawa.

Ang nasabing pictures ay kuha sa bakasyon ng dalawa sa Misibis, Albay. Sa press conference noong Martes, January 8, para sa Book 2 ng Ina Kapatid Anak, ikinuwento ni Maja kung bakit nagkasama sila ni Gerald sa Misibis.

Hind po kami nagdi-date do’n, nandun po ako dahil bridal shower ng aking pinsan, ang aking best cousin, kaya ako nandun at siya (Gerald) din nandun kasama ng mga kaibigan niya,” simula ni Maja.

Sumunod na tinanong sa kanya kung nagkataon lang ba na nandun sila pareho. Simula ni Maja, “Di ko kailangang mag-explain, pero sige po. Kasi may isa kaming pagsasama 24/7 In Love Davao,” aniya, na itinutukoy ang recent Star Cinema movie kung saan kabilang sila nang i-promote nila ito sa Davao noong November.

Nakapag-usap daw silang dalawa at nagtatanong si Gerald ng place na maganda at iminungkahi raw ng aktres ang Misibis. Humingi raw si Gerald ng contact number sa Misibis at ibinigay naman ni Maja.

Muli raw silang nagkasama ni Gerald recently sa Italian Film Festival sa Makati City last December. “Sabi ko [kay Gerald] na, ‘Uy, kung gusto mo sa Misibis pupunta ako with my cousins.’ Bonding kasi dun na ang bridal shower inayos ko. Tapos sabi niya parang, ‘Ah, sige, ayusin ko din.’ So ganun lang,” paliwanag ng aktres. Magkasabay raw sila sa flight nang pumunta sa Misibis.

Sa puntong iyon ay direktang tinanong si Maja kung nanliligaw ba sa kanya si Gerald at ang tugon niya, “Hindi ko po masasagot ‘yan, eh. Siguro po siya na lang ang tanungin n’yo.”

Sumunod na tanong sa kanya kung ano ang tingin niya kay Gerald. “Okay naman po siya,” sagot ni Maja. “Kasi isa na rin po siya sa mga naging kaibigan ko dahil kay Enchong (Dee). Kaibigan ni Enchong, kaibigan ni Rayver (Cruz). Eh close ako kay Enchong, close ako kay Rayver.”

Nang magtanong ang isang entertainment writer na pareho naman silang single at kung maaari bang mauwi ito sa relasyon, sagot ni Maja, “Ayoko pong sagutin ‘yan kasi sa ngayon nagugulat din ako kung bakit nangyayari ang mga bagay na ganito ngayon.”

Sinundot ito ng tanong kung consistent ba ang mga tawag at text messages sa kanya ni Gerald. “Siya po tanungin n’yo,” pa-safe na sagot ni Maja.

Inamin din ni Maja na nakanood na siya ng basketball game ni Gerald. Kwento niya nagkayayaan daw kasi ang mga pinsan niya at si Gerald ay magkakilala kaya nakasama siya para manood. “Nandun po ang mga pinsan ko, eh. Opo, pero ‘yung ligaw ano hindi po,” paniniyak niya.

Sinasabi ring nagkaroon umano ng lamat ang pagkakaibigan nila ni Kim Chiu na itinuturing na best friend ngayon ni Maja. Matatandaang may past relationship sina Gerald at Kim.

Simula po umpisa alam naman po ni Kim ang mga nangyayari,” rason ni Maja. Aniya pa, mas mabuti na si Kim na lang daw ang tanungin kung ano ang reaksyon nito sa pagkakaroon ng komunikasyon ni Maja at Gerald. Direktang tinanong si Maja kung okay ba sila ni Kim, at ang kanyang pa-safe na sagot, “Okay po.”

Kinunan din ng reaksyon si Maja sa balitang in-unfollow raw siya ni Kim sa Twitter, pati na rin si Gerald sa araw ring iyon. “Siguro po si Kim na din po ang sasagot niyan.”

Ayon pa kay Maja, inimbitahan din niya si Kim na sumama sa nasabing bridal shower. “Ah invited siya, in-invite ko po, in-invite ko siya na mag-Misibis. Di lang siya pwede siyempre vacation mode,” rason ni Maja.

Single ngayon si Maja pagkatapos nag-break sila ng dating boyfriend niya na si Matteo Guidicelli last year. Kaya ang sumunod na tanong ay kung ready na ba siya na muling magmahal, sagot niya, “Tingnan po natin, di pa ako kasi ako masyadong ano d’yan…

Samantala, masaya naman si Maja sa magagandang feedback ng televiewers sa kanilang teleserye. Tiniyak din niya na mas lalong magiging kaabang-abang ang kanilang teleseryeng Ina Kapatid Anak dahil sa dami ng mga rebelasyon simula ngayong January 14 sa primetime bida ng ABS-CBN.

Comments
Ge Rald
2/21/2013 8:47 PM
Basta ako, enjoy ako habang bata pa with the pretty and hot girls na lumalapit sa akin :)

poun jeoux
1/16/2013 8:46 PM
Naku Kim, let go of Maja, hindi siya tunay na kaibigan. Walang kwenta na paglaanan ng oras ang taong ganyan. Kakarmahin din yan. Tsaka huwag mo ng ipasama sa teleserye with you yan, nakikiamot pa yan ng rating sayo e nakakainis naman ang acting! Hindi na nga kami nanunuod kapag siya na ang umaarte e :-)

sarah anderson
1/14/2013 6:16 PM
Boy Abunda should have asked Gerald if he knows what advices Maja gave Kim about him the time Kim was crying on her friend's(?) shoulder. Maja only told Kim, "Gerald is such an idiot! Hiwalayan mo na yan" but then she forgot the line: "para maging akin na lang!" LOL :)

1/12/2013 12:14 PM
Of course, Kim has to say okay lang for Maja to date Gerald dahil wala na rin naman talaga sila for years na, pero por delicadeza na lang kay Maja as Kim's best friend na siya pang naging hingahan ng sama ng loob ni Kim during her break up with Gerald at kesyo naging adviser pa ni Kim at that moment. I understand how Kim feels about it. Anyways, may consequences ang lahat ng actions nila kaya Maja and Gerald will take the worst of it for sure. Hayaan mo na lang sila Kim,they aren't worth ur time

sarah anderson
1/12/2013 12:13 PM

1/12/2013 12:12 PM
Of course, Kim has to say okay lang for Maja to date Gerald dahil wala na rin naman talaga sila for years na, pero por delicadeza na lang kay Maja as Kim's best friend na siya pang naging hingahan ng sama ng loob ni Kim during her break up with Gerald at kesyo naging adviser pa ni Kim at that moment. I understand how Kim feels about it. Anyways, may consequences ang lahat ng actions natin kaya Maja and Gerald will take the worst of it for sure. Hayaan mo na lang sila Kim,they aren't worth ur tim

Page: 1 2 3 4 5 6 7 8
Post A Comment
Comment: