ABS-CBN Entertainment

Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Agree ka ba kung maging Kapamilya si Aljur Abrenica?
A. Oo, the more stars, the merrier!
327552 vote/s out of 545811
60% Vote

B. Hindi, dun na lang siya sa ibang network.
218259 vote/s out of 545811
40% Vote

Total Votes: 545811

Snapshots (Photo Gallery)


kapamilyatweets_1 logo 05232014.jpg

Paulo Avelino opens up about his showbiz struggles before transferring to ABS-CBN

1/08/2013 10:33 AM

by: Krissa Donida

Push This

010813-paulo_main.jpgSa ekslusibong panayam ni Carmina Villaroel ng Showbiz Inside Report kay Paulo Avelino, naging bukas ang aktor sa kanyang nakaraan. Kwento nito na noong bata pa siya, “Simple lang po, tahimik, naglalaro lang po ng computer, nanonood ng pelikula tsaka nag-aaral, masunurin naman. Siyempre may mga oras din sa buhay mo na nagbibinata ka, gusto mo magexplore.”

Hindi alam ng nakararami na galing sa angkan ng mga pulitiko si Paulo, ang kanyang lolo ay dating gobernador at ang kanyang great-grandfather naman ay dating senador. Nung natanong si Paulo kung may balak din ba siya pumasok sa pulitika, ang naging pag-amin niya, “Hindi ko po kayang karguhin ang isang bayan o kahit isang barangay. Marami namang ibang paraan na pwedeng gawin para tumulong.”

Ibinahagi din ni Paulo ang kanyang mga naging simulain sa showbiz. Kumukuha na ng Entrepreneurial Management noon si Paulo sa kolehiyo ng may mga nakilala siyang mga talent agents na nagbabakasyon sa Baguio. Iyon na nga ang naging simula ng kanyang pagmomodelo hanggang sa sumali na nga siya sa isang talent search.

Ngunit inamin nito ang kanyang mga naging hirap sa nagiging takbo ng kanyang karera. “I was always wondering why I don’t get the meaty roles. Na-realize ko sa sarili ko na kulang, kulang ang binibigay ko.” Dagdag niya pa, “Naaalala ko kasi yung sinasabi ko nung bata [ako] na when I watch these films that are very inspiring, very moving, na-realize ko na nung bata ako gustong gusto kong gawin to tapos ba’t ngayon, bakit parang hindi ko binibigay ang buo ko? Ayun nagdecide ako na pagbutihin pa. Sinabi ko sa sarili ko na magpupursige akong mag-aral, nagresearch ako ng pelikula. Humingi ako ng advice sa mga ibang artista.”

At ang pagpupursiging ito ang naging hudyat kay Paulo para lumipat na sa ABS-CBN. Aniya, “I wanted to reinvent my career. Kapag nasa labas ka kasi ng comfort zone, mas marami ka kasing magagawa na hindi mo akalain magagawa mo. Gusto ko lang po gumawa ng roles na magaganda, challenging. Nabigay nga po ng Walang Hanggan and it was a dream come true.”

At sa kanyang pagkakapanalo sa 35th Gawad Urian as Best Actor, hanggang ngayon ay hindi pa rin maitago ni Paulo ang matinding emosyon. “Hindi ako makapaniwala, nago-overflow lang emotions ko with happiness, kaba, takot. Binigay sa akin nung award yung confidence na hindi puro mali ang ginagawa ko, tama rin.

Naging matipid man ang sagot ng actor, napag-usapan din ng bahagya kung paano si Paulo Avelino bilang karelasyon. “Mahilig akong mag-spoil.” Aminado din na boring si Paulo, aniya, “Yung mundo ko po kasi ngayon gumagalaw lang sa isang circle. May mga routine akong ginawa I just rock climb, I just watch movies. Kumportable na ako sa bilog na yun.”

Sa mga magagandang nangyayari sa karera ni Paulo, naibahagi naman niya na marami pa siyang gusting gawin sa buhay. “Magtrabaho pa rin, makagawa pa rin ng mga pelikulang na magfufulfill sa hunger ko, a new character that I haven’t done before na bago.”

At sa tanong na kung ano ang pinakamatinding aral ang natutunan niya sa lahat ng kanyang napagdaanan, sa propesyunal at personal na buhay man, “Kailangan mong ma-experience mahulog. Mahulog ng ilang beses at dun mo makikita  kung gaano ka kapursigido at  kung gaano ka kaseryoso umangat.

Catch Showbiz Inside Report every Saturday after It’s Showtime.

Post A Comment
Comment: